Brayley's P.O.V
They say that true lovers argue.
We're just humans and humans make mistakes. Naging okay naman na din kami after nung naging pag uusap namin sa dinning area. Medyo maypagka down na din ang atmosphere after nun kaya after ng kain namin, nanuod nalang kami ng movie and then naisipan ko ng umuwi para mapag-isa sya at makapag-pahinga na rin
I am currently driving my car para makauwi na sa unit ng biglang mag ring ang phone ko. Kaya naman, I connect it to my car and it was Jj who's calling.
"Hello?"
Brayl saan ka? Punta ka dito sa *toot* bar, inuman daw sabi ni Klark. Sakto din ang pag-aaya nila ah.
"Okay, I'm on my way." I reply sabay end ng call.
----
Nang makarating ako sa sinabing bar ni Jj, parang nanibago ako sa ingay at sa mga ilaw dahil sobrang tagal na din nung last na pumunta ako sa mga gantong lugar. Hindi na kasi nag kakaayaan ang barkada at minsan naman ay busy din kami sa mga kanya-kanya naming ginagawa sa buhay. Himala nga ngayon at nag aya sila eh.
"Brayl, mabuti at naka rating ka na." bungad sa akin ni Jj sabay akbay - halatang lasing na dahil ang seryoso na ng aura nya. Kanina pa ba sila nandito?
"Andun sila oh, tara!" iba kasi tong si Jj malasing kasi napaka seryoso. Yung mas pipilin mo nalang na lasing sya palagi kasi may sense kaausap at hindi din nambabara. Kung hindi lang masama uminom ng araw-araw, siguro pinagawa na namin kay Jj iyon.
"Brayl!" tawag atensyon ni Klark. Agad naman kaming lumapit sa pwesto nila sabay kuha ng isang beer na nasa mesa at ininom eto.
"Ohh! Mukhang may problema tayo ah," kantyaw ni Justin na ikina-iling ko nalang.
"Mukhang hindi magiging kj ang ating leader ngayon ah," natatawang sabi ni Jake kaya't napa 'tsk' na lamang ako sabay inom muli ng alak na hawak-hawak ko.
Puro kwento at tawa lang kami sa may table habang si Jake at Jj naman ay nag huhunting na ng mga babae nila. Behave lang naman kaming tatlo nila Justin, Klark, at ako kapag nag babar kami. Tanging si Jj at Jake lang ang sobrang playboy na animoy may makitang maganda lang, nag spaspark na agad ang mga mata at nagiging target nila eto.
"Ano na namang kalokohan ang naiisip nung dalawa," napapa-iling na sabi ni Justin ng makita nya ang kanyang kambal na may kausap na dalawang babae. Parang kanina lang ay nakatayo lang sya sa gilid pero ngayon, may kausap na agad sya - hindi lang isa, dalawa pa.
"Hayaan nyo na yan silang dalawa, wala namang ginagawang matino yan kapag nag babar tayo eh," komento ko na ikina-sangayonan ni Klark.
Ang amin lang ay mag chill at makapag-relax dito sa bar.
Hell's P.O.V
Hanggang ngayon ay wala pa din ako sa aking sarili dahil kagagohan ko. Bothered din ako masyado dahil hindi manlang kami nagkapag-paalam ng maayos ni Brayley sa isa't-isa. I think this is the first time na naging ganito kami ni Brayl.
I am here at the sala nanunuod ng TV pero wala naman sa TV nakatuon ang pansin ko dahil naka Brayley. Yumi and the others are already here. Kumain sila sa dinning area dahil marami pa namang pagkain ang naiwan naming dalawa ni Brayley kanina. Hindi na ako nakisali sa kanila doon dahil wala akong energy makipag-halubilo ngayon.
"Hell, you can share to us your problem." I heard someon talk kaya I was taken back to reality. Hindi ko man lang napansin na nandito na pala si Yumi sa tabi ko at tapos na din pala silang kumain.
"Me and Brayley argued earlier. Hindi naging maganda ang bonding naming dalawa," I said sabay buntong hininga. Tumabi naman agad sa akin si Yumi to comfront me.
"Why? What happened? If you don't mind," she asks.
"It was my fault. Naging pre-occupied ang utak ko dahil kay Silva Andrid. Naiinis ako kapag naiisip ko ang apilyedong iyon and naging cold ako kay Brayley dahil sa inis. Naiinis din ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang eto masabi-sabi kay Brayley ang totoo," I said with full of frustrations. Napa-kuyom na lamang ako sa aking kamay dahil sa sobrang inis ko sa aking sarili.
"I know Brayley will understand. Just don't push yourself too much. Isipin mo, may mas malaki pa tayong problema na hinaharap kaya't wag kang mapang-hinaan ng loob jan. And think about it, kapag okay na ang lahat, you can tell Brayl about the truth - about the real you." she said making me loosen my grip. She has a point. May mas malaking problema pa nga kaming hinaharap ngayon kaya this is not the right time para mag drama.
"And if hindi naging maayos yung naging usapan nyo ni Brayley kanina, why not talk to him again para makapag-ayos kayo. I know Brayley will understand. He made a promise, not just to you but also to us na hindi ka na nya sasaktan." --- Yumi. I know and hindi naman sa lahat ng panahon si Brayley ang manunuyo sa akin. Lalong-lalo na ngayon na ako ang may kasalanan kung bakit kami naging ganito dalawa.
"Thank you, I'll just contact Brayley to talk to him," I excuse myself at sakto namang dumating ang tatlo mula sa kusina habang ako ay papunta ng pinto para makalabas ng unit.
"Oh! Saan yun pupunta?" I heard Sam asks but hindi na ako lumingon pang muli at nag patuloy na lamang sa pag lalakad habang busy kakatipa sa cellphone ko.
I swear to myself na di matatapos ang gabing to na hindi kami mag-kabati ni Brayley. I'll do everything just to talk with him and to end this misunderstanding. Lalong-lalo pa at iniisip nya na kasalanan nya dahil sobrang busy na nya sa kanyang trabaho.
I need to find him,
I need to say sorry.
The number you have dialed is unatte-----
"Why are you not answering your phone?" I ask myself full of frustrations sabay dialed muli ng number nya pero unattended parin eto. Saan ba eto nag pupunta at hindi ma contact?
The number you have dialed is unattended or out of coverage area. Please try ----
"F*ck!" mura ko sabay pasok sa elevator. Where the f*ck are you Brayley?
----
A/N:
Please don't forget to FOLLOW and VOTE. Thank you!
Also, please follow our official Facebook page Msblink for updates and announcements. XOXO.
EDITED
BINABASA MO ANG
Truth & Lies
Teen FictionBook 3 of Demon Girls {Book1: Demon Girls Book2: Cold Hearted Demon} ---- UNDER EDITING ---- Published: January 20, 2018 Completed: October 30, 2018 Edited: March 3, 2024