Chapter eight part II

67 3 1
                                    

Continuation lang po ito ng chapter 8. :) Dedicated to my Beloved Bestfrieeeeeeeend. :D

--

Bakit ko kaya siya napanaginipan? Tagal tagal na nga niyang di sumusulpot sa panaginip ko tapos ngayon ayan na naman. Ano ba yan! Never ko na ba siya makakalimutan? 

Ilang linggo ko na din nakalimutan yun, nga pala, bati na kami ni Bugok. :)) TODAY IS THE DAY NG AMING PLAN B! 

Alam ko na din ang dahilan kung bakit atat na atat na siyang makuha uli si Jen. Wahaha. Nakakaloka ang mokong na yon, talagang mahal na mahal niya ang bestfriend ko! Well good. ^______^

"Jaraaaaaaaaaan!"

"Psh. =_________= Ano na namang klaseng pakana yan?"

"Ano ba! Di ba nakakakilig 'to? DUH! Eh kung ako bigyan niyan, nako. Saya saya ko na noh!" Wait nga. Sweet naman yung tarpaulin na may malaking heart at may nakasulat na 'ILOVEYOUVERYMUCH JENNY LOUIS CABRAL? ONE LAST CHANCE PLEASE? I WILL NEVER BREAK YOUR HEART AGAIN. Iloveyou Jen. Please forgive me.'

BAKIT HINDI SIYA NATUTUWA? Anak ng. Di man lang marunong magpakilig 'tong sira ulong 'to! Bakit siya sinagot ni Jen! 

Joke lang. ^______^ Haha. According kasi kay Jen, kahit di maeffort ''tong si Carl, e napapakilig pa din siya nito.

"Oh ano? Okay na ba 'to?"

"Yeah. Tara na!"

*Dingdong

"Sandali lang po."

Narinig kong sumagot na siya, at eto kami ni Carl, nanlalamig sa pawis dahil baka fail na naman 'to. Jusko Lord, HELP US PLEAAAAAAAAAASE! 

Napag usapan namin ni Carl na sa oras na buksan ni Jen yung gate, ibubuka namin yung tarpaulin at nasa likod kami nito. Tapos sasabihin niya yung mga nakasulat dun.

"ILOVEYOUVERYMUCH JENNY LOUIS CABRAL. ONE LAST CHANCE PLEASE? I WILL NEVER BREAK YOUR HEART AGAIN. ILOVEYOU JEN. PLEASE FORGIVE ME."

*Moment of Silence lang ang nararamdaman namin na may halong kaba.

Tapos binaba na namin yung tarpaulin. . . Si Jen umiiyak.

"Bakit ang baduy baduy niyo? Huhuhuhu. CARL! ILOVEYOUTOO! PINAPATAWAD NA KITA."

Teka. Pakiulit nga uli? Para kaming nabingi dun.

CARL! ILOVEYOUTOO! PINAPATAWAD NA KITA.

CARL! ILOVEYOUTOO! PINAPATAWAD NA KITA.

Wait. Bati na sila? FOR REAL BA ITO? OMG. 

THANK GOD! 

"Jen, totoo ba 'to?"

"Bruha ka talaga! Best, salamat. Salamat ng marami."

"Wala yun. ^_^"

Tiningnan ko si Bugok, aba. Estatwa na? HAHA. Di gumagalaw!

Niyugyog ko siya, "Bugok! Haler? ARE YOU DEAF? BLIND? ANO BA! SUCCESSFUL NA ANG ATING PLAN B! YAKAPIN MO NA SI JEN! KAHIT KELAN BUGOK KA TALAGA! JUSKO! Ayan na oh, ILOVEYOU DAW! PAULIT ULIT PA? GUSTO MO?"

At ayun, nagyakap na sila. We spent our day here kila Jen. Kaming tatlo lang dahil si Ms. Lalalove ay busy. You know na? Lovelife! 

Ay teka, ngayon etong dalawa 'tong nagkabalikan na, so it means. . .

AKO NA LANG ANG WALANG LOVE! Uwaaaaaaaaa! Joseph, please come back! T_________T

JOSEPH'S POV

"Ma, ayoko na dito Babalik na ko kay Chi."

"Well, do what you want but be ready for your consequence dear."

"I don't care."

Hindi ko na 'to kaya, pinapadate ako ni mama sa iba't ibang babae, isa daw sa kanila ang dapat kong maging girlfriend. 

Shit. WALA AKONG IBANG GUSTO KUNDI SI CHI. SIYA LANG. SIYA LANG ANG MAHAL KO AT WALA NG IBA.

Nandito nga pala ako sa America. Mula ng lumipat ako dito, puro trahedya na ang nangyari sa buhay ko.

FLASHBACK

Anniversary namin ni Chi noon. At sakto na yun din ang flight ko papuntang America. Wala akong kaalam alam tungkol doon. Dahil alam nilang mahal na mahal ko si Chi at gagawin ko lahat para sa kanya, hindi nila iyon pinaalam dahil sigurado silang gagawa ako ng paraan para hindi sumama sa kanila. 

I'm on my noon sa pupuntahan namin. Pero hinarang ako ng sasakyan ni mama. Sinakay nila ako doon. Binugbog ko yung mga bodyguard, lahat ginawa ko para makawala. Pero walang nangyari.

Galit na galit ako dahil sa mga oras na yun, DAHIL WALA AKONG NAGAWA PARA MAGKITA KAMI. Ni paalam wala, no texts, no calls, no e-mails. Wala talaga lahat. Lahat ng gadgets ko kinuha ni mama para di ako makapagcommunicate sa kanya, kahit nga ang magsulat man lang ay bawal.

Alam kong mali pero galit na galit ako sa kanya. Anong karapatan niya para ilayo ako sa babaeng pinakamamahal ko? Noon pa lang tutol na siya sa amin pero hindi ko yun pinapahalata kay Chi. Gusto ko masaya lang kami sa araw araw na magkasama kami.

Naghihintay lang ako ng magandang tsempo para balikan ka. Chi, intayin mo ko. Pangako, babalik ako. Babalikan kita. 

Ngayon, nandito ako sa kwarto ko. Nag iisip ako ng magandang paraan para makatakas na dito o kaya kahit makapag usap man lang sa kanya.

Ah, itetext ko na lang siya. Sana naman hindi siya busy. 

CHI'S POV

*too toot too toot*

Nakauwi na nga pala ako, nandito ako ngayon sa kwarto ko. Wala pa si kuya.

1 new message: Joseph <3

--

Nanlaki ang mga mata ko. O___________O

Teka nga. Bulag ba ko o ano? Totoo ba 'to? Si Joseph? *kusot mata* TOTOO NGA! TINEXT AKO NI JOSEPH! 

Chi, sana hindi ka na galit sa akin. Sana napatawad mo na ko. Pangako, babalikan kita. Naghihintay lang ako ng magandang tsempo sa ngayon. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam man lang sayo. Balita ko, close na kayo ni Carl? Mabuti naman kung ganon. Makakatulong siya sa atin para makapag usap tayo. Miss na miss na miss na kita. Nga pala, Chi, may hihilingin lang sana ako sayo. Huwag kang magmamahal ng iba. Dahil hanggang ngayon, ikaw pa rin ang mahal ko. Yung babaeng pinangakuan ko na papakasalan ko sa tamang panahon. Mahal na mahal na mahal na mahal pa din kita Chi. I promise you that I'll be back. Iloveyou.

--

Di ko mapigilan yung luha ko. Bigla na lang tumulo. Umiiyak na lang ako ngayon sa mga nabasa ko. Nasa panganib ba siya? Bakit ganito? Bakit kailangan niya pa kasing mahiwalay sakin? Anong dahilan? 

Huwag kang magmamahal ng iba. Dahil hanggang ngayon, ikaw pa rin ang mahal ko. Yung babaeng pinangakuan ko na papakasalan ko sa tamang panahon. Mahal na mahal na mahal na mahal pa din kita Chi.

Oo, kung anuman yang dahilan mo tatanggapin ko. Iintayin kita. Naniniwala naman ako sa sinasabi mo dahil kilala kita. Marunong kang tumupad ng pangako maliban na nga lang noong anniversary natin pero. . . hindi na yun mahalaga. Basta ang alam ko ngayon, babalik ka. Babalikan mo ko. Iloveyou Joseph. Mahal na mahal kita. <3

--

Hey! Kamusta naman ito? Okay lang? Haha. Sana magtuloy tuloy kayo sa pagbabasa. T_______T Please leave comments para alam ko naman mga reaksyon niyo. Pleaseeee? Thanks for reading by the way. HAPPY 100+ reads sa Willing to wait! :bd

Willing to WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon