Chapter 12

11 4 0
                                    


 Tuesday na kami nakabalik sa Manila. Pinatawad naman ako ng boss ko na sumobra ako sa leave ko. Sobrang iksi nga ng leave na yun for a trip to El Nido. Kinumusta ng mga officemates ko yung trip. Also, they saw the pictures on my IG that I was hanging out with two pretty girls. They asked for their names but I can't give them any information. 

 "Don't tell me naging playboy ka na," sabi sakin ni Kian, isa sa kaclose ko sa office nung lunch.

 "Me? They are my friends," I defended myself. 

"Wala namang masama na lumabas with two gals." 

 "Heaven kaya yun 'pre," sabi ni Boidz. "Dalawang chicks na magaganda kasama mo. Kung ako single, liligawan ko na isa sa kanila."Nagflash sa isip ko yung face ni Hannah. Napalunok ako. "Kung pwede lang," sabi ko. 

Finally, naamin ko na sa sarili ko na gusto ko na si Hannah. Ang hirap 'to itago kasi may mahal pa siya. Nung una, na-overwhelm lang ako sa pagdala niya sa sarili niya. Nung nakilala ko siya, mas nakita ko yung strong personality niya. Hindi siya yung typical na babae na masasabi mo that would have fun and all. Serious siya sa tinatahak niya, and she's very vocal on what she believes in. Bihira na lang that you have intelligent conversations with someone these days. More on what's trending and material things. Nakakasuffocate lang yung ganong usapan. Kasi kahit sa office ganon. 

"Mauna na ako," sabi ni Kian. Tinapik niya likod ko.

I grabbed hold of my phone to message Hannah. Medyo nagkasamaan kami ng loob or is it just me? Oo, ako lang yun. Nainis ako kasi di pa rin niya nagagawang magalit ng todo sa Aaron na yun. Di ko naman madidictate feelings niya. Mahal pa niya eh. Sabi niya may gusto siya bago niya nagustuhan si Aaron. Naging persistent kasi si Aaron. Kung maging persistent din kaya ako? Habang nagkocompose ako ng message to apologize to Hannah, ninotify ako ng IG na nagcomment si Gretchen. Nagulat ako sa desk ko. Nagcomment si Gretchen? Nagtap ako agad para basahin kinomment niya sa stolen shot ni KC saming dalawa ni Hannah. Comment ni Gretchen: Bagay kayo. 

 After 2 years, magkocomment lang siya ng ganon ganon lang? Ano ba sa tingin niya na close pa kami? Excuse me, nagmemessage ako sa kanya tapos hindi nga niya siniseen messages ko. Then ngayon magmemessage siya? Pinuntahan ko profile niya sa Facebook, nakita ko status niya single na. Ano nangyari sa kanila nung nagtanan sa kanya? Lumundag yung heart ko. Magiging kami ulit ni Gretchen pero di ba gusto ko si Hannah? Ano ba 'to ang gulo. Yung boss ko pinatawag ako sa office niya.

"We'll be having a meeting at 6pm for the new project," pag-inform ni boss. Tumatango na lang ako. Ano pa ba dapat kong gawin? Wala namang choice kung hindi mag-overtime nanaman. Umupo ako sa desk ko tapos nagmessage si KC na pumunta ako sa band practice nila. Nireply ko: Can't. We have a meeting. Di nagreply si KC. Nawala sa isip ko yung dilemma na torn ako sa pagiging single ni Gretchen and yung balak ko magpapansin kay Hannah. Nagwork ako until mag-meeting.

Pinagmeetingan namin yung mga gagawing preparations sa new project. Inassign ako nung boss namin para maglead. 11pm na ako nakalabas ng office. May nakasalubong ako na natandaan ko na dapat magsosorry ako kay Hannah. Namessage ko na si Hannah pero di siya active. Nakasalubong ko si Aaron. Gusto ko siya lapitan pero para saan?

Hindi naman ako boyfriend ngayon ni Hannah para maghamon ng suntukan. And para ano? Di talaga madali pag wala ka naman say sa nangyari. Di man lang niya nakita na for keeps si Hannah. I can't believe rin kay Hannah na she's still putting this Aaron's heart first. There are plenty of fishes in the sea. Ako na nasa harap niya di niya makita. Sa bagay, nalilito pa ako ano hakbang ko kay Gretchen ngayon na single na ulit siya. Magkasabay pa pala kami ng daan pag-uwi. May mga kwinento si Hannah about wonderful traits ni Aaron like direkta mag-isip. "Yun yung nagustuhan ko sa kanya. Kahit papaano alam ko talaga na minahal niya ako." Minahal ibig sabihin past tense pero malay natin kung mahal pa ni Aaron si Hannah?

Pag lalaki naman hindi sinasabi yan kasi dapat walang makaalam ng nararamdaman namin not unless sobra na yung emotions. Yung sakin, nacaught off guard ako ni Hannah kaya di napakita ko yung emotional side ko. Sumakay na si Aaron sa jeep. MaggaGrab na ako. Binuksan ko IG ko at nagreply sa comment ni Gretchen: Bagay talaga kami.

Nagreply agad si Gretchen: Girlfriend mo?

Nagreply ako: Nope. Just a friend.

Ang sarap sana matawag si Hannah na girlfriend ko. Ngayon, rerespetuhin ko yung nararamdaman ni Hannah. Head over heels pa siya. Sabi nga niya yung promise niya kay Aaron, yun yung kinakapitan niya para mabuhay. Yun yung kinakapitan niya para labanan naging imbalance. I changed my mind with going home. I went to Hannah's house para makapagtapat sa kanya ng feelings ko. Hindi ko na dapat itago 'to kasi single naman ako at single naman siya. Di na dapat para pumasok sa scene si Gretchen. Pagkababa ng pagkababa ko ng taxi dumiretso ako sa pinto nila at kumatok. Si Hannah nga yung nagbukas ng pinto. Naririnig ko yung mabilis na tibok ng puso ko. Para akong mahuhulog sa kinatatayuan ko.

"Mario?" tanong ni Hannah. "What are you doing here."

"Nandito lang ako to say sorry," sari ko. What an dumb excuse. 

"Apology accepted," sari ni Hannah. "Umuwi ka na."

"May gusto pa ako sabihin," sabi ko. "Nakita ko ulit si Aaron."

"Ano ngayon?" sabi niya. 

"Okay naman siya," sabi ko.  

"Tapos? Okay siya. Eh di good," sabi niya.

"I just thought maybe you'd like to know na nagkasalubong kami and he went home na late gaya ko," sabi ko. Gusto ko talaga sabihin per young lumalabas na words sa bibig ko are different. Nakakainis.

"Alam mo anong oras na," sabi niya. "I know you're tired. Go home and rest."

"Don't you care about Aaron anymore?" tanong ko.

"Why would I?" sabi ni Hannah. "Why should I? We're nothing with each other anymore. He doesn't care about me anymore."

"I'm sorry," sabi ko. "I don't mean to offend you really that day."

"I get you," sabi ni Hannah. "I totally do get you, Mario. Stop saying sorry."

"Bakit mahal mo pa siya kung ganyan?" tanong ko.

"Kung natuturuan mo lang yung puso na hindi na magmahal," sabi niya. "Na hindi na siya ang mahalin ko. Pero hindi natuturuan eh."

"Siya parang naturuan na niya," observation ko.

"Okay lang na ako na lang magmahal. Huwag na siya kasi ganon talaga eh," sabi niya. "Sige na, antok na ako." Niyakap niya ako at sinara na yung pinto.

Binuksan niya yung pinto tapos, "Teka," sabi ni Hannah. "Stalker ka ba?"

"It's not my fault na magkalapit office namin," sabi ko.

"Next time, don't bother na pagmasdan siya or anything," sabi ni Hannah.

ANG SABI NGA NILA...MAG MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon