Chap. 10

444 5 0
                                    

Hell's P.O.V

Hindi halatang excited ang lahat dahil kakasabi ko lang kagabi pero sila — readyng-ready na. They keep on bothering me kung mag tratraining na ba kami ngayon.

"Let's start our training tomorrow." malamig kong sagot sa mga tanong sabay kuha ng susi ng kotse.

"Saan ka?" tanong ni Yumi kaya naman I just answer her "somewhere" using my bored tone.
----
"May malaking problema na naman kami Biancs," sabi ko sabay haplos sa puntod nya.

"Ayaw ko na ng ganito pero may nagtutukso parin sa akin." patuloy ko pa sabay tingin sa langit upang di tumulo ang luha ko.

Matagal-tagal narin simula ng hindi ko nabisita si Bianca — isa sa pinaka-close kong pinsan. Ako, Marie, at Bianca - para kaming triplets dahil walang makakapag-hiwalay sa amin. Sobrang close namin dahil sabay kaming lumaki at months lamang ang pagitan naming tatlo kaya naman magkavibes talaga kami. We are sisters but with different mothers. Pero nagbago ang lahat ng dahil sa insecure nyang bestfriend na si Danica.

Si Danica na dahilan kung bakit maagang nawala sa mundo si Bianca,

Si Danica na itinuring nya ring kapatid,

Si Danica na dahilan kung bakit natutong humindi si Bianca sa amin,

Si Danica na puno't dulo ng lahat.

Sa sobrang pagka-occupied ng isip ko, hindi ko na namalayan na may tao na pala sa likod ko.

"Hell," I heard someone calls my name kaya napa-lingon ako sa aking likuran and I saw Marie.

"I missed her." bulong nya, tamang-tama lang na marinig ko sabay yuko at lagay ng bulaklak na dala-dala nya. White roses, Bianca's favorite flower.

"So much," I said sabay tingin sa taas to stop my tears from falling.

"Alam kong ayaw ni Biancs na ganito tayo." malumanay na sabi ni Marie kaya naman napayuko ako.

Alam ko..at ayaw ko naring magtago ng sekreto. Siguro sisimulan ko na dito.

Sisimulan ko kay Bianca — ipapakilala ko na sya kay Brayley para naman gumaan ang loob ko dahil alam kong di parin ako lubos na kilala ni Brayley.

"Wait! Hell," pigil ni Marie ng aakmang tatayo na ako kaya naman I give her a questionable look. What now?

"I think someone's spying us," bulong ni nya kaya naman naging alerto ako at napalinga-linga sa paligid ng mahagip ng mata ko ang isang paa, di kalayuan sa pwesto namin. Not again.

Alam kong nakikinig lamang ito kaya naman nakatutok parin ako dun ng biglang inilabas nya ang ulo nya upang simulip at walang pag-alinlangan itinapon ko sa gawi nya ang shuriken na kanina ko pa hawak-hawak.

"Ahh!" daing nya kaya naman nilingon ko si Marie sabay tango at tinakbo ang gawi ng kung sino man iyon. You'll be dead now.

Aakmang tatakbo na sana sya ngunit biglang nanigas ang paa na tinapunan ko ng shuriken. For sure the poison is already in his feet. That shuriken consists of poison na parang localized anesthesia that works only on the specific area — which means kung saan sya naka turok ay doon din namamanhid but at the same time hindi nya rin ito magagalaw.

Agad ko namang kwinelyohan ang lalakeng nag iispiya sa amin ng malapitan na namin sya.

"Sinong nag-utos sayo." malamig kong sabi habang hinihigpitan ang hawak ko sa kwelyo nya — kulang nalang ay mapunit ito dahil sa pagkaka-higpit ng pagka-hawak ko.

"Hindi ko sasabihin!" matigas nyang sabi kaya naman walang pag-alinlangan ipinadaan ni Marie ang shuriken na hawak nya sa pulsohan ng lalaking nag eespiya sa amin. Napa-ngiti naman ako ng marinig ko ang malakas nyang sigaw. Shout till your nerve cut — wala namang makakarinig sayo dito eh.

"Ahh!" puno ng sakit nyang daing ngunit kahit anong sigaw nya ay nananatiling malamig pa rin ang tingin naming dalawa ni Marie sa kanya at walang pake kung tumutulo na ang maraming dugo mula sa kamay nya.

"Sasabihin mo o mapuputol tong kamay mo" pananakot ni Marie sabay diin ulit ng shuriken.

"Oo na! Oo na!" napa-ngiti naman ako ng marinig ko iyon. Weak shit.

"Sino?" malamig na tanong ni Marie making me roll my eyes. 

"Si Boss Carlo." nanginginig nyang sabi kaya naman agad na nagka-tinginan kaming dalawa na may kunot sa noo. Carlo?

"Carlo?" kunot noong tanong ko habang nag-hihintay sa kung anong apilyedo ng Carlo na sinasabi nya.

"Carlo Silva Andrid." nangi-nginig nyang sabi kaya naman napabitaw ako sa kanyang kwelyo at ganun din si Marie.

"Silva Andrid" ulit ko sa isip sabay tingin sa kanya na animoy siya ang lalaking Silva Andrid na sinasabi nya. Kitang-kita ko kung paano nagpa-taas baba ang kanyang Adam's apple — hudya't na takot na sya sa prensya naming dalawa ni Marie.

"Pagbilang kong tatlo dapat wala ka na dito sa harap namin at sabihin mo sa boss mo" I said in a cold voice sabay ngiti sa kanya ng mala demonyo "I can't wait to f*cking see him and k*ll him with my bear hands," I said after the long pause at kasabay nun ang pagkaripas nya ng takbo.

Napa-kagat labi na lamang ako at mahigpit na napa-kuyom ng aking kamay ng malala ko kung sino ang nag mamay-ari ng apilyedong yun.

"Kilala mo?" puno ng pag-tatakang tanong ni Marie.

How can I forget that surname? Dahil sa apilyedong yan, maraming nag-bago sa amin.

Dahil jan, may nawalang pinaka-importanteng tao sa amin. So how can I f*cking forget that surname? Kahit pa siguro sa kabilang buhay ay hindi ko iyan makakalimutan — kahit ilang taon na ang naka-lipas, buo at malinaw pa rin sa isip ko ang lahat.

"You want to know where did I know that surname?" malamig kong tanong at agad na napa-iwas ng tingin sa akin si Marie sabay tango ng may pag-aalangan.

"Danica Silva Andrid." pag papatuloy ko and I know that it rings the bell.

I saw how she clenched her hands and a fire started to invade her.

"Count me in," she said making me raise my brow. Ha?

"Count me in, in k*ll*ng him." puno ng galit nyang sabi making me smirk.

I know na hindi lang ako ang nakakaramdam ng galit sa tuwing nakakarinig ng mga bagay na may connection sa kanya. I am not alone at kahit pa ako lang ang mag-isa, kayang-kaya ko parin syang taposin gamit ang sarili kong kamay. So, all this this,  ikaw pala ang gumugulo sa tahimik naming buhay? What a f*cking weaksh*t.

----

A/N:

Please don't forget to FOLLOW and VOTE. Thank you! 

Also, please follow our official Facebook page Msblink for updates and announcements. XOXO.

EDITED

Truth & LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon