The problem we have today is that we say so much about reality, but how much can we put up and accept reality? Even if it's right under our noses, we ignore reality. When my twin brother committed suicide, I was at loss. Matagal na niya sinasabi sakin na may problema siya. Winalang bahala ko kasi dapat makaya niya. Pati parents ko sabi kulang lang siya ng activities. Di naman si George naging sarado para dito. Naglaro siya ng football para sa school namin. Ang hindi ko alam at nabantayan, mas di na niya kinaya. After he passed away, nalaman ko na mas nakakausap pa niya yung Guidance Counselor ng school kaysa ako na kapatid niya.
Alam niya na kakaiba siya sa iba kasi madalas siyang lumungkot or minsan naman sobrang saya niya. Naiibahan yung kateammates niya sa kanya kasi for them iba siya. Kaya pinilit niya i-uplift sarili niya. Di naman kasi halata sa hitsura niya yung depression niya. Tapos sumuko na lang siya. Kung sana may nagawa ako. Sana he's still here. Sometimes, we say that mas nahihirapan ang ibang tao, maswerte ka dahil wala kang ibang prinoproblema. But fitting in has always been difficult for him.
Pero kasi pag dumating ka na sa ganong point, hindi ko na alam kung saan titingin. Pag nag-inom ako at nagbulakbol, hindi mababalik nun yung buhay ng kapatid ko. Hindi naman mapapalitan ng mali ang isang mali. Pag lumayo ako kay Hannah, ano mapapala ko? Yun yung ginawa ko sa kapatid ko, umiwas ako sa kanya kasi nadadamay ako sa mga nasabi kong kadramahan niya. Ngayon na may chance ako ipaglaban yung mga dapat ipaglaban sa buhay ko, ganon ko ipapaglaban si Hannah. Mahal ko siya. Lumipas na ang one week after ng incident nung meeting ng support group nila. Dumiretso ako sa kanila after ako nag-office.
Halos walang preno siya na nagsalita. Lahat ng tao sa paligid niya tingin niya kalaban niya. Nagsorry naman siya agad. Nung nahimasmasan siya, yun lang na lumapit ako. Kwinento niya na yun yung mali sa kanya, nagbibitaw siya ng salita na di niya iniisip nasasabi niya. Mahal ko pa rin siya kahit nakita ko yung ganyan niya. Kumapit ako sa 8 years na iniwan lang ako tapos kakalas ako ng mabilis sa paumpisa pa lang? Mahal pa ni Hannah si Aaron pero handa ako na nandiyan para sa kay Hannah kahit may mahal siyang iba. Choice ko 'to.
"Kaya mo ba magmahal ng ganito?" sabi niya. "Ito naging problema namin nung former ko noon. Naging verbally abusive ako. Di ko naiisip mga sinasabi ko. Trinato ako ni Aaron ng maayos pero siya na lang lagi nag-aadjust. Pag sumama loob ko, ang insensitive ko na ang pangit ng lumalabas sa bibig ko. Yung tono ko pabalang lagi."
"May nabasa ako na kasama yan sa dapat mong ireflect sa pag-improve mo," sabi ni Mario.
"Tama. Dapat mag-improve ako," sabi ni Hannah. "Iimprove ko sarili ko."
"Sige, ano pa ba mga naging kasalanan mo kay Aaron?" tanong ko. Tama rin naman siya na hindi dapat huwag namin isisi lahat kay Aaron.
"Naging selfish ako na yung gusto ko yun lang," sabi ni Hannah.
"Ano pa?" sabi ko, para nailalabas na niya na at di siya nagseself-pity.
"Mahal na mahal niya ako pero ako at one point, napush ko siya papalayo," sabi ni Hannah. "Mabuti siyang tao." Mahal pa nga niya si Aaron. Nilinaw naman niya sakin na di niya masisigurado na totally na ako na sa kanya.
"Finafantasize mo na lang siguro yan," sabi ko.
"Siguro nga. Yun yung pinakita niya sakin kaya di ko kaya sabihin na sobrang galit ako sa kanya," sabi ni Hannah.
"Nagagalit ka nga sa mga tao sa paligid mo tapos dapat siya di ka magalit?" sabi ko. "Tingnan mo, pamilya mo sila at sila nagmamahal sa'yo."
"Bukod sa'yo?" banat ni Hannah.
"Gumaganyan ka ah. Baka maisip ko na may gusto ka na sakin," sabi ko. "Anyway, may ipapapanood ako sa'yo."
Inopen ko yung youtube app sa phone ko. Pinakita ko yung channel ni Anna Akkana, yung Asian-American na sikat na youtuber. Meron siyang video about nangyari na kapag nawala ka, may mga nangyayari sa tao sa paligid niya. Nakatutok talaga si Hannah. Hindi ako nanggiguilt-trip sa kanya, reality kasi yung nangyari kay Anna Akkana. Nakarelate ako. Kaya pag nawala si Hannah, gusto ko makita niya na maapektuhan ang pamilya niya. Yung kinakapitan niyang si Aaron, maapektuhan rin (hula ko lang). Kahit papaano naman naging parte siya ng buhay ni Hannah. Yun nga isa sa dahilan kaya sumakay si Aaron ng bus ng di na siya nahintay. Parehas nga sila may kasalanan. Himala, di naluha si Hannah.
"Ano nakain mo?" sabi ko.
"Wala akong nakain pero marami akong napulot na aral," sabi niya.
Yung lungkot na nakikita ko sa mata niya, lumiliwanag na.
"Ikaw may napulot ka bang aral?" sabi niya.
"Meron. Na i-let go yung galit kasi nga nag-mumove on ka," sabi ko.
"I learned na kahit anong unos malalagpasan natin," sabi niya. "Bilib ako kay KC, nakakayanan niya yung unos na nararanasan niya ngayon."
"Dahil may nagpamulat ng mata niya," sabi ko.
"Hindi ako nagpamulat ng mata niya," sabi niya. "Nagsabi lang ako sa kanya."
"See? She's lucky," pagpuri ko. "Nakikita niya rin kasi na nag-fofall apart ka. Ayaw niya maranasan yung nararanasan mo."
"Buti naman," sabi niya. "Di kasi ako proud na nagkaganito ako. Na hinayaan ko sarili ko na dumilim lang paligid ko."
"Dumadaan talaga sa ganyan," sabi ko. "The important things is you're getting back up at your feet and
"Oo. Meant mangyari," sabi niya.
"Tayo kaya meant for each other?" Moment ko naman ngayon bumanat.
"Kulang ka lang sa tulog," sabi ni Hannah.
"Oo nga," sabi ko. "Balik tayo sa past mo. Ano sasabihin mo pa ba aside from closure?"
"Magsosorry ako sa lahat ng nagawa ko," sabi niya.
"It's not entirely your fault," sabi ko. "Each story has two sides. Even if it's your fault, you lowered your pride for him. It's up to him already kahit tapos na yung night na yun. He can never runaway from the fact that he should do something about it."
"Oo nga," sabi niya, sighing. "I'll try to get pass through that night."
"Do it for yourself, not for him," sabi ko. Sinabi ko sa kanya na nagkita kami nung isang araw ni Gretchen. "We talked and she said sorry." Nakakagulat kasi nag-lighten up yung mukha ni Hannah. "Hindi ka galit na nagkita kami?"
"No," sabi ni Hannah. "It's what you always wanted so why will I get angry? Matatahimik na yung loob mo. Kumusta na nakapagsorry na siya sa'yo?"
"Okay naman," sabi ko. "Sabi ko sa sarili ko dati talagang magagalit ako sa harap niya."
"Nagalit ka ba?" tanong niya
"No," sabi ko. "I was happy."
"Because you saw her," sabi ni Hannah.
"I realized something," sabi ko. "I spent my entire life hating her. Pero di na pala ako talaga galit."
"That's good," sabi ni Hannah. "Para saan para magalit ka pa di ba?"
"Thank you for convincing me to forgive," sabi ko. "Instead of moving on with all this rage in my chest."
BINABASA MO ANG
ANG SABI NGA NILA...MAG MOVE ON
RomanceBook Cover by Bea Davila Ang kwento ng pagmumove-on ng dalawang tao na parehas na nasaktan sa kani-kanilang relasyon. Ito ay sina Mario at Hannah. Si Mario ay nagmumove on ng dalawang taon pero hirap pa rin makalimot. Si Hannah naman ay galing sa...