Book Cover by Bea Davila
Ang kwento ng pagmumove-on ng dalawang tao na parehas na nasaktan sa kani-kanilang relasyon. Ito ay sina Mario at Hannah. Si Mario ay nagmumove on ng dalawang taon pero hirap pa rin makalimot. Si Hannah naman ay galing sa...
Naglalakad na ako pauwi. At nagfaflash sakin na magkasama kami ni Aaron na niyakap niya ako. Yun yung time na nag-away kami tapos pinuntahan niya ako at nag-sorry ako. Nasa chapel kami nun. Niyakap niya lang ako. Yun yung pangsecond month na namin.
Imbis na lumakad pauwi, lumakad ako papunta sa chapel. Sinundan ko yung shadow ng past namin ni Aaron. Nagstop ako sa entrance ng chapel at pinagmasdan ko lang silang dalawa. Nakita ko yung sarili ko noon, nakikita sa mga mata niya na nandiyan siya palagi para sakin. Tumulo yung luha ko. Agad kong pinunasan. Tumingin ako sa cross at naggenuflect.
Pinanood ko lang yung dating ako at si Aaron. Tumingin sakin yung memory ko ni Aaron at ngumiti siya. Pinikit ko yung mga mata ko at minulat ko, nawala siya. Kinuha ko yung phone ko at sana idadial ko na yung number niya. Pero narinig ko yung boses niya na sinabi niya sakin dati na kapag nasa loob ng church/chapel, hindi dapat nagfophone. Tinago ko agad yung phone ko at binulong ko na "Miss na miss na kita."
Ngayon lang ulit ako umiyak ng ganito. Inalis ko yung mga luha ko. Kasi bawat araw nahihirapan ako itago na hindi pa ako okay. Ang OA noh? Hindi ako umuwi muna para di naman makita sa bahay na umiiyak ako. Ayaw ko na may nakakakita na namumugto nanaman mga mga mata ko kasi 6 months na tapos umiiyak ako. Ang absurd. Tama si Mario, dapat maisip ko naman na hindi ko kasalanan kasi buhay ako. Nagpapasalamat ako na buhay ako. Kasi maraming nagmamahal sakin. Tumingala ako sa cross at sinabi kay God, "Thank you po sa lahat." Nag-genuflect ulit ako at nag-sign of the cross at dumiretso na pauwi.
Hindi naman talaga siya ang dahilan kung bakit ko ginawa yun. Naging eye opener nga yun para hindi ako bumitaw sa advocacy ko para sa iba na naiisip at nagagawa yun. Mahirap maintindihan sa mga gaya ko kung gaano kahirap kontrolin lahat. Kailangan itago ko kasi pag hindi tatanungin ako bakit ako ganito ganyan. Eversince, iba ako sa lahat. Kaya nagsipag ako nung college sa passion ko magsulat, mag-drawing at magbasa para malaman ko na kagaya rin ako sa karamihan na tao. Tama si Mario, hindi ko ginusto 'to.
Kung ako, hindi ko tatanggapin na ganito. Kung si Aaron pa kaya iniwan ako, ako gusto ko everyday humiwalay sa katawan ko kahit na ngayong masasabi na kaya ko na ihandle sarili ko. Nakaya ko nga dati bakit hindi ngayon di ba? Sobra lang naging emotional investment ko nung naging kami kaya ayan.
Nakagaan ng loob nung bumalik ako doon sa museum. Akala ko hindi ko makakaya. Nakaya ko naman pala. Tinulungan ako ni Mario iparealize na I'm more than what Aaron and ang ibang tao can see through me. That there's so much to live for. Naabutan ko sa bahay na nanonood sila. Kung di ako nabuhay hindi ko makikita ang pamilya ko na mas nagmamahal sakin. May mga hindi man kami pinagkakasunduan, nandiyan sila. Nung pang-third week ng hindi sinasagot ni Aaron ang phone niya, hindi kasi ako nakakakain, sinugod ako sa ospital dahil akala nila hindi na ako humihinga. Ilang linggo ako nandoon para makarecover. Hindi ako nagsasalita, nakikinig lang ako sa sinasabi nila. Walang nakakaalam nun kahit mga kaibigan ko. Ayoko masabihan na dahil sa isang tao lang nagkaganon ako. Baka sabihin nag-iinarte lang ako. Yan ang pinakamadilim na parte ng buhay ko.
Isang linggo after pinakausap na ako sa shrink. Kailangan ko rin itago yan kasi baka sabihin nagkaka-saltik na ako. Nakilala ko si Dr. Geno Ragasa. Kinakausap niya ako pero wala siyang nakukuhang sagot.
Nagrereport siya sa parents ko. Nakakausap ko friends ko sa chat. Nasasabi ko na nahihirapan ako. Pero di ko pinapaalam sa kanila. Ayoko maging mukhang mahina sa kanila. Mas marami nga na mas nahihirapan? May mga napagdaanan ako nung bata ako na akala hindi ko pinaalam kay Aaron. Ang alam niya yung mga nasabi ako sa kanya. Nakipag-usap na ako kay Dr. Ragasa dahil siguro nalaman ko rin na hindi makakatulong na nandito lang sa ulo ko. Nakumbinse ako ni Dr. Ragasa na i-share lahat sa kanya. Siyempre confidential ang pag-uusap namin.
Nung the next day na pumunta kami ng bestfriend ko sa sa office nina Aaron, agad akong pinatawag ni Dr. Ragasa. Napansin niya na may pasa ako sa tuhod.
"What happened to your knee?" tanong niya.
"Nadapa po ako," sagot ko na tila walang emosyon.
"Alam ba yan ni Aaron?" sabi ni Dr. Ragasa.
"Whatever happens to me, he will not care anymore," sabi ko. "Hindi niya po ako hinarap Doc eh."
Umiyak si Dr. Ragasa. Pati tuloy siya naapektuhan sa nangyari sakin. Sinasabihan niya ako na umiyak pero naibuhos ko na at nabasa na yung balikat ni Ysabel. Doon ko talaga naramdaman na pagod na ako. Na mahal ko pa rin siya kahit ganon.
Ngayon nagagalit na ako kapag naaalala ko 'to. Iniiwasan ko lang ang memory na ito. Ngayon naalala ko na. Totoo naman, ano pang magagawa kapag nalaman niya? Tatakbo ba siya at aalamin lahat ng nangyari sakin? Magsisisi ba siya na pinaghintay niya ako? Magsosorry ba siya? Magsosorry ba siya na hindi niya sinasagot mga tawag ko? Baka nga sabihin niya kasalanan ko lahat kaya ako nahospital. Sabihin pa niya nagpapaawa lang ako kasi ayoko kumalas sa kanya. Hindi nga siya naaawa na pinaghintay niya ako.
Tama si Mario, hindi siya yung tao na nakilala ko, na pinaramdam niya sakin na tanggap niya ako kung ano ako at magiging ako. Nagplay sa isip ko nung sinabi ni Mario: "Paano kung nawala ka?" Tama siya na lumaban ako. Lumaban ako dahil yung love na iniwan niya sakin, at mas yung pagmamahal ko sa kanya nagpush yun para dumilat at pilitin sarili ko mabuhay. Ilang araw na lang ulit bago magkita kami ni Mario. Intriguing saan kami susunod na pupunta. Ang swerte nina Gretchen at Aaron, lagi namin sila naiisip at pinag-aakyasahan ng panahon.
Naisip ko yung pinagdaanan ni Mario sa kapatid niya. Ngayon alam ko na at least may nakakaintindi sakin. Wala naman na kay Aaron yung mga pinagdaanan ko. May bisita ulit ako sa shrink three weeks from now.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.