Just in time. Magaling yung private investigator na nahire ko. Naabutan ko na magkahoholding hands sina Hannah and Mario. Tapos yung tingin nila sa isa't isa hindi makawala. "What a nice view," sabi ko.
"Gretch," uttered Mario.
Kumalas ng mabilis yung mga kamay nila. "Ano ginagawa mo dito?" Badtrip yung mukha niya.
"I'm a friend of your twin brother," sabi ko. "For sure naman di niya ako pagtatabuyan dito. And you are?"Naging mga matang agila yung pagtingin nung Hannah sakin. She stretched out her hand, "I'm Hannah."
Magpapakaplastic na ako kasi dapat so I shook it. "I heard so much about you." Binati ko yung baby bro ni Mario na naglalaro ng paper airplane. "Hi! Still know me?" Nagtago yung bata behind Hannah.
Pagkaharap ng pagkaharap pa lang namin ni Hannah, I know na mortal enemies kami. Marami namang nagkakagusto kay Mario pero si Hannah kaagaw ko sa atensyon. Nang umuwi ako dapat may uuwian pa ako kung hindi lang umeksena 'tong si Hannah. Inexcuse ni Hannah sarili niya kasi aayusin niya yung dala nilang pagkain. In broad daylight, sa sementeryo ang kain nila. Eew!
"Ano bang balak mo?" tanong ni Mario.
"Nandito ako para dalawin si George," sabi ko, defensive.
"Alam ko di yan ang pakay mo that"s why you're here," sabi niya.
"Mario, di ba nagdedate na kayo ni Hannah? Why should I interfere?" I'm such a great liar. Kung alam lang nila kung papano ko sisirain yung love story nila. "And can't I visit my ex boyfriend?"
Kinandong ni Hannah yung baby bro ni Mario. Bakit noong ko, hindi ko makuha yung loob nung kapatid niya? Pesteng bata yan. Namimili ng kakagaanan ng loob. Lahat ng lalaki nagkakandarapa sakin, pati babae naiinggit sakin. Tapos bata hindi ko makuha loob? How lame. Lamang lang si Hannah ng mabait niyang aura at good girl charm. Diyan din yata nahulog sa patibong niya si Mario.
Sinusubuan siya sa harap ko pero tumanggi si Hannah. "Ayoko ng mga ganyan," sabi ni Hannah. Dapat lang umayaw siya kasi it's me na dapat sinusubuan ni Mario.
Naghire na nga rin lang ako ng private investigator, nalaman ko na tatlo na naging boyfriend ni Hannah. Yung unang naging boyfriend niya nung high school siya, okay okay na rin. Yung second na naging boyfriend niya mestizo, ang gwapo.
Yung third na naging boyfriend niya ganon rin, ang gwapo. Nireport sakin nung private investigator niya na yung second boyfriend daw ni Hannah, binalak magmigrate kaya sila nagkahiwalay pero nandito na sa Pilipinas. Now, my plan is for her second boyfriend and her to get back together. Bakit ba yung second niya? Trip ko lang.
Tahimik ako nakikisalo sa kanila. May dala silang thermos para sa kape. Humingi ako tapos dahan dahang nilagyan ni Hannah yung tasa ko. Mas magiging masaya ako kung binuhos ko sa kanya. May spark talaga ng mortal enemies kami eh.
I know nafifeel niya rin yun at anytime ipapakita niya rin yung totoo niyang kulay. Magaling ako bumasa ng tao. Yung mga introvert na type na tao? Sila yung silent but deadly. Deadly sa pagtago kung sino talaga sila. Judgemental na kung judgemental. Hello? We live in the societal terms for the approval of creating judgements. Nabubuhay tayo sa mundo na puno ng panghuhusga.
Kaya why not join the crowd na nanghuhusga? Do as the Romans do, ika nga ng marami. Kanina pa ako nagiging antipatika kasi naman pakipot pa si Hannah. Bawat pag-alis ni Hannah sa kamay ni Mario na naaksidente siyang dikitan, naiirita ako. Ano problema niya? Nagdedate naman na sila di ba? Maria Clara pa ba dapat siya? Kung ako aakbayan ni Mario, magpapaakbay ako. Umalis si Mario para mag-CR. Kinumutan ni Hannah yung baby bro ni Mario I can't contain myself na pansinin ang kaartehan ni Hannah.
"You know what? Kahit na nagdedate pa lang kayo, pwede ka naman may touch na eh," sabi ko.
"Excuse me?" sabi ni Hannah. Nararamdaman ko na ang bad blood feels like ermergerd. This is my chance para mainis ko siya.
"Just my opinion," sabi ko.
"Well," sabi bi Hannah. "I'm not asking for your opinion. And wala kang say between me and Mario."
"Hindi ka tumatanggap ng opinion ng iba?" sabi ko.
"Tumatanggap ako. Pero yung ini-invade mo yung galaw ko, hindi," sabi niya.
"Magkakilala naman na kayo tapos I think na dapat na maging comfy ka na, " sabi ko.
She blinked twice. "Hindi na ako yung tipo ng babae na madaling maging komportable sa ganon. Tsaka 1 month pa lang kami nagdedate."
"Wala naman sa buwan yun eh." Tinarayan ko siya.
"Thanks but no thanks sa opinion mo, " sabi niya. "Eh sa ganon ako. Kung ikaw yung type na babae to jump in na lang agad sa lalaki, ibahin mo ako." Nagpaparinig yata siya doon kasi may diin yung statement niya na yun.
"Are you accusing me na ako nag-jump in na lang ako kay Philip?" sabi ko. Mataas na boses ko. Siya, calm lang na matapang.
"I don't know who Philip is," sabi niya. "If he is the guy na pinalit mo kay Mario, hindi para natatamaan ka kasi di naman yun meant para doon. Meant yun para ipagtanggol sarili ko."
"Ang kapal ng mukha mo," sabi ko. "Mabait ka? Nagbabait-baitan ka lang pala." My hand is already in the air, sasampalin na siya pero hinawakan niya with force yung wrist ko.
"Mabait ako. Pero ako yung mabait na tapos na magpaapi sa mga taong tulad mo," sabi niya."Kaya Gretchen, huwag ako. Please lang. Kung ayaw mo mapahiya."
Hinawi niya yung kamay ko. Hindi ko na alam ang isasagot ko. She can't have the last word. She won't have the last word. Napahiya ako. Mas nabibwisit talaga ako sa kanya.
Bumalik na si Mario tapos parang walang nangyari na sagutan saming dalawa.
"How was the restroom?" natanong ko. Sa lahat ba naman ng itatanong ko? Nakakawala ng focus kasi natalo ako sa pagkakataong yun. Hindi ako talunan. Grr!
"Aalis na ako." Tumayo ako at tumingin mula kay Mario hanggang kay Hannah.
"Kinagagalak kong makilala ka," sabi ni Hannah. Yung mga mata niya nang-aasar.
Nasa sasakyan na ako at nagpatugtog ng malakas. Nagdrive din ako ng mabilis. Hindi ako hanggang dito lang. Hindi ako makakapayag na natalo ako. Magiging akin ulit si Mario. Makikita ng Hannah na yun. Makikita niya talaga. May traffic enforcer na nagpatabi sakin. Binaba ko yung bintana ng kotse ko. "What seems to be the problem, Sir?"
"Ma'am lumagpas na po kayo sa speed limit sa kalsadang 'to," sabi ng enforcer.
Ano ba meron sa araw na 'to? Nanggigigil ako sa inis. Malas yung Hannah na yun!
BINABASA MO ANG
ANG SABI NGA NILA...MAG MOVE ON
Любовные романыBook Cover by Bea Davila Ang kwento ng pagmumove-on ng dalawang tao na parehas na nasaktan sa kani-kanilang relasyon. Ito ay sina Mario at Hannah. Si Mario ay nagmumove on ng dalawang taon pero hirap pa rin makalimot. Si Hannah naman ay galing sa...