Chapter 24 - Part 2 (2 Years After)

31 0 0
                                    

Nandito kami ngayon sa mall naghahanap ng gamit. Parehas na naming inuupahan ni Hannah. Umalis na siya sa puder ng mga magulang niya. Bibisitahin bisitahin pa naman namin sila weekly. Actually, parang wala ring pinagkaiba kasi sa kanila pa rin kami tutuloy kapag Friday until weekend. Yung mga magulang ko nagmigrate ng wala ako. Parang kinupkop naman na raw ako ng pamilya ni Hannah. Dalawang taon na rin nung aksidente na ikinamatay ni Mario. Nandito rin kami sa mall para mag-grocery kasi isecelebrate namin ang death anniversary niya. Maghahanda kami sa unit. May mga pupuntang kaibigan at kapamilya.

Lumipas na ang panahon malamig ang simoy ng hangin. Lumipas na rin ang ingay ng mga paputok. Dumaan ang araw ng mga puso. Nang araw na yun, parehas kami ni Hannah nagdinner sa labas. Nakapalibot samin ang mga couples pero wala na kaming pakialam. Di lang naman mga couples ang nagsecelebrate ng araw na yun. Dumaan ang araw ng kuwaresma. Isang buwan pakatapos nun, nandito kami ngayon sa mall naghahanap ng gamit para parehas na naming inuupahan ni Hannah. 

Umalis na siya sa puder ng mga magulang niya. Bibisitahin bisitahin pa naman namin sila weekly. Actually, parang wala ring pinagkaiba kasi sa kanila pa rin kami tutuloy kapag Friday until weekend. Yung mga magulang ko nagmigrate ng wala ako. Parang kinupkop naman na raw ako ng pamilya ni Hannah. Dalawang taon na rin nung aksidente na ikinamatay ni Mario. Nandito rin kami sa mall para mag-grocery kasi isecelebrate namin ang death anniversary niya. Maghahanda kami sa unit. May mga pupuntang kaibigan at kapamilya.

Habang naglilibot libot kami at nagkacanvass ng furniture sa titirahan namin, marami ng nagbago. Yung Hannah na iyak ng iyak dati, tawa na ng tawa ngayon. Bumalik yung Hannah nung nakilala ko nung elementary kami. Mas naging palaban siya sa buhay. Mas naging masayahin siya kahit na tinatapunan pa rin siya ng mga pagsubok. Nakatulong yung bote kung saan hinuhulog niya yung mga scroll kung saan isinusulat niya yung mga natatanggap niyang biyaya. Kahit na may mga kaibigan nagkaroon ng fallout sa ilan sa ibang kakilala niya nanaman, sanay na siya. She stopped being naive. 

Hindi man halata, alam ko nasasaktan siya sa mga pangyayari. Sasabihin na lang niya sakin, "Hayaan mo na sila. They are not obliged to understand my state." Mas nasaktan ako sa mga sinabi niya. Nagkagulo sila kasi hindi pa rin nila maintindihan ang kundisyon ni Hannah. Naalala ko tuloy ng kwinento sakin ni Hannah yung sinabi ni Mario sa kanya, something like, "Nagsasabi mga tao na live to the reality pero sila hindi nila matanggap ang realidad na may mga taong nakakaranas ng depresyon." 

Nagpapasalamat na lang ako at isa na ako sa mga tao na nakakaintindi sa usaping ito. Bihira na rin pala si Hannah magka-rage episode o panic attack. Magandang impluwensya sa kanya ang exercise at pagpapaganda. Mas minahal niya ang sarili niya dahil dito. Mas naging kuntento siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Samantalang ako, nakakaramdam ng kagustuhan magkaroon ng boyfriend. Sinubukan kong maghanap pero the guys I've dated, in a span of two years, always turn up to be that preposterous Ben. Hay, iniisip kong mga 'to habang nagkacanvass ng mga presyo ng upuan.

"Sa tingin mo ba may magmamahal pa sakin?" tinanong ko si Hannah. 

 "Ba't naman wala? Ako, mahal kita," pabiro niyang sinabi. 

 "Mahal rin kita. Yung lalaki na magmamahal ang sinasabi ko," sabi ko. "Ikaw di mo ba namimiss si Mario?"Napatigil siya. "Siyempre miss ko si Mario. Si Mario pa ba ang hindi ko mamimiss?"

Nakalagpas na nga si Hannah sa malagim niyang nakaraan pero parang may kakaiba. "Hindi ka pa handa magmahal ano?" 

 "Hindi pa ulit." Hinawakan ni Hannah yung singsing na binigay sa kanya ni Mario. 

Pinikit ko mga mata ko. "Sino ba kasi maysabi na kailangan natin ng lalaki? Hindi ko kailangan ng lalaki." 

"Naramdaman ko rin yan nung nawala si Mario. Kasi nga sa isang iglap, nawala na siya," sabi ni Hannah.

