Para po kay Bespren ulit. ^______^ Ayan ha, mahaba haba na yan. HAHA. :))
--
CARL'S POV
Nandito ko sa tapat ng bahay nila Miguel. Magpapanggap na muna akong walang alam.
*Dingdong
"Oh pre, ikaw pala. Bakit ka nandito?"
"Aminin mo nga sakin, ikaw ba yung Miguel kanina?"
"Anong Miguel?"
"Yung kasama ni Chi."
"Hindi. Di ko nga yun kilala e."
"Talaga lang ah. Umamin ka na bago pa kita magulpi."
"Hindi ako takot sa panggugulpi mo pero sige aamin ako. Oo. Bakit? Gusto ko siya e."
"ANO?!"
"Gusto ko. May magagawa ka ba?"
"Damn! Gago ka talaga e noh!"
"Tapos?" Hinigit ko ang kwelyo niya, "Huwag mong subukan. Mamingwit ka ng ibang babae huwag lang siya. Magpakalalaki ka nga pre."
Pagkatapos nun umalis na ko. Bakit ba napakagago nun? Dami daming babae dyan. Hmm, mabuti pa. Tawagan ko na lang si Jo.
The number you dial cannot be reached.
Paulit ulit 'to. Psh, kung kelan naman kailangan tsaka pa di matawagan. Talaga nga naman!
--
MIGUEL'S POV
Damn! Ano yung sinabi ko kanina?
GUSTO KO SIYA? Huh? Bakit ba lumabas sa bibig ko yun? E hindi naman totoo.
Ah, tama. Palusot ko lang yun. Palusot! Aish!
CHI'S POV
1 new message: CarlBugok
Hoy. Huwag ka ng lalapit sa Miguel na yun. Maliwanag?
To: CarlBugok
And why? Mabait naman siya e.
1 new message: CarlBugok
Hindi mo siya tunay na kilala. Maniwala ka sakin.
To: CarlBugok
Cge na lang.
--
Aba. Di na nagreply ang loko? Psh. Bahala nga siya dyan. Oo nga, di ko naman siya masyadong kilala pero mabait naman siya kahit papano. Bakit ba ko pinapalayo nun kay Miguel? Haist. Basta, friend ko na siya!
--
1 and a half months na kaming magkaibigan ni Miguel. Nakakatuwa naman siya. ^_____^ Parang nakakalimutan ko na si Joseph dahil sa kanya pero. . . Aish! Hindi ko alam! Naiinip na kasi ako sa kahihintay. . . E ang kaso. . . Ugh. Di ko na alam ang gagawin! Nagtapat na din kasi siya na gusto niya daw ako. Tapos yun namang si Pareng Bugok, pumunta daw ng States. May aasikasuhin lang. Aba malay ko naman kung ano. Kaya eto, miss na miss na siya ni Jen.
JOSEPH'S POV
"Goodevening sir."
"Yeah, goodevening. Where's Joseph?"
"Upstairs sir."
"Thanks."
--
BINABASA MO ANG
Willing to Wait
Teen FictionTungkol sa babaeng matagal ng naghihintay sa boyfriend niyang bigla biglang nagdisappear ng hindi niya man lang alam ang tunay na dahilan. Eh ang kaso, hanggang saan ang kaya niya para maghintay? Is she willing to wait for her love?