Chapter 16

16 3 0
                                    


I'm Gretchen. Matangkad ako at malamodel yung katawan ko. Wala namang umaangal kasi totoo. Marami ngang lalaki ang nabibighani kaso I'm already engaged to one man. Yung one man na yun, wala na.  Kauuwi ko lang ng Pilipinas from America. Sa tingin ko magiging okay naman ako kahit na mas pinili ni Philip yung pangarap niya. Iniwan ko na lang siya kasi hindi naman niya ako hahanapin. Nilinaw na sakin ni Philip yun. Malakas talaga tama ng karma sakin kasi I left Mario . Bakit ngayon ko lang naiisip 'to? 

Nang 1st month na nagbreak kami, parang mabigat yung feeling ko. Pero masaya ako kasi sa wakas may freedom na ako. Hindi ko na kailangan ipaalam saang lupalop ako pupunta. Sa bawat araw na nasa America ako at nagpapakabusy ako, nadedemotivate ako na di ko alam ano dahilan. Nakoconfuse ako gabi-gabi kung bakit umiiyak na lang ako. Sinisilip ko yung account ni Mario sa Twitter at natatamaan ako sa mga post niya. May time na tatawagan ko na sana siya but I have to stand my ground kasi ako ang nang-iwan kay Mario.

Pakatapos ng dalawang taon. Hindi naman ako nagreregret na sumama ako kay Philip kasi wala naman ma-i-ooffer talaga si Mario. Mayaman sina Mario pero gusto niya sariling sikap niya yung yaman nila which is very out of this world. To add, patay na patay sakin si Mario, kaya I know na may babalikan pa ako sa my dear homeland. 

Kung i-visit ko kaya yung profile niya sa IG? Bumulaga na lang sakin yung napakaraming post niya with a girl. Ano ba yang girl na yan? Kahit na nainis ako nakacomment ako na bagay sila. Bakit nga ba ako nainis? Kasi sa 2 years wala akong nakita ni isang picture ni Mario kundi sarili niya. Naririnig ko pa sa ibang friends namin na hindi pa siya nakakaget-over sakin. Hindi dapat si Mario mapunta sa kahit sino, kasi nga sabi naman niya ako lang. 

Nung umuwi ako sa apartment ko, ganon pa rin aura, parang walang buhay. How can a house have a life kung wall namang nakatira? Parents ko always out of town tapos ako lang nag-iisang anak. Kumusta naman yun di ba? Naalala ko na pinasabi ko pa kay Mario na sabihin sa parents ko na sasama na ako kay Philip. Ni Facebook message hindi nila ako kinumusta. Enough na nga yung kalungkutan na yan. I'm lucky kasi maladyosa naman kagandahan ko. Pumasok na ako sa room ko na hindi nagalaw yung ayos, nakita ko yung mga nakasabit kong awards sa pageants na sinalihan ko. Ni isa sa pageants na yun, hindi sila umattend. Si Mario lagi ang nandoon. Nakokonsensya na ako. Dati pa naman akong nakokonsensya kasi di makatarungan yung ginawa ko. 

Si Mario rin naman yung isang dahilan kaya kami naghiwalay ni Philip. Hinahanap ko yung qualities na na kay Mario. Ang eng-eng ko kasi na nilayasan na lang si Mario. Hindi ko naman sinasadya na hanapin kay Philip na na kay Mario. Nasanay lang ako kasi 8 years ba namang kami? Para na kaming kasal ni Mario sa pagsasama ng ganon katagal. Maiiwasan bang di mo hanapin yun? 

Umupo ako sa kama ko at nilapag yung mga gamit ko sa sahig. Nag-scroll lang ako sa mga pictures nila. May isa pang kasama si Mario na babae. Mas lumang post yun ni Mario. Ang dami namang nangyari sa buhay niya nung nawala ako. Nasa hanging bridge silang tatlo sa Canopy Walk sa El Nido. Silang tatlo daw ay ang mga three blind mice kasi nagpapabulag pa rin sa pag-ibig. Ang corny nila ha. May nakita akong picture na sa may island si Mario tapos yung Hannah. Mas nainis ako kasi I recognize the spot na pinagpicture nila. Doon yung first kiss namin ni Mario. What is Mario doing? Ang sesacred ng lugar na yun samin ah! Mas nagagalit ako sa Hannah na yun kaysa kay Mario. Argh!

Three days after ng last day ng April, nakita ko sa caption ng post nung Hannah na "officially dating" na sila ni Mario. Ang laking hampas nun sakin na may dinedate na si Mario. Ano ba sa akala ko, hihintayin niya ako?

Natapon ko yung phone ko sa inis. The next day, tinext ko si Mario para makipagkita: 

Hello, I'm back home. Can we meet? 

Pumayag naman si Mario. Nagreply siya kinagabihan na:

Hi. Sure thing.

Dati may mga smiley pa siya sakin tapos ngayon wala na? What is happening to the universe? Nagkita kami sa may Aurora Boulevard. May usual kaming kinakainan doon. Nung nagharap kami, hindi ko na soya mabasa unlike dati na madly lang siyang basahin. Ano ineexpect ko? Dalawang taon ba naman akong absent sa buhay niya. 

"How are things?" I asked Mario.

"Things are doing well," sabi ni Mario.

"Look, I'm here to apologize," sabi ko. I feel like a loser sa pag-aapologize kasi ang cold ng treatment niya sakin. 

"Apology accepted," sabi ni Mario. Ganon na ganon lang? Come to think of it, nandito pa rin pala yung Mario na naging boyfriend ko. Everything will come easy. I can get back to him asap. 

"So, I saw your photos..." sabi ko kay Mario.

"What about it?" sabi ni Mario. There he is again sa cold treatment niya. Konti na lang, papansinin ko na siya. 

"You have a girlfriend already?" I asked.

"Hannah is not yet my girlfriend," sabi ni Mario. 

"Then what is she in your life right now?" tanong ko.

"We're dating," sabi ni Mario.

"You've gotten old," sabi ko. "Kailan ka pa natuto na date date muna. Nung tayo, tayo naman agad."

"Hannah doesn't do fast track when it comes sa getting to know," Mario said.

"Now, I already have a bad impression of her," sabi ko.

"You know if you're going to talk like this," sabi niya. "If you're going to talk like this about her, I'm going to leave." 

"Don't," sabi ko. "Hindi na ako magmamaldita. Sorry." Tumango lang siya. Mahihirapan ako na makuha ulit si Mario. I need a strategy. 

                                                                                             

ANG SABI NGA NILA...MAG MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon