Chapter two

93 4 1
                                    

"Joseph, Joseph. . . Oh, Joseph. Bakit mo ba ko iniwan? May iba ka na bang mahal? Nagkulang ba ko sayo? Nasan ka na ba? Magpakita ka." *biglang napamulat*

O__________O

"SHET! Ano ba kuya naman oh! Si Jo--"

Kanina pa siguro 'to nakaupo sa gilid ng kama ko mukhang inaabangan akong magising e.

"Joseph na naman? Kelan ka ba titigil maghintay? Chi, iniwan ka na niya. Ni hindi nga natin alam ang dahilan niya kaya tumigil ka na. Walang mararating ang paghihintay mo."

"Kuya, ang serious mo. Anong meron?"

"Naaawa lang kasi ako sayo 'tol. Tatlong taon na yang nararamdaman mo pero alam kong hindi mo pa din siya makalimutan. Panaginip mo pa nga lang-- Ay sorry. Bangungot mo pa nga lang halata na e. Makakamove on ka naman kung gugustuhin mo e."

Ang aga pa at tulog na tulog pa ko pero sa mga sinasabi ni kuya ngayon, unti unting nagigising ang utak ko.

Makakamove on ka naman kung gugustuhin mo e.

Makakamove on ka naman kung gugustuhin mo e.

Makakamove on ka naman kung gugustuhin mo e.

"TAMA KA KUYA!"

"Hoy! Huwag ka nga bigla biglang sisigaw ng ganyan."

"I'm sorry, nacarried away lang ng emotion. Cge kuya mula ngayon sinisigurado kong hindi na siya susulpot sa utak ko, hindi mo na maririnig na sinasabi ko ang pangalan niya sa tuwing paggising mo."

"Good. Tara na, kain na ng almusal."

"Cge kuya, una ka na. Susunod na ko. Tatanungin ko muna yung salamin kung sino ang pinakamaganda sa araw na 'to ngayon. Hihihi."

"LOL. Bilisan mo ah. Sigurado naman akong di ikaw yung sasabihin niyan e. Hahaha. Tingnan mo nga, mukha kang bruha sa itsura mo. Magsuklay ka nga! Baba na ko."

"HEH!"

Asar si kuya. Hmp! 

Okay, nakaharap na ko sa salamin ngayon. 

"Mirror mirror, tulungan mo ko. Tulungan mo kong makalimutan ko na si Joseph. Nasasaktan na ko e. Tama na ang tatlong taon, its time na para magsaya ko sa buhay ko. Maghahanap ako ng taong HINDI AKO IIWAN. Yung mamahalin ako at marunong umintindi kung sakaling may away kami. Kaya from now on, isunusumpa ko talaga 'to ng OVER! MAGMOMOVE ON NA AKO! Go Chi, kaya mo yan!"

As usual, eto naman ang routine ng buhay ko. Pagkatapos kausapin ang mahiwaga kong salamin, maliligo na ko, magbibihis tapos bababa na ng sala para kumain.

May pasok na si kuya ngayon. Psh, boring na naman ang buhay ko. Siya na nga lang kinukulit ko dito e. 

Laki kasi ng bahay namin tatlo lang naman kami. -______- Actually di naman masyadong malaki pero kung ikukumpara, malaki na 'to para samin. Wala naman kasi sila papa at mama, busy sa work. Mga workaholic na tao yun e.

"Manang. Tara rito, nood ka muna."

"Eh Chi, magwawalis pa ako dito."

"Its all right manang, huwag ka na munang magwalis. Mapapagod ka lang tsaka isa pa, madalas ka naman maglinis baka pag tinuloy tuloy mo yan e pati bahay mabura na." 

"Ocge na nga."

^_________^

Movie marathon kami ni manang ngayon, haha. Siya naman ang kajoin ko hindi si Jen. Busy daw e. 

"Ah, manang."

"Hmm?"

"First love mo ba yung asawa mo ngayon?"

"Hindi--"

"WEH?"

"Chi patapusin mo muna ako. Excited ka e."

"Ay. Sorry naman po. Hihihihi."

"Naghiwalay naman kasi kami nung first love ko. Iniwanan niya na lang ako bigla."

O________O Parehas kami ng kwento ni manang! Teka, hihingi nga ako ng advice!

"Bakit po?"

"Hindi ko rin alam alaga ko, pero ganun talaga. Huwag ka mag alala, nakakita naman ako." 

Yege! Buti pa si manang noh? Haynako. Eh ako, kelan kaya?

"Ahihi! Oo nga po e. Hmm manang, paano niyo siya nakalimutan?"

"Ah eh, hmm. Oo nga noh? Basta di ko lang siya inisip, naglibang libang ako sa sarili ko hanggang sa isang araw may pumukaw ng damdamin ko."

ANG TARAY NG PUKAW PUKAW NA YAN AH! Wihi! Alam ko na! Gagayahin ko ang strategy ni manang! Tama! Gagayahin ko talaga. Mukhang epektib e. :)

"Manang sa tingin niyo makakapag move on ako?"

"Oo naman ikaw pa. Malakas kaya ang alaga ko!" Eh kaso, siya nga po yung kahinaan ko e. 

T_______T

"Hehe! Suportahan niyo ko ah! AJA!"

--

9pm. Tambay pa din ako dito sa sala pero this time, kumakanta ko sa magic sing namin! Whooooo! Hahaha. 

Delilah pa nga kinakanta ko e. Trip ko e. xD

"Woy! Magpatulog ka nga!"

Yey! Si kuya dumating na! ^_____^

"Lasing ka ba? Parang nakainom lang e. Huwag ka ngang kumanta nyan. Eto na lang, MY WAY!"

"Hahahah. Sabog ka din kuya e noh!"

Ayan, ewan namin kung may nakakatulog sa ginagawa namin ng kuya ko. Tinopak kami ngayon, promise!

Well, tama nga yung sinabi ni manang, maglibang libang lang at hindi mo siya maiisip. Tama! Maglibang! Wieeeee! 

"Manang! Epektib yung strategy mo, maglibang ng maglibang!"

Isang simpleng tango lang ang binigay niya sakin na may ngiti. Hihihi! I'm so happy for myself! 

"Kuya, tulog na tayo. Maawa na tayo sa mga kapitbahay natin. 10:30 na din ng gabi e."

"Osya sige na. Goodnight. Umakyat ka na dun. Ako na magliligpit nito. Siguraduhin mong di mo na masasambit ang pangalan ng bwisit na yon bukas! Okay?"

"YUP YUP!"

Willing to WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon