Saturday na ulit ngayon. Imbis na sa Korean Restaurant kami, nilibre ko si Hannah at KC ng airfare para sa pagpunta namin sa El Nido.Naghihintay kami ng flight. Ang daming tao sa airport. Buti naman okay lang kay Hannah kasi sabi niya nakapagpaalam na siya sa client niya. Yung si KC, di ko naman gaano nakaka-interact kasi bagong kakilala pa lang. Nakalongsleeve yung KC tapos sunglasses. Si Hannah, nakashirt tapos pants, yun daw talaga travel outfit ni Hannah, simple lang. Sabi ni Hannah, nagdadalawang isip siya mag-travel kasi may meaning yung traveling sa kanya. Sakin rin may meaning, ito kasi yung unang gift ko kay Gretchen. Inipon ko yun ng tatlong buwan tapos sinurprise ko siya nung 4th Monthsary namin. Kahit anong pilit ko ayaw ni Hannah aminin yung meaning nung pagtravel sa kanya, rather sa kanila ng former boyfriend niya. Bigla nagsalita si KC, "Kami ni Ben kahit nung bago kami nagtatravel na kami." She started crying tapos naglabas na ng tissue si Hannah at hinimashimas yung likod ni KC. "Pilot pa si Ben so talagang meron meaning yung traveling saming dalawa."
Bumulong si Hannah, "I hope you understand. Bago lang break-up nila unlike yung sating dalawa.
"I do. I do understand." Naiintindihan ko naman talaga kasi si KC. Pag fresh ang breakup, sobrang confused ka pa at blinded sa mga nangyari. Kami nga ni Hannah, pinagdadaanan pa rin yun. Tinawag na yung flight namin tapos pumila na lahat ng passengers na sasakay. Nakatingin sakin si KC nung pinupunit nung attendant yung ticket ko. Nag-roll eyes niya.
Tinaas ko dalawang kilay ko. "What's wrong?" I asked habang naglalakad kami papunta sa plane na sasakyan namin. Hindi sumagot si KC. Nag-greet samin yung mga Flight Attendant (FA) sa plane. Nagkasalubong yung eyebrows niya sa gitna.
Kinalabit niya si Hannah nung umupo na kami and said, "Ikaw na nga lang magsabi sa kanya."
"Nalaman niya kasi Mario na fight attendant yung babae na inakbayan ni Mario," halos maglock na yung panga ni Hannah nung sinasabi yan.
Hindi ako nagreact kasi baka may masabi akong di maganda. Nasa sobrang sensitive pa na stage si KC. Gaya nga ng sinabi ni Hannah na fresh pa lang yung breakup nila nung Ben. Nagseatbelt na kaming tatlo kasi pa-take off na yung plane. Nasa gitna nila akong dalawa. Ang awkward lang kasi hindi ko alam gagawin ko, kung kakausapin ko ba si KC. Pero nung tiningnan ko si KC, tulog na pala.
Nasa window side si Hannah. Hindi pa pala naka-take off yung plane, nung pa-take off na, humawak si Hannah sa kamay ko at pinipisil niya tapos nakapikit siya. Gusto ko rin hawakan kamay ni KC kaso parang di naman kasi who you naman ako kay KC. Takot kasi ako sa heights. Nang nagtetake-off nga parang babaliktad yung tiyan ko. I just can't fathom yung dahil yun sa take off or sa paghawak ng kamay ni Hannah. Nag-inhale exhale na siya. Lalong humigpit hawak niya sa kamay ko. Napatanong tuloy ako, "Are you okay?" Tumango tango lang siya, meaning that yes, she's okay.
Nang finally nakalipad na yung plane, binitawan niya yung kamay ko at dumungaw sa window. Nakisilip rin ako. Gusto ko sana sa window pero I'd rather let Hannah see the view. I was imagining different kinds of animals kasi yun yung ginawa namin ni Gretchen nung first time na nagtravel kami. It seems like yesterday. "Nagtravel na ba kayo together ni Aaron?" I asked.
Tiningnan niya ako, almost teary eyed. She was biting her lip para pigilan yung tears niya na tumulo. "Let it fall," sabi ko. Pero shinake niya yung head niya na hindi pwede. Sana hindi ko na lang naitanong. Ang hirap na nakikita siya na pinipigil niya emotions niya. Kasi alam ko mas nasasaktan siya pag pinipigilan niya emotions niya.
"Nung flight ko kasi before." Hindi ko alam kung ikekwento niya pero napatigil siya. "Hindi na siguro importante yun. Kasi pag binabalikan ko yung memory na yun, sobrang sakit." Hindi na nga niya kwinento. Pilit siyang ngumingiti na pinipigilan niya umiyak. Para tuloy hitsura niya namimilipit yung tiyan sa sakit. She continued, "Yung words kasi na sinabi niya nun parang ang ganda. Pangarap ko kasi masabihan ng ganon from someone na sobrang importante sakin."
BINABASA MO ANG
ANG SABI NGA NILA...MAG MOVE ON
RomanceBook Cover by Bea Davila Ang kwento ng pagmumove-on ng dalawang tao na parehas na nasaktan sa kani-kanilang relasyon. Ito ay sina Mario at Hannah. Si Mario ay nagmumove on ng dalawang taon pero hirap pa rin makalimot. Si Hannah naman ay galing sa...