Maaga kami umalis sa bahay nina Hannah. Ang bilis ng araw at Saturday nanaman. Hindi kami umalis kasi busy si Mario sa work and may band practice kami. Tatapusin na nina Hannah and Tom yung nacompose nila. Naging abala rin kami sa gigs and sa youtube career namin. Somehow, nakatulong yun to take my mind off things sa breakup namin ni Ben. Nagagambala lang ako kasi buong week maaliwalas yung kalangitan puwera na lang ss pagkatahimik si Hannah. Parang nung month na nabuo yung band namin, nung second month na she's forcing herself to win through falling into pieces, ganon siya. I asked her what's wrong but she said she's fine. Tinanong ko kung dahil kay Mario.
"Bakit naman dahil kay Mario?" mahina niyang sagot. I have no other theory naman ba't siya nagiging low ang mood niya.
Pakarating namin sa bahay ng drummer namin na si Carlo, pumunta agad sina Tom at Hannah sa corner ng room na pinagpapraktisan namin, and where we process yung flow ng music, intros and outros, kailan papasok yung bass, sasabay ba sa accompaniment yung vocals yung keyboard. Habang tinatapos nina Hannah at Tom yung composition para ipost sa youtube, kami nina Jake at Carlo, we're practicing our instruments, kung paano ikocoordinate yung blending sa gagawin naming cover ng "Forgiveness" ng Paramore. Nang nagpause muna sila sa corner, nagsignal na si _ na magready na sa mga gagawing cover. Pwinesto na namin yung mga instruments namin tapos yung camera. Maraming camera na nagroroll para pag inedit maganda, maraming angles. Sabi ni Tom, ito yung magiging magandang cover namin kasi sa wakas, nagkasponsors kami na they believe in our talents. Tom minsan tawag namin. Minsan Reg. Tom Reggie kasi siya.Two minutes passed and nagsoundcheck na kami bawat isa although tinotono pa ni Jake yung bass guitar niya. Nung nag-thumbs up na si Jake, nagsignal na si Tom na magsastart na. Pinakinggan ni Hannah ng mabuti yung intro tapos pumasok na siya:
"You hurt me bad this time, no coming back. And I cry till I couldn't cry another heart attack..."
Since ako yung second vocals, sumasagot ako chorus.
Hannah: You want forgiveness, and I, I just can't give you that
Me: I can't give you, I can't give you that (second voice).
Tamang tama sakin yung lyrics kasi di ko mapatawad si Ben sa ginawa niya. I know eventually mapapatawad ko siya pero not now. Masakit yung ginawa niya. Kahit low ang mood ni Hannah, at least ineentertain niya yung mga tanong ko nung isang araw. Kasi kahit nagkaboyfriend na ako dati, iba kasi yung love ko kay Ben.
"Mapapatawad ko kaya si Ben?" I asked.
"Oo naman. Mahal mo kaya you have the capacity to forgive him," Hannah answered.
"Ikaw? Napatawad no na si Aaron?" tanong ko.
Hindi siya nag-isip ng ibang isasagot kung hindi, "Yes. I already did. I'll always forgive him."
"Ganon siguro talaga pag mahal mo," I sighed.
"Ganon nga yata talaga," sabi niya. Yung mga answers namin na tila di sigurado naggajajive, pero siningit niya, "Ganon talaga ang love."
"Nagsosorry sakin si Ben. Tawag ng tawag and text ng text," kwento ko sa kanya.
"Have you answered any of his calls?" tanong niya. Calm naan yung boses niya unlike nung nasa El Nido kami.
"I can't eh," sabi ko. "Not because natatakot ako. Pero kasi di ko lang talaga kaya."
"Hayaan mo siya," sabi ko. "Huwag lang yung ikaw yung tumatawag at nagbebeg."
"Dati kasi ako yung ganon," na-divulge ko na kay Hannah. Yung siya yung humahabol na sinabi ko, para lang pagtakpan yung kahihiyan ko na ako talaga gumagawa nun. "Ngayon nagsosorry si Ben, napatawad ko siya."
"Don't worry." Napangiti si Hannah. "You've not been alone in doing that."
"Pero bakit ikaw kahit di nagsosorry, napatawad mo na?" sabi ko.
"When you love, you love fully, no ifs and buts," ang sagot ni Hannah. "You love the person kahit na nasaktan ka na. Kahit na fault niya na. Kasi nga you're loving all of that person. Ang love naman di siya nagsastop sa mga mali nung tao.""There's still a thread that runs from your body to mine. And you can't break what you don't see, an invisible line..."
Natapos yung shoot namin ng cover para sa video. Lumiwanag yung mukha ni Hannah. Nagpatawag ng band meeting si Tom. Umupo kami sa floor and formed a circle. Lagi naman kami may closing prayer pero after nun, sabi ni , "We are progressing. Our hard work paid off."
![](https://img.wattpad.com/cover/117964694-288-k205783.jpg)
BINABASA MO ANG
ANG SABI NGA NILA...MAG MOVE ON
RomanceBook Cover by Bea Davila Ang kwento ng pagmumove-on ng dalawang tao na parehas na nasaktan sa kani-kanilang relasyon. Ito ay sina Mario at Hannah. Si Mario ay nagmumove on ng dalawang taon pero hirap pa rin makalimot. Si Hannah naman ay galing sa...