"Kung nasaan man siya sigurado ako na matutuwa siya sa nakikita niya," sabi ko."Tara doon na tayo sa mga centertable," paanyaya ni Hannah. Maraming klase ng centertable. Ang hinahanap namin yung parisukat at katamtaman ang tangkad. Yung clear glass lang sana. "Kung hiwalay kaya tayo maghanap?" suggestion ko. 

 "Ako na lang maghahanap ng ref natin," sabi ni Hannah. Kaso ilang hakbang pa lang natigilan siya sa paglalakad. 

 "Hannah? Bakit?" Nakatulala si Hannah. Pinagmamasdang ang isang lalaki na matagal na niya kinalimutan. Gaya niya, para rin akong nakakita ng multo. Yung lalaki may kasamang kabarkada niya. Nakita ko sa mga mata nung lalaki ang takot. Malimit mang nababanggit na ang pangalan niya sa dalawang taon, nakikita ko sa mga mata ni Hannah na yung lalaking nasa harap namin ang nilalaman ng kaibuturan ng kanyang puso. 

"Hannah," pagbigkas ng lalaki. Palapit na si Hannah kaso pumagitna ako. Hinarap ko yung lalaki. "Hindi mo ako kilala pero ikaw kilalang kilala ko." I paused. "Ikaw si Aaron."

"Katherine Cate," sabi ni Hannah. May mga luha na ready nang pumatak pero nagpapakatatag siya. Ayaw niyang magmukha siyang mahina sa harap ni Aaron at ng ibang tao. "Tumabi ka." 

Tumabi ako. Hindi ko alam kung bakit ako sumunod. Tatlong hakbang ang pagitan nilang dalawa. Yung mga kabarkadang lalaki ni Aaron nandoon sa likod ng kaibigan nila. Isang hakbang, dalawang hakbang, tatlong hakbang.... Makapigil hininga ang moment na yun. Inangat ni Hannah ang kanang kamay niya...Hindi ako kumikibo ni kumukurap. Nilapat niya ang kamay niya sa kanang pingi ni Aaron. Walang marka ng sampal. Hindi niya sinampal si Aaron!"Pinapatawad na kita," sabi ni Hannah.

Ito ang isang ugali ni Hannah na hinding hindi magbabago. Ang kabaitan ng kaibigan ko, hinding hindi kukukupas. Kung ako dinaanan ko lahat ng yun tapos ganito lang, mahigit sa sampal ang gagawin ko. Napaluha nga rin si Aaron. "Kahit hindi ka na magsorry sakin. Kahit sabihin mo sakin na galit na galit, tatanggapin ko," sabi ni Hannah. Dito na tumulo ang luha niya. "Sawa na akong magalit."

"Hannah..." Sisigaw sana ako pero bulong lang ang nangyari. Gusto ko siya pagsabihan. Maraming tanong ang nagpapatong patong sa isip ko. Nagagalit kasi ako. Bilang kaibigan, nakita ko ang paghihirap. Nawitness ko kung paano gustong gusto na ni Hannah, pero hindi niya magawa dahil sa pangako niya kay Aaron na mabubuhay siya. Kahit nung nandiyan na si Mario, nung sinimula niyang mahalin si Mario, yung pangako pa ring yun ang pinanghawakan niya.

Kahit na binitawan na siya ni Aaron, lumaban siya kasi yung lalaki na 'to sa harapan namin ang mahal niya. Hindi nakukuha ng maraming tao na she's moonstruck kasi loving someone that much can really hurt. May kasalanan din talaga si Hannah dito. Nagmahal siya ng sobra that led to her destruction. Halata na dahil namimiss lang niya may laging kasama, napahawak siya sakin. Part naman yun doon. At yung reason na mahal niya si Aaron, walang halong kaewanan.  Hindi ba pwedeng mahal niya lang? Walang ibang kakabit na rason. Mahal na mahal talaga niya si Aaron. Period.

Bago kami umalis,hindi ko napigilan na hindi magsalita. Lumingon ako kay Aaron at sinabi, "I don't know you. I know it's not my business. But thank you for everything because my friend has seen the light after staying in the dark for so long." 

Niyakap ng mahigpit ni Hannah si Aaron. "Sasabihin ko sana yun kaso naunahan niya ako. Live a good life."

Sabi nga sa kanta ng Ben & Ben: "You never really love someone until you learn to forgive." Sa lahat ng galit at masasamang naranasan, masasamang nasabi, isa lang ang patutunguhan -- pagpapatawad. Mas naiintindihan ko na kung bakit mas pinili ni Hannah magpatawad. Kahit mas madali magalit, pinakamadali ang maging mabuti para sa kanya. May mga tao na maraming sasabihin tungkol sa'yo kahit mabait ka pa. Pero imbis na magkimkim ng sama ng loob, kailangan mo mag move on, hindi lang sa sakit ng nakaraan kung hindi para mabuo ulit ang pagkatao mo. Sa pagpaparaya, doon mo lang mararamdaman na nagmahal ka pala talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG SABI NGA NILA...MAG MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon