Karamihan sa tao kapag nakakaranas ng breakup, dumadaan sa mga stages. This goes for both guys and girls. Ayon sa PsychologyToday.com, lima ito: Denial, Anger, Bargaining, Depression, Acceptance. Sa denial, hindi pa natatanggap at hindi naniniwala ang tao sa nangyari. Sa Anger, galit na galit lang tao sa lahat ng bagay, sa nankin sa kanya, sa Diyos, sa buong daigdig. Sa Bargaining, nandito yung hope na maayos pa yung relationship. Bargaining comes in different forms: mangangako ka na magbabago ka na, makikiusap sa partner mo para magstay siya, gagawin mo yung alam mong tama para magstay siya.
Sa depression, mawawalan ka ng gana sa buhay. Mas pipiliin mong walang kausapin. Kikimkimin mo yung nararamdaman mo at matutulog ka the whole day. Iba yata ang dinedescribe na depression dito kaysa sa kundisyon na depression. Panghuli naman ang acceptance kung saan tanggap mo na yung paghihiwalay ninyong dalawa ng partner mo. Ngayon, based sa mga kakilala ko at sa nararnasan ko, kadalasan sa mga babae, nagiging roller coaster yung stages, hindi masasabi na nasa ganito ganyang stage ka na kasi bumabalik minsan sa umpisa. Kagaya na lang ng nararanasan rin ni KC. I folded my laptop tapos tinabihan si KC that night.
Umiiyak si KC kasi nakita niya yung Facebook profile ni Ben na in a relationship doon sa babae na nakita niyang kaakbayan ni Ben. Punong puno talaga ng kasinungalingan yang Ben na yan. I thought na natigil na yung communication nilang dalawa pero si KC pala nagtext pa kay Ben ng "I want you back."
Totally na na-e-experience ko noon. Nung nabasa ko yung text ni Ben, I was infuriated. Tinext ba naman si KC na yung pakikipagrelasyon niya doon sa babae ang consequence ng pakikipagbreak sa kanya? Ang kapal talaga ng face ng lalaking yun. Si Kuya GGSS. To the highest level ang pagkaGGSS niya. Nagtalo nanaman kami ni KC na pati yung mga Ate ko na nakisali na.
Sa pamilya kasi namin, 2 ang naunang kapatid kong babae tapos 2 lalaki tapos bunso ako. Tapos may mga Auntie at Uncle rin ako na nakatira rin sa bahay. Sinabihan namin siya na huwag na huwag na gamitin kung kanyang phone. Binigay niya sakin at sinabi na in order for her to not contact Ben, she should surrender her phone. Tinago ko sa hindi nga makikita. Pinahiram ko sa kanya yung basic phone ko at bumili kami ng bagong sim. Tinanong ko siya kung kabisado niya number ni KC. Hindi raw. Fine. Naniniwala ako. Nanood kami ng documentary ni Princess Diana, about sa secret tapes niya.
Umiiyak pa rin si KC. Naririnig ko na may mga side comment siya, "Mga lalaki talaga di na nakuntento. Sa pinakamataas na post to the lowest, hindi nakukuntento."
Halos mapunit niya yung panyo na pinampupunas niya ng tears niya. Napakuha tuloy ako ng bagong panyo. Marami naging revelation about sa documentary about kay Princess Diana, sa affair ni Prince Charles. Sa generation namin na mga nasa late 90s kilala pa si Princess Diana (even na considered na millenials kami). But pag nagtanong ka sa iba, hindi na nila alam. Ina-idolize ko si Princess Diana kahit bata pa ako kasi she fought a good battle in her lifetime, in dealing with the hurtful truth about sa pagkakaroon ng other woman ni Prince Charles.
Sino ba naman hindi mahuhumaling sa story niya? A kindergarten teacher wedded to the Prince of Wales. Ang romantic di ba? Pero di maiiwasan ang lies sa mga picture perfect smles sa interviews at appearances ng mag-asawa on cam. Yung malafairy tale na buhay niya is not a fairy tale after all because love is not a fairy tale. Maybe for some na nahanap na nila ang true love nila. Naniniwala ako sa concept ng true love dati pero after three failed relationships, it's near to impossible na maniwala. I found out na ang true love hindi yan nakikita sa isang tao lang. Pwede mo maging true love ang trabaho mo, pamilya, or ang sarili mo.
Saturday nanaman. Magaan any pakiramdam ko kasi aalis kami ni Mario. Nagsabi siya sakin na may pupuntahan kami. Isasama namin yung kapatid ni Mario kasi off raw nung Yaya ng nag-aalaga sa kapatid niya. It's no big deal if may kasama kaming bata, as long as kasama ko si Mario. Anong sinabi ko? Basta kasama ko si Mario? Wait lang. Tinigil ko yung pagsusuklay kasi mali yung nasabi ko. Pinakinggan ko yung pintig ng puso ko, nagugustuhan ko na kaya si Mario? Nadadala lang yata ako na kasi siya yung nandiyan at hindi si Aaron. Iniisip ko nanaman si Aaron. I let out a heavy sigh kasi sinasayang ko nanaman yung oras ko. Bumaba na ako sa sala para magbreakfast at makainom ng gamot ko. Binati ako ng napakasayang "Good Morning!" ni KC.
BINABASA MO ANG
ANG SABI NGA NILA...MAG MOVE ON
RomanceBook Cover by Bea Davila Ang kwento ng pagmumove-on ng dalawang tao na parehas na nasaktan sa kani-kanilang relasyon. Ito ay sina Mario at Hannah. Si Mario ay nagmumove on ng dalawang taon pero hirap pa rin makalimot. Si Hannah naman ay galing sa...