Chapter 22

13 1 0
                                    

Nandito na kami sa may banda ng man-made rock formation na aakyatin namin ilang segundo na lang. Nakakabilib kasi kumpleto sila ng gamit dito. Marerecommend ko pumunta dito sa girlfriends ko, but I don't know kung "thing" nila ang rock climbing.

Sinuot ulit sakin ni Mario yung headgear. "Sinabi ko ng hindi ko need yan."

"Matigas nanaman ulo mo," sabi ni Mario. Nag-inspect siya kung nakasuot ng maayos yung kneecaps at elbow pads ko.

"Bakit ikaw wala kang mga ganito?" tanong ko.

"Expert na ako sa rock climbing," pagmamayabang ni Mario.

"Yep, he is. Tambayan niya itong studio," sabi ni Sonic.

"Tara na," pag-aya ni KC. "Nababagot ako na nakatayo lang dito."

Mula sa baba, kitang kita mo kung gaano kataas ang aakyatin mo. Nangangatog yung tuhod ko. Kung nalagpasan ko nga yung mga masasamang nangyari sakin, ito pa kaya.

Nagkatinginan kami ni Mario. I blinked twice. "Kaya mo yan. Alam mo kapag nasa rurok ka na nitong wall na 'to, i-a-admire mo na lang yung nasa baba."

Napansin ko na he's still wearing his eyeglasses. "Hindi mo tatanggalin yan?"

"Ay, oo nga pala." Pinatabi niya kay Sonic yung eyeglasses niya. "Balikan ko na lang 'to sa'yo mamaya."

Napatulala ako kasi bagay pala sa kanya ang walang salamin. Ang pagkakahubog ng ilong niya napakatangos. Nakakainggit ang haba ng pilikmata para sa lalaki. Yung labi niya hindi malaki, hindi rin naman maliit, katamtaman lang. Ang kinis kinis niya, mala-walang pores ang tipo ng balat niya.

"Uhh...Hannah?" He's snapping his fingers at me. "Earth to Hannah."

"Ha-Huh?"

"Nakaakyat na si KC."

"Ah..." Nananaginip yata ako na kasama ko 'tong lalaking 'to.

Kinurot ko yung sarili ko para magising sa pagdedaydream ko.

"Uy, Hannah."

"Paakyat na nga rin ako," sabi ko.

"Namumula ka. May sakit ka ba?" Tingnan mo 'tong lalaking 'to may pagkaengot. Namumula ako tapos may sakit? Dapat namumutla kapag may sakit, right? Mukhang siya ang may sakit. Napakamot na lang ako sa ulo.

"Teka." Mario paused for a while. "Nagagwapuhan ka sakin noh?"

"Signal number ten ang yabang mo ah," pagpansin ko. Then he caught me off guard and trapped me in a corner. "Why? Totoo naman hindi ba?"

Naasiwa ako na kumikilos siya ng ganito. Magkalapit na halos yung mukha namin ng..."Hoy lalaki! Nandito si Hannah para magrockclimb! Hindi siya nandito para landiin mo!" sigaw ni KC. Phew! That was close.

Siniko ko ng mahina at dumila ako kay Mario. "Buti nga sa'yo."

Nagsimula yung mga paa namin sumampa sa mga bato. Nung umpisa, nahirapan ako pero nag-cheer lang si Mario. Sanay na nga siya, sobrang obvious kung makadaplas siya, pinapauna niya lang ako. Makalipas ng ilang minuto, I got the hang of it. In fact, mabilis kong naunahan si Mario on the way to the top.

Nung nasa pinakataas ako, though nakakalula tumingin sa baba, napangiti ako kasi nakaya ko. Hinintay ko si Mario sa taas tapos sabay na kami bumaba.

"Ha! Naunahan kita!"

"Okay fine," ngumising sagot ni Mario. Alam ko naman na sinadya niyang magpahuli.

Binalik na ni Sonic yung salamin ni Mario. Sumama siya samin palabas ng rock climbing studio. "Saan tayo next?" tanong ni KC, pinupunasan niya yung pawis niya at uminom ng bottled water.

ANG SABI NGA NILA...MAG MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon