Broken yet holding on. Ito ang naging tema ng pag-mumove on ni Hannah. Hindi pwede na wala akong say sa pinagdadaanan niya. Ngayon na nandito kami sa fair, nung inoobserbahan ko siya kumanta, alam ko na nakakapit pa rin siya sa pagmamahal niya kay Aaron. Mas napansin ko nung kinanta ko na yung mismong song: broken yet holding on. Bihira lang saaming mga lalaki ang napapaisip ng malalim. Kadalasan nadadaanan lang ng isip namin. Pero sa nararanasan ni Hannah, hindi pwede na maisip ko lang yun ng panandalian. Saksi kasi ako nung mga oras na sinusumpa niya yung sarili niya. Na kahit ilang beses ko na sabihin sa kanya na hindi kawalan si Aaron, we would fight nonstop.
Alam ko na di kawalan si Aaron dahil kahit magbigay siya ng oras niya, nararamdaman ko na may mga times na pilit, just to keep the relationship going. It sucks but it's true. Sinabihan ko na si Hannah noon, "Yang lalaking yan, kapag buntis ka, manganganak ka na lang, hindi ka pa niyan pupuntahan." Kaya ayoko makipagclose nun sa Aaron yun. Willing na ako nung naalagaan niya si Hannah nung umpisa, pero nang tumagal...Hindi na.
Nakikita ko na yung kaibigan ko na lumuluha sa bawat away nila. Naririnig ko na lang na lagi niya sinisisi sarili niya. May kapatid akong babae kaya I feel protective of Hannah. Tinuring kapatid ko na siya. Sa sampung taon ba naman kaming magkaibigan. Fourteen siya nung nagkakilala kami. Hinahangaan ko siya nun, kasi ang bait bait niya, maalalahanin, at mapagkakatiwalaan. Nung lumalaki kami, walang oras na pinaramdam niya sakin na iiwan niya ako. Naging napalabuti niyang kaibigan. Kaya even then, alam ko na napakaswerte ng lalaking mamahalin niya. Napunta nga siya kay Aaron.
I was really happy for her when she told me the good news na sinagot na niya si Aaron. She hugged me and said, "Finally Tee, this time pinili naman ako." Kasi yung mga past lovers niya, iba lagi pinipili. Bumabalik yung isip ko doon sa mga pangyayari na tinatanong niya sarili niya kung may mali ba sa kanya. Ang lagi kong sagot, "Hannah, there's nothing wrong with you. You're smart, beautiful, and every guy would want a girl like you."
Kapag binabalikan ko yun, hindi ko maitago yung galit sa pait na pinadanas sa kanya ng mga lalaking yun. Nung araw na sinabi niya na sinagot niya si Aaron, umasa rin ako na sana magtatagal sila. Nagtagal naman sila. Matagal na ang one year sa panahon ngayon.
Bibihira na lang yung more than a year pag nagtagal. Kami ng girlfriend ko, marami akong tiniis para magtagal kami kasi mahal ko siya. Marami rin tiniis ang girlfriend ko sakin kasi mahal niya ako. Marami nagsabi na hindi lang naman love ang umiiral sa dalawang taong nagmamahalan. True. Ano pa ba ang ibang pwedeng magpairal? Respeto at tiwala sa kaibahan nila.
Para sakin, sobrang binago ni Hannah ang sarili niya para kay Aaron. Bias na kung bias. Pero lalaki rin ako kaya masasabi ko 'to. Nasaksihan ko rin kasi yung pagbabago ni Hannah.Yung Hannah na inaassert niya kung paano dapat siya tratuhin, nawala na. Yung Hannah na, tumatawa na lang basta basta, kontrolado na sa emotions niya. Yung Hannah na sinasabi nararamdaman niya, binubulong na lang sa hangin mga hinanakit niya.
To my knowledge, ni hindi nga siya maka-bring up ng hinaing niya sa Aaron na yun. Dati hindi ko kasalanan Nakakabanas. "Kasalanan ko, kasalanan ko," yan na lang laging dinadahilan ni Hannah not going into details as to why they're fighting endlessly. Kung may kasalanan nga si Hannah, sige, fine. But repetetive na si Hannah may kasalanan lagi? Oh, c'mon! Mahiya naman na sana siya pag ganon na.
May time na tinanong niya ulit ako, "Tee, ano ba kulang sakin? Parang ayaw kasi sakin ng ibang tao." Hinimay himay ko para malaman ko kung sino-sinong ibang tao. Ayaw niyang sabihin. I just said, "Ano ba sa tingin nila kulang sa'yo? Ang mga tao na tingin nila may kulang sa'yo, mas may kulang sila kasi madali silang manghusga." Niyakap niya ako at umiyak. "Bakit ba kasi ako nagkaganito?" Hinimas himas ko yung ulo niya. "Walang mali sa'yo."
Natapos na yung kanta namin, magkakatabi lahat kami sa iisang lamesa. Kasama pala namin yung pangalawang winalang hiya si Hannah, pangalan ay Sandro. Babatukan ko na sana ng naging pumagitna si Jake. Bumulong siya, "Let it pass." Huminga ako ng malalim at umupo na lang. Kapag yung Aaron ang nakita ko, hindi ko na papalagpasin na i-avenge si Hannah.
BINABASA MO ANG
ANG SABI NGA NILA...MAG MOVE ON
RomanceBook Cover by Bea Davila Ang kwento ng pagmumove-on ng dalawang tao na parehas na nasaktan sa kani-kanilang relasyon. Ito ay sina Mario at Hannah. Si Mario ay nagmumove on ng dalawang taon pero hirap pa rin makalimot. Si Hannah naman ay galing sa...