Chap. 29

647 10 1
                                    

Brayley's P.O.V

4 months,

4 months ng hindi gumigising si Hell.

4 months na syang tulog, and I really missed her so much...miss na miss ko na ang tawa nya. Miss na miss ko ng marinig ang boses nya. Miss na miss ko na ang mga cold stare nya kabag naiinis sya - sobrang miss ko na sya.

"Brayl, pahinga ka muna, ako na muna bahala dito." sabi ni Bianca --- pinsan nyang akala nila ay patay na.

"Sige," I said sabay tayo at halik sa noo neto.

"I'll be back." bulong ko

"Mauuna na ako." paalam ko kay Bianca na abalang nag-aarrange sa prutas nyang dala kanina sa basket na nandito sa loob ng hospital room ni Hell.

"Sige, ingat ka!" --- Bianca. Kaya naman napatango nalang ako sabay labas sa kwarto. Araw-araw akong pumupunta dito sa hospital to check Hell. Araw-araw din akong nag-dadasal na sana ay gumising na sya dahil sobrang daming tao na ang nag hihintay sa pag-babalik nya.

I thought kissing her will wake-up her up, sadly, this isn't a fairytale, but rather 

Flashback

( Battle day)

"Hell!" sabay-sabay nilang sigaw sabay lapit sa babaeng nakahandusay

Hell!

Hell!

Hell!

Hell!

Parang sirang plakang paulit-ulit na nagplaplay sa isip ko ang pangalan ni Hell. Dahil sa bilis ng mga pangyayari, ang tanging narinig ko na lamang ay ang pag sigaw ni Marie ng 'walang hiya ka!' at kasunod nun ay ang malakas na putok ng baril na kumitil sa buhay ng matandang kaharap nila.

"Hell! Hell!" umiiyak nilang sabi kaya naman parang hindi mag-process sa isip ko ang lahat.

"B-bryl," mahinang tawag neto na nakaagaw ng atensyon ko kaya naman dahan-dahan akong lumapit sakanya at lumuhod para makita ko ang mukha nya. No!

"S-sorry," sabi nya at paunti-unting ipinikit ang kanyang mga mata.

No!

No!

"Hell!" sigaw ko at kasabay nun ay ang pag-bagsak ng mga luha ko sa aking mga mata.

End of flashback

"Brayl, okay ka lang? Tulala ka na naman." rinig kong sabi ni Dad dahilan para mapabalik ako sa realidad. Hindi ko man lang namalayan na nandito na pala si dad sa harap ko. He told me na sabay na kaming umuwi ng bahay at dadalawin nya din si Hell dito sa hospital.

"I'm sorry dad," sabi ko sabay tayo para batiin sya.

"Hindi parin ba sya gumigising?" tanong nya kaya naman napa-buntong hininga na lamang ako sabay iling.

"She will wake-up. Just pray," sabi ni dad sabay tapik sa aking balikat at lakad papasok sa kwarto ni Hell. Napa-buntong hininga na lamang ako sabay upo ulit upang hintayin si dad.

----

As I went on the hospital earlier, nandun sila Marie at Klark para bantayan si Hell. Hindi rin ako nakatagal dun dahil kailangan ko pang pumasok sa office at asikasohin ang mga naiwan kong paper works kahapon. 

I keep myself busy - to lessen my sadness and longing for Hell but I can't. Hindi ko magawang mag saya knowing na ang taong mahal ko ay nasa hospital - nakaratay na parang patay at may mga kung anong naka-lagay sa katawan nya.

Truth & LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon