Chap. 28

491 9 0
                                    

3rd person's P.O.V

Ito ang araw na pinakahihintay ng BDG - ang araw na kung saan ibubuwis nila ang kanilang buhay at ilalaan lahat ng kanilang lakas mabawi lang ang kanilang pinaka-iingatang UGP.

"All set?" tanong ni Hell kaya naman agad na nagsitanguan ang lahat.

"Lets wait for the cue. Basta mag masid lang kayo once we get there," paalala ni Hell at agad na inilagay ang kanyang shurikane sa kanyang earings.

Sa kabilang banda naman; kila Brayley...

"Woah! Excited na ako!" hindi mapagsidlang-saya'ng sabi ni Jj. Habang ang iba naman ay busy kakaayos ng kanilang sandata.

"Tapos ka na ba jan? Ang ingay-ingay mo na kasi eh!" inis na sigaw ni Jake.

"Oo, ako pa?" ani ni Jj kaya naman napa 'tsk' nalang si Jake at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

Hell's P.O.V

"Are we all set?" tanong ko sabay tingin sa kanila.

"Yes!" sabay-sabay nilang sabi kaya naman napangisi ako sabay sakay sa motor na dadalhin ko.

Napag-desisyonan naming mag momotor nalang para mabilis na maka-daan at makatakas kung ano man ang mangyayari mamaya - mas mabuti ng handa.

"Una na ako!" sigaw ni Sam sabay nagpa-harurot. Sumunod naman agad si Yumi, Shine, Marie.

*peep* *peep* hudyat na aalis na sila kaya naman tumango na lamang ako bilang tugon. Kung ano man ang mangyari ngayon, bahala na, kaya naman kinuha ko ang phone ko sa bulsa at hinanap agad ang number ni Brayley.

To: Brayley

I Love You and I will always do.

[Sent]

"Let the game begin," bulong ko sa sarili sabay suot ng helmet at paharurot ng aking motor. 

Brayley's P.O.V

*bzzt *bzzt

From: Hell

I Love You and I will always do.

Basa ko sa message ni Hell. Bakit ganun? Bakit parang iba ang kutob ko? Bakit feeling ko may masamang mangyayari?

"Brayl, tara na!" tawag ni Justin kaya naman tumango na lamang ako at agad na nereplyan si Hell.

To: Hell

I Love You more. Always remember that!

[Sent]

At agad kong inilagay ang cellphone ko sa bulsa ng leather jacket ko.

3rd Person's P.O.V

Katahimikan - yan ang bumabalot ngayon sa loob ng UGP. Hindi gaya ng mga nag daang laban na puro ingay at sigawan ang maririnig sa loob.

Ngayon, ay iba...

"Mabuti naman at dumating kayong lahat dito - para makita nyo ang pagbagsak ng sinasabi nyong pinakamalas na gang ng UGP!" sabi ng lalaki sa mic sabay tawa ng napaka-lakas dahilan para mas lalong tumahimik ang lahat ng tao sa loob ng stadium. Hindi kita ang mukha ng lalakeng nasa pwesto ng announcer dahil naka-mask eto at medyo madilim ang pwesto nya. 

"Hindi na siguro darating yun, takot lang nila sa amin," maangas na saad nito.

"Kapal naman ng mukha mo." pabalang na sabi ni Pink (Shine) na nag lalakad papasok ng stadium kasama ang mga kasamahan nya - BDG. Kaya naman, nag simula na ang bulong-bulongan sa loob ng makita nila ang pinaka-hihinta nila.

Truth & LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon