Chapter 14

16 3 0
                                    

This is it, pinagbigyan ko na gusto ng bandmates ko. I gave Mario that fat chance. Nagdedate na kami ni Mario. One month ago na nung nagkakilala kami. Papasok na ang April. Sa one month na yun pinagpatuloy namin puntahan yung mga lugar na napuntahan namin. Kasama na rin yung napuntahan na nila ni Gretchen. Sumasama si KC. Pumunta na kami sa place na gustong gusto ni Aaron na cafe dati, the name of the cafe is  Le Kreme cafe. Mura lang yung frappes and shakes nila doon. Nasatisfy naman yung taste ni Mario. Pinicturan ko yung mga bagong pakulo nila sa cafe and posted it in my blog. Napuntahan din namin ni Mario yung simbahan na dream niya pakasalanan si Gretchen. Nagkakadream pala ang lalaki ng ganon? Nasurprise lang ako kasi kadalasan babae ang nangangarap na magpakasal sa ganito ganyang simbahan. Pinuntahan din namin yung arcade kung saan sinagot niya si Ben. Naglalaro raw sila nun ng table hockey.

Pumayag naman parents ko sa bawat labas namin kasi kasama si KC. Tinatanong ko naman si Mario if di siya na-a-out of place, hindi naman daw. Pag hindi na kami pumupunta sa mga lugar na dati namin mga napuntahan kasama mga former partners namin, nag-iikot kami sa mall. Naging interesado sumama yung isa kong bestfriend na si Bella. If available boyfriend niya, sumasama rin. Alam niyo ba anong name ng boyfriend niya? Nope, not Edward. Mike, in short for Michael. May time na di na sila sumama kasi may sarili silang date na dalawa. May day na sumama yung isa kong friend, si Jessica. May baby na si Jessica sa former flame niya na di mo maintindihan saang lumalop napadpad. Enjoy naman kasama si Jessica. Nung last week na ng April, wala ng sumama so kaming tatlo ulit. 

May na. Ang bilis ng panahon. Pupunitin ko na yung calendar na nakasabit sa may cabinet ko for April. Napatingin ako sa may red na nakabilog sa huling araw nung April Dapat pala 2 years na kami ni Aaron pag kami pa nung  last day ng April. Naalala ko nung pagpatak ng pagpatak mismo ng May. Lumipas ang isang araw bago ko naalala? Bakit nakalimutan ko bigla? Nag-shift yung attention ko nung napunit ko na yung calendar at May na yung month doon. May na nga. Sakto na may meeting kami sa ICare For My Heart Support Group. Nakamark din yun sa calendar ko. Pinasali ako doon sa support group na yun ni Dr. Ragasa. Siya rin kasi nagfafacilitate doon. Dito raw nagtitipon tipon yung mga nakadanas ng naiwan, nasaktan, at nagtry kalimutan yung tao na mahal nila. Before na sumali ako, may consent muna ng parents. So yun nga sumama sina Mario and KC. 

Never ko pa nashare yung kwento kasi di ko na siguro dapat maalala yung araw na yun. Marami na akong narinig na iba't ibang forms na iniwan sila ng mahal nila. May isa, si Rachel, nalaman may kasabay siya, tapos yung guy sumama sa pangalawang babae. May nagkwento, the girl's name is Paula, lesbian, live-in na sila tapos nagising na lang daw yung girlfriend niya na hindi na siya mahal. Sinabi ng girlfriend noon ni Paula na mas may deserving na babae for her. Si Helen naman, the moment na sinagot niya, nagback-out yung guy kasi natakot sa magiging future kay Helen. Baka sabihin niyo ang bias naman kasi puro babae nabanggit ko. May mga lalaki din, like Pablo, nung 3rd anniversary nila ng girlfriend niya, nun mismo nakipagbreak yung girlfriend niya. Si Harold naman, umayaw yung girlfriend niya kasi di daw siya pumasa sa standards ng parents nung babae. 

"Thank you for that sharing, Harold," sabi ni Dr. Ragasa. "How about we hear from Esther?"

Si Esther naman nag-share siya nung nagsabi yung boyfriend niya na magmamigrate na sa Australia. Hindi ko namalayan na tinuturo niya ako. Ineelbow ako ng katabi ko na si Jamie. "Hannah, it's your turn," sabi ni Dr. Ragasa. Tahimik yung paligid, parang may dumaan na anghel sabay ng tunog ng kuliglig. "Don't be afraid, Hannah," Dr. Ragasa assured me. Tumingin ako sa direksyon kung saan nakaupo sina Mario and KC. Nginitian lang nila ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko ikwento na hindi ako magbebreakdown. Sila naman nung nagkekwento umiyak din. Bahala na. 

"Ano kasi...," I began. "Ayaw na niya sakin eh." Parang nagpapound yung heart ko. Si Dr. Ragasa sinasabi na okay lang hindi ko na ikwento.  Ang sakit sabihin na inayawan ka ng tao, kasi ibig sabihin may mali sa'yo. May mali sakin kaya inayawan ako ni Aaron. "Hindi na siya nagparamdam sakin." Tumulo na yung luha ko. Sabi na nga ba eh. "Uhmmm...Yun lang." Iyak na ako ng iyak tapos napahawak ako sa ulo ko kasi yung memories nung gabing yun nakikita ko. Sumisigaw na ako kasi ang sakit na bumabalik lahat ng yun. Kasi dapat lumampas na ako sa mga nangyaring yun. Sinusuntok ko na yung dibdib ko. Inend ni Dr. Ragasa yung session. Kinulong ako ni Mario sa arms niya tapos si KC hinawakan yung isang kamay ko. Pinaalis na ni Dr. Ragasa lahat nung nasa kuwarto. Tinurukan niya ako ng pampakalma.

"Feeling better, Hannah?" tanong ni Dr. Ragasa. Nakatulala lang ako sa kawalan. 

"Doc, natural lang po ba yung nangyayari sa kanya?" inquire ni KC. 

"Yes. Kasi natrigger siya nung memory nung iniwan siya ng boyfriend niya," pag-explain ni Dr. Ragasa.  

"Is there anything that she can do to make her feel better?" tanong ni Mario.

"Actually Hannah already has Depressive Disorder or most commonly known as depression," sabi ni Dr. Ragasa." 

"What can we do now, Doc?" tanong ni Mario.

"Go to different places na walang trace ng memory nilang dalawa ng dati niyang boyfriend," sabi ni Dr. Ragasa.

"May pinuntahan kami Doc na lugar na they have no memory together. Pero nalilink kasi yung kung nasaan kami doon sa relationship nila ni Aaron," sabi ni Hannah.

"I see," sabi ni Dr. Ragasa. Tiningnan ako ni Dr. Ragasa. "May nirerepress din kasi siyang memory."

"Is that yung part na di siya hinarap ni Aaron?" tanong ni Mario.

"Aware na rin pala kayo," sabi ni Dr. Ragasa. "Maybe. Kasi she waited there and nothing happened. Yun nga as I said may Depressive Disorder na siya and now acquired PTSD or Post Traumatic Stress Disorder because of that event. Naging cause yun ng feeling of abandonment."

"Pero Doc, she was used to being alone naman bago naging sila ni Aaron." tanong ni Hannah.

"Yes," sabi ni Dr. Ragasa. "But when Aaron came, she felt that she can depend on him."

"Does this episode ever stop?" KC asked.

"No." Ang sumagot ay si Mario. "Some with PTSD, their symptoms can worsen as time goes by."

"It's just stress naman lang. It's just heartbreak," sabi ni KC.

"That's what everybody thinks," Dr. Ragasa elaborated. "Just because of a heartbreak, you have to stand strong. Heartbreak lang yan, kaya mo yan. Dapat maintindihan ng lahat, may kanya kanya tayong resiliency level. In the case of Hannah, she has been suppressing her attacks for too long because of the stigma. Now, there's Aaron, that she thought would accept her. So she opened her world to him. But in the end, Aaron just fled. Now, everything in her was shattered. Her state at limbo is recurring."

"It's not his fault," sabi ko. I found my voice to speak.

"Who's fault is it then?" pagalit na sabi ni Mario. "Yours again? Should everything be your fault?"

"Yung effect ng ginawa niya, fault mo rin ba yun?" sabi ni KC. 

"Ako may gawa nito sa sarili ko," sabi ko. "Ginusto ko 'to mangyari sa sarili ko."

"You better bring her home," sabi ni Dr. Ragasa.

Hindi na sumagot sina Mario and KC. May kotse si Mario ngayon, hiniram niya sa friend niya. Tahimik lang kami pag-uwi. Habang umaandar yung kotse, binuksan ko na lang yung pinto tapos gumulong palabas. Tinigil ni Mario yung kotse. Wala akong sugat sa katawan. Lumabas sila parehas sa sasakyan at inalalayan ako pabalik. Umandar kami konti tapos tinigil sa gilid ni Mario yung kotse.  Lumipat siya sa tabi ko. 

"Nandito lang ako, si KC, at lahat ng taong nagmamahal sa'yo para sa'yo," sabi ni Mario. "Huwag ka susuko. Isang tao lang yung nang-iwan sa'yo kumpara mo para sa marami na nandito para sa'yo."

"Bakit ang sakit sakit pa rin?" sabi ko. "Maraming nagagalit sakin." 

"Bakit sila magagalit?" sabi ni KC. "Ano right nila para magalit sa'yo?"

"Sinaktan ko si Aaron," sabi ko.

"Mas sinaktan ka niya, Hannah," sabi ni KC. 

 "Wala na si Aaron sa buhay mo. I will not leave you," sabi ni Mario.  

"I'll trust you," sabi ko. 

Nagstay ng gabing yun si Mario sa bahay. Doon siya natulog. Pinakiusapan niya yung kaibigan niya na sa kinabukasan na lang niya ibabalik yung sasakyan.

ANG SABI NGA NILA...MAG MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon