Chap. 8

424 11 0
                                    

Brayley's P.O.V

Hindi lang pala kami ang nandito kundi pati rin ang mga magulang nila. God! Hindi ako makahinga ng maayos. Hindi ako nakapag-handa kaya I don't know how to react.

"Brayl," nakangiting bungad ni Hell kaya I clear my throat before smiling to her mom.

Dahil na rin siguro sa kaba kaya hindi ko namalayang naka-pasok na pala sila Klark sa loob and only me, Hell, and her mom is the one left standing here near the door.

"Mom, Si Brayley po, boyfriend ko." nahihiyang sabi ni Hell sa mommy nya habang ako naman ay hindi alam kung ano ang gagawin — magbebeso ba ako, ngi-ngiti, mag mamano, o ihuhug sya. Shit.

"And uhm, Brayl, si mom." pakilala ni Hell sabay nahihiyang ngumiti sa akin.

"Hi po tita," nahihiyang sabi ko at agad na nag-mano sa kanya na ikina-ngiti at tawa ng mahina ng mommy ni Hell.

"Oh my god! Anak, bat ngayon mo lang sinabi na may boyfriend ka na pala? Ijo pasok ka," sabi ni tita sabay tawa at aya sa akin para makapasok na sa loob. Ngumiti ako kay tita at agad na nagpa-salamat sabay tingin kay Hell na parang nag eenjoy sa situwasyon ko ngayon.

"John, look! Helizina's boyfriend!" anunsyo ni tita kaya naman napatingin sa amin lahat ng taong andito sa loob — may iba pa na sumulip galing kusina.

Andito rin pala ang mga magulang nina Marie, in short, lahat ng mga magulang nila magkakaibigan, present. Instant meet the parents pala to.

"Naks! Dalaga na si Helizina oh!" kantyaw nung lalakeng siguro nasa mid 40's na din.

"Dad, gusto nyo kwento ko sainyo paano nag simula love story nila?" natatawang sabi ni Shine kaya napa-tingin ako kay Hell na ngayon ay parang papatay na ng tao dahil sa sobrang talim ng tingin nya kay Shine.

"Daddy oh!" Shine said sabay tago sa likod nung lalakeng nag salita kanina. Daddy pala nina Shine yun.

"Kain na kayo ijo baka lumamig na yung pagkain," sabi naman nung babaeng parang may same feature ni Marie — with no doubt mama to ni Marie.

"Mabuti pa nga," sambit ni Hell at kuha ng kamay ko sabay bulong "mommy ni Marie." na ikina 'ahh' ko. Kaya naman, I smile on Marie's mom and walk towards the kitchen. Nauna na kasing mag-lakad ang mommy ni Hell kaya kami nalang dalawa ang naiwan ni Hell dito sa may sala.

Pagka-pasok namin sa loob, biglang tumaas ang anxiety at mas lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman ko ng makita ko ang lalakeng kausap ni tita. Hell's dad, jusko!

"Andito na pala sila," her mom said sabay tingin sa amin na ikina-tingin din ng daddy nya. What should I do? Mag mamano ba ako o handshake nalang?

"Hell, come here. Pakilala mo sya sa dad mo," yung ngiti ng mommy nya — ang lapad but sadly, I can't smile like that right now - kinakabahan kasi ako.

"Dad, si Brayley po. Boyfriend ko," and with that, I held my hand to shake hands with him na mabuti naman dahil tinanggap nya at agad akong nag-mano na ikina-tawa ng mommy ni Hell.

"Ang cute! Ganyan din ang daddy ni Hell noon nung unang meet nya sa parents ko." her mom said while giggling na ikana 'tsk' ng daddy nya. Sh!t! 

"Normal lang naman yan. Kinakabahan lang din siguro to," her dad said with no emotion. Alam ko na kung saan nag mana si Hell. Sa dad nya nakuha ang pagiging cold and serious samantalang kabaliktaran naman ang mommy nya — sobrang palangiti.

"Kinakabahan ka nung time na yun?" di maka-paniwalang tanong ng mommy ni Hell na ikina-iling ni Hell at ng daddy nya. Manang-mana talaga.

"Mom, we'll go ahead. I'm hungry." Hell said na ikina-tango ng mommy nya sabay hila sa akin pa punta sa may mesa at abot ng plato.

"Surprise!" Hell said and laughed slightly na ikina iling ko.

"Hindi ko alam anong gagawin ko, promise!" I said making her laugh.

"Mano ka lang ng mano sa kung sino kumausap sayo." she said while stoping herself from laughing too loud.

Habang busy sya sa pag-tawa, busy naman ako sa pag lagay ng pagkain sa plato nya.

"Thank you!" she said making me smile and nod sabay lagay ng pagkain sa plato ko ng mahagip ng mata ko si Klark.

Sino yung kausap ni Klark? Close na close nya ah.

Hell's P.O.V

After namin kumain ni Brayl, agad kaming nilapitan ni dad and excuse Brayley from me dahil may pag-uusapan daw muna sila. Kaya ngayon, hindi ako mapakali lalong-lalo na at kinakabahan yung si Brayley and I can see na dad si hella serious right now.

"Anak, I'm so happy for you!" nakangiting sabi ni mom sa akin dahilan para ma divert sa kanya ang atensyon ko.

"Mom, galit ba si daddy?" I ask kasi parang and seryoso na nya talaga. And I'm not happy about it baka biglang mag collapse si Brayley. 

"Hindi yan galit, ginigisa nya lang si Brayley." sabi ni mom sabay hagik-ik kaya naman napapout ako ng biglang mag-salita si mom making me raise my brow.

"He changed you," she said making me confused. Ha?

"What do you mean?"

"Dati, you don't pout and now, it is one of your new facial expression." mom said sabay pisil sa pisngi ko na ikina-kunot ng noo ko.

"My baby is not a baby anymore. Dalaga ka na nga talaga ang anak ko!" eto na naman tayo. Minsan kasi may side si mommy na ganya mabuti nalang at hindi ko nakuha. Sometimes, mom is childish pero pag magalit — ewan ko nalang. Mas nakakatakot pa yan kaysa sa akin.

Under nga si dad sa kanya na may pagka seryoso yun. Iba talaga power ng mga nanay no?

"Mom, OA mo na naman!" irita kong sabi sabay roll eyes na kinabuhakhak nya.

I'm wondering kung bat hindi ko na mana ang jolly side ni mom? Pag dating sa attitude, halos kuha ko kay dad lahat — seryoso at minsan cold. Mom is about to say something ng biglang pumasok si tita Lara — mommy ni Marie.

"Bestieeeee! May chika ako!" malakas nyang sigaw kaya napa cover ako ng taenga ko.

Same old days. Chika parati yan silang dalawa. Mom and Tita Lara are both besties. Mom told me na sila din daw yung pinaka-close na magpinsan gaya naming dalawa ni Marie kaya everytime daw na nakikita nila kaming dalawa ni Marie, para daw silang bumabalik sa pagka-bata nila.

Mom excuse herself at agad na nilapitan si tita kaya naiwan akong naka tayo sa may counter habang busy sa pag-kain ng cake ng bigla akong nilapitan ni Yumi.

"Hell, may problema tayo." f*ck.

----

A/N:

I hope that you enjoy this update! Please don't forget to FOLLOW and VOTE. Thank you!

Also, please follow our official Facebook page Msblink for announcements and updates. XOXO.

EDITED

Truth & LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon