Chapter nine

67 3 4
                                    

Dedicated to Miss. *toooooot* Tinatago niya kasi ang kanyang real name. :P

--

Umaga na pala, at hindi ako nakatulog sa kaiisip. Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko buong magdamag.

"Chi? Kakain na. Gising ka na ba?" Si kuya kumakatok.

"Cge. Bababa na ko."

"Cge. Bilisan mo."

Nag ayos lang ako at bumaba na din. Lumalim lang lalo ang eyebags ko. -____________-

Pakiramdam ko para kong zombie na naglalakad ngayon pababa ng hagdan. 

"Chi, kaen-- Hoy! Bakit ganyan yang mukha mo!"

Dahan dahan akong lumingon kay kuya, "Bakit? Maganda pa rin naman ako diba? Aheheh."

"Ganda mo mukha mo. Tingnan mo nga yang mukha mo sa salamin. Ang laki laki ng eyebags mo! Natulog ka ba ha?"

"Hindi e."

"Bakit naman di ka natulog? E sa pagkakaalam ko lagi ka ngang Knock Out e."

"Kuya. . ."

Naku. Paano ko 'to sasabihin? Galit ga pala siya kay Joseph dahil iniwan niya ako noon. Tss, bahala na si batman! 

"Ano?"

"Huwag kang magagalit ha."

"Bakit?"

"Basta, calm ka lang dyan."

"Hmmm, okay. Sabihin mo na."

Inhale, exhale, inhale, exhale. Whooooo! 

"Nagtext kasi kagabi si Joseph."

'ANO? BAKIT! LINTIK NA!"

'KUYA! SABI MO MAGIGING KALMADO KA HA!" Tapos huminga siya ng malalim. . .

"Oo nga."

"Good. Patapusin mo muna kasi ako." Tumango lang siya.

"Sabi niya sa akin, hahanap lang siya ng magandang tsempo. Babalikan niya daw ako, kuya. Hintayin ko daw siya. Tapos sabi pa niya na hanggang ngayon, ako pa rin ang mahal niya."

"Naniwala ka naman."

'Kuya naman e!"

"Chi ano ba? Pinaghintay ka niya na din noon, gusto mo bang maulit yun? Yung hindi ka nakakakain, at kung kakain ka man kakarampot lang! Hindi ka pa sumasama kila Jen at Lala noon pag may lakwatsya kayo. Ano? Papagurin ka na naman niya?"

Umagos na lang yung luha ko, kay aga aga umiiyak na naman ako. Hindi ko na alam ang gagawin. Maghihintay ba ko? 

"Kuya, wala akong pake. Mahal ko siya. MAHAL KO PA DIN SIYA."

"At ano? Sigurado ka bang MAHAL KA PA RIN NIYA?"

"OO NAMAN!"

"Huwag ka ng magpakabulag. Huwag mo na siyang intayin."

Huwag ka ng magpakabulag. Huwag mo na siyang intayin.

Huwag ka ng magpakabulag. Huwag mo na siyang intayin.

"Hindi pwede kuya, iintayin ko pa rin siya." Pagkatapos nun umakyat na lang ako uli sa kwarto ko at naligo, magliliwaliw na lang ako. Ayoko dito.

--

Pagbaba ko, sakto nandun si Carl. Magpapahatid na lang ako sa kanya sa mall.

"Goodmorning Chi! ^_______^" Leche, lapad ng ngiti nito. Buti pa siya masaya. Buti pa sila, NAGKABALIKAN NA.

Willing to WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon