Chap. 23

368 6 3
                                    

Hell's P.O.V

Puro tunog ng katana at baril ang maririnig sa buong silid dito sa practice area namin. Nasa training na ang focus namin ngayon dahil anytime soon - there will be a war that's going to happen. 

"Ahhh pwede rest muna?" sigaw ni Shine sabay upo sa sahig habang hawak-hawak ang kanyang katana. 

"Kanina ka pa rest ng rest eh, tang*na neto." komento ni Yumi sabay inom ng hawak-hawak nyang coke zero. Si Shine lang talaga ang reklamo ng reklamo habang si Sam at Marie eh focus na focus sa pag prapractice nila. Kakatapos lang naming mag sparring ni Yumi kaya't heto kami ngayon nag rerelax.

"Eh kasi naman nangangawit na kamay ko!" react ni Shine sabay humiga na nga sa sahig. 

"Kung apakan kaya kita jan para di ka na makatayo," pag babanta ni Yumi. Mag sisimula na naman to silang mag bangayan. Hays.

"What if mag sparring nalang kayong dalawa para matigil kayo," I suggest sabay upo sa sofa na nandito sa loob ng practice area namin. Bigla namang lumiwanag ang mukha ni Yumi at ngumiti ng napaka-lapad sabay luha ng katana nya at lapit kay Shine na naka-higa pa din sa sahig hanggang ngayon. 

"Rinig mo yun, Shine? Mag sparring daw tayo. Tignan natin kung makapag-rest ka pa jan," sabi ni Yumi sabay sugod kay Shine na agad namang naka-ilag sa pag-sugod ni Yumi.

"Tang*na mo Yumiko!" sigaw ni Shine sabay tayo ng maka-hanap sya ng tiempo. Napalingon naman ako kina Marie at Sam na ngayon eh naka-tayo na at naka-tingin na kina Shine at Yumi.

"I think it's time for us to rest," rinig kong sabi ni Marie na sinang-ayonan naman ni Sam sabay lakad palapit dito sa pwesto ko. Nakangiting umupo naman sila sa tabi ko habang nakatuon pa din ang pansin kina Yumi at Shine na nag lalaban.

"Buti naman at sinabihan mo si Yumi ng ganun, para ma entertain tayo." natatawang sabi ni Sam sabay kinantyawan ang kambal nyang ilag ng ilag dahil sa gigil na tira ni Yumi. 

"Put* naman Yumiko! Pwede chill lang slight?" sigaw nya ulit na ikina-tawa namin. Sinusugod pa rin sya ni Yumi na para bang hindi na rinig ang sinabi ni Shine. Well, I can't blame Yumi, kanina pa kasi sya napipikon kay Shine kaya siguro ganyan nalang ang gigil nya kay Shine ngayon. 

"Good thing at nakuha na natin ang ibang data sa UGP," paninimula ni Marie na ikina-tango ko. Yumi did her best kaya't nasa amin na ang 1/4 access ng data sa UGP. Nakuha nya eto kahapon kaya't sila na ang naka block sa server namin ngayon - for sure hindi na magkanda-ugaga ang mga kampon ni Silva Andrid dahil nakapasok kami sa server kung saan naka block kami. 

"Yumi is such a pro when it comes to this," Sam said na sinang-ayonan namin. 

Malapit na tayong mag kaharap ulit Silva Andrid, just wait and see. Ipapasunod agad kita sa anak mong si Danica ng mag sama na kayong dalawa.

Brayley's P.O.V

Hell texted me earlier na magiging busy sya for today. Wrong timing lang kasi wala na naman akong gagawin sa office - mag tatatlong araw na rin ito. Sana nga maextend pa ng one week eh. Legit nakakapagod yung mga ginagawa ko sa office.

"Bro, akin lang ba to oh sa inyo rin?" biglang tanong ni Jj na nakatingin sa phone nya. Andito kasi kaming lahat ngayon sa sala ng unit habang nanunuod ng TV. Wala kasing lakad ang bawat isa sa amin ngayon kaya't naisipan namin mag movie marathon nalang.  Sabi din kasi ni Marie kay Klark na busy din sya kaya't tambay din eto dito sa unit ngayong araw na eto. 

"Why?" sabay-sabay naming tanong sabay tingin sa kanya. Pa thrill ang putek.

"Open nyo yung site ng UGP, bilis!" atat nyang sabi at dahil UGP ang pinag-uusapan, agad-agad namin itong sinunod at kinuha ang cellphones namin sabay check ng site UGP.

"Woahhhhh! May excess na ako pero di gaya ng dati," sabi ni Justine.

"Same," --- Jake

"Wait! Guys, kahit glitching sya pero tignan nyo sa may baba, may note," sabi ni Klark kaya naman nakatuon ang pansin namin sa kulay pulang bungo na maliit na nakalagay sa ibabang bahagi ng page.

"Ayaw ma zoom eh," sabi ni Jj kaya naman kinuha ko ang magnifying glass sa kwarto ko to see kung ano ba ang note na nakalagay dun. 

Naka italic bold sya tapos naka up-side-down ang pag-kakasulat and take note, ang liit na, promise. If you're not a keen observer, hindi mo makikita na may something pala dun sa sobrang liit nya. 

"Note: Our Server is being hacked by outsiders," basa ko sa naka-sulat na note.

"So, nahack nga." sabi ni Jake sabay tango. Napatitig naman ako sa note na nakalagay sa ibabang bahagi ng maalala ko lahat ng narinig ko kahapon - nung pumunta ako sa unit nina Hell.

"Nakakuha na ako ng isang access sa UGP. Guess what, 2nd unit sya sa main so half of the important things ay andun and napag-alaman kong block pala lahat ng members ng UGP."

Di kaya may connection to sa lahat ng sinabi ni Yumi? Ano ba talaga ang alam nina Hell tungkol sa UGP? Why do they talk things about that. And, ano ba talaga ang papel nina Hell sa UGP, bakit parang marami silang alam tungkol dito. 

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa bigla na namang nag susulpotan lahat ng katanongan sa isip ko tungkol kay Hell at sa UGP. 

"Ang lalim ng iniisip natin ah," biglang sulpot ni Klark dahilan para mapatingin ako sa kanya ng may bigla akong maalala.

"Naalala mo yung huling laban natin sa UGP? Yung biglang nanggulo ang Red Eagle Gang?" I ask na kintataas ng kilay nya.

"Oo, bakit?" he ask.

----

A/N:

Please don't forget to FOLLOW and VOTE. Thank you!

You can also read my other stories posted here on Wattpad. Also, please follow our official Facebook page Msblink for updates and announcements. XOXO.

EDITED

Truth & LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon