Chapter 8

28 4 0
                                        

"What happened to your knee?" tanong ni Dr. Ragasa.

"Nadapa po ako," sagot ko na tila walang emosyon.

"Hannah, hindi ka magkakapasa ng ganyan --"

I cut him off kasi pagod na pagod na ako. "What do you want me to tell you, Dr. Ragasa?"

"What really happened to you." Ang galing bumasa ni Dr. Ragasa.

Hindi ko kayang balikan yung gabing yon na pauwi ako na nawala ako..."I was almost raped, Doc."

I told Dr. Ragasa what really happened that night. "Pauwi na ako kasi nga pinapauwi na nila ako tapos yung nasakyan kong jeep akala ko papunta sa sakayan pauwi kaso nagtake-advantage yung jeepney driver nung nagbabaan na yung mga pasahero. Nagtatanong kasi ako kung saan pasakay papunta sa lugar namin." Walang tumutulo na luha kasi kailangan maging malakas ako. "Lumaban ako Doc. Kinailangan ko lumaban kasi ako na lang ang natitira sakin."

"Alam ba yan ni Aaron?" sabi ni Dr. Ragasa.

"Whatever happens to me, he will not care anymore," sabi ko. "Hindi niya po ako hinarap eh." "Wala na akong kwenta sa kanya, Doc."

Umiyak si Dr. Ragasa. Sinasabihan niya ako na umiyak pero naibuhos ko na at nabasa na yung balikat ni Ysabel. Doon ko talaga naramdaman na pagod na ako. Na mahal ko pa rin siya kahit ganon. Pero natauhan na ako.

Sa point na yun napahagulgol na ako. "Muntikan na akong marape, Doc. I have to run away."

Binuhos ko na kay Dr. Ragasa lahat. Lahat ng hinanakit ko. "Mas lalo siyang maaawa kasi kawawa na lang ako sa paningin niya. Wala na nga akong natira for myself sasabihin ko pa yun sa kanya. It's as if mas lalo akong humihingi ng awa. Kasi ang nakarating sakin kaya di siya magpakita kasi baka balikan lang niya ako sa awa. Kapag nalaman niya na muntikan akong narape, mas lalo lang siya maaawa at ayoko maramdaman na pakatapos ko maranasan yun, awa lang mabibigay ni Aaron for me."

"Let it all out Hannah," sabi ni Dr. Ragasa.

"I want to leave myself na, Doc," sabi ko. "Parang nawala na ako matapos ko mareceive ng panghuhusga from the eyes and lips of many tapos ganon pa? Pag nalaman rin yun Doc ng iba, mas lalo nila akong ibababa. Promise me Doc na walang ibang makakaalam."

Mas lalo umiyak si Dr. Ragasa. Pinaalis niya yung suot ko na longsleeve na sweater. May pasa ang right arm ko. Tama na pinagkatiwalaan ko si Dr. Ragasa. 6 months na na we're keeping this secret. Nawala na yung bruises. Pero andun pa rin yung memory that haunts me every night kasabay ng memory na hindi ako hinarap ni Aaron. Sumisigaw ako gabi-gabi at ginigising ng Ate ko. Pagkagising ko pawis na pawis ako at nangingig sa takot.

Ngayon si Mario woke me up from that nightmare. Nasuntok ko yata siya. Nakatulog pala ako kasi ang sarap matulog na nalalanghap mo yung dagat. Alalang alala yung mukha ni Mario. "Shh...You're calling a name."

"Kaninong pangalan?" I asked habang pinupunasan ko yung mata ko.

"Your former boyfriend's name," sabi niya. Tumingin si Mario sa malayo. "Then you're shouting help. What did you dream about?"

I need to lie. "Napanaginipan ko na may pinupuntahan akong tao pero hindi ako nakakarating doon sa destination ko."

"Is Aaron the guy you're running to?" Mario asked. "Kasi naririnig ko rin pangalan ko."

Medyo napablush naman ako. Nakakahiya kaya na pati pangalan niya narinig niya. Parang sa kanya naman ako nanghihingi ng help sa kanya. Tiningnan ko siya at nagpapacute siya. Sabi ko na nga ba na he's just toying with me. "Hoy ikaw, huwag ka gumagawa ng kwento." Inurong ko face niya away from me.

ANG SABI NGA NILA...MAG MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon