Chap.1

1.8K 20 1
                                    

Hell's P.O.V

Without you I feel broke,
Like I'm half of a whole,
Without you...

Ang aga-aga may tumatawag. Di ba nila alam na sa mga oras nato, tulog pa ang diwa ko? Pero kahit na inis na inis ako, wala naman akong ibang nagawa kundi sagutin ang tawag without even looking on the screen kung sino ang caller.

"Good morning, my heaven!"

Dug dug dug dug My heart is starting to get crazy again. Hindi ko alam pero every time I hear Brayley's voice — especially early in the morning, agad na nag-loloko ang puso ko. Ganito ba talaga basta inlove ka? Hindi ko lang masyadong pinapahalata but I am madly, deeply, inlove with this man na walang ibang ginawa kundi suportahan ako sa lahat ng bagay.

"I'm still sleepy Brayl," I said while yawning and gently rubbing my eyes.

"Did you forget something?" He said in his warm and gentle voice. After what happened before, mas lalong naging sweet at loving ni Brayley. He also becomes very open and vocal to me; pero ako? I still have lots of secret na hindi ko magawang masabi sa kanya. I might be the strongest, toughest, and heartless person in the underground world, pero pag dating kay Brayley — I am none of those things that I've said.

"Forget what?" I ask with confusion. Kahit na parang wala parin ako sa sarili ko, but my ears are open and still listening to him clearly. To be honest, naka-pikit pa nga ako ngayon habang nakikinig sa kanya eh. I am really not a morning person - I know that you all know that.

"Today darating si Yumi from Japan," he said happily kaya naman napatayo ako sa pag-kakahiga at agad na nanlaki ang mata. What the? Ngayon!? As in now na!? Kala ko next month pa? Bat biglang napa aga ata?

"Ngayon talaga?! You mean she's back?" I ask surprisingly. Biglang nawala lahat ng antok ko sa katawan dahil sa sinabi nya. It's been what? 3 years? Tagal na pala since umalis si Yumi dito sa Pinas to finish her studies in Japan and para narin mabantayan nya yung Lola nya dun. And yep! Nagkahiwa-hiwalay na kaming mag babarkada, but, not fully na no connections. We still have connections pero di na talaga tulad ng dati na kahit saan — parating magkasama.

The twins, nag-ibang bansa ang isa, while ang isa naman, nagpaiwan dito sa Pinas. Sam flew away to US and Shine stays here. While Marie, she's still here, but andun sya sa province to get practiced on managing their farms. Si Yumi naman, gaya ng sabi ko, lumipat sya ng Japan. Pero, kahit na andito sa Pinas sina Shine and Marie, we still don't have lots of time to mingle with each other. Marie is on their farm while si Shine naman is managing her mom's flower and dress shop. I am still here at our condo, but I don't feel lonely at all dahil minsan, dito nag stastay si Brayley together with the boys and once or depende kina Marie at Shine - dito din sila tumatambay.

See? Maraming nagbago, yung mga loka-loka naging formal, but you cannot change the fact na may times na tinutopak talaga. And yes! I miss those old times na magkasama kami sa iisang condo, riding one car, shouting everywhere, parang mga aso't-pusa - bangayan here, bangayan there. Well, minsan nalang namin nagagawa yun kasi malayo na kami sa isa't-isa. But now, I can feel it, na mag-kakasama kaming muli - sa iisang bubong, just like the old times.

"Hello, Hell? Are you okay? Kanina pa kita tinatanong kung what time kita susunduin." Ow shot! I'm spacing out. Reminiscing is bad especially when you are having a phone call with someone.

Truth & LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon