--
Chapter 24
Joseph's POV
I have no choice kung hindi maghanap ng trabaho dito. Ayoko dun sa business namin. Wala man lang akong magiging effort dun dahil sigurado malaki naman ang perang makukuha ko. Tiuruan ako ni Chi maging ganito. Yung huwag umasa sa iba.
Matutong magsumikap at tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi ko lang siya basta girlfriend. Bestfriend ko din siya. At siya din ang gusto kong mapangasawa. Alam ko namang pagkatapos lahat ng bagay na ito ay magiging maayos na din kami.
Matagal tagal na rin akong wala sa Pinas at namimiss ko na talaga ang kaisa isang babaeng mahal ko.
Kamusta na kaya siya? Alam ko namang malakas siya pero ayoko naman sana talagang umalis sa tabi niya pero nasasaktan na siya eh at mas masakit sa akin yun. Ayoko siyang makuha ng iba.
Madalas niya akong tawagan pero hindi ko sinasagot dahil alam kong hindi ko siya matitiis at agad na naman akong babalik sa Pilipinas at pagkatapos ay aawayin na naman siya ng nanay ko.
Ako na lang ang masaktan. Huwag na siya.
*
Philippines; 9pm.
Nakahiga lang ako sa kama ko habang tinititigan ang cellphone ko. Wallpaper ko yung kaming dalawa ni Joseph na puro mga icing ang mukha at naka wacky pa kami. Birthday ko pa ito lastyear. Cute na cute kasi ako sa kanya dito.
Sinabi ko kay kuya ang problema at agad naman siyang nakinig. Sabi niya huwag na daw akong sumunod at baka mapahamak pa ako.
Hindi siya galit kay Jo for the first time yata 'to. Alam daw niya kasing ginawa lang iyon ni Joseph para maprotektahan ako laban sa nanay niya.
Naiintindihan niya daw yun.
Wow. Iisa talaga ang takbo ng mga utak ng mga lalaki.
I always try na tawagan siya pero palagi naman siyang hindi sumasagot. Kahit magkanda ubos ubos na ang load ko eh ayos lang. Marinig ko lang ang boses niya, masaya na ako.
Sabi pa ni kuya, ang totoong pagmamahal daw ay nakakapaghintay. Kagaya ko nga daw dati. Kahit akalain na niyang mababaliw na ako eh sa awa ng Diyos, hindi pa din naman ako tuluyang natuliling.
Nakaya ko daw maghintay ng tatlong taon kaya sigurado siya na ngayon ay makakaya ko ulit yon. Kahit in bad terms sila nung una, inamin naman sa akin ni kuya na talagang kitang kita niya ang senseridad at pagmamahal sa akin ni Joseph base sa mga mata nito.
Ang true love ay hindi minamadali.
Ibig sabihin lang nito ay alam ni Mr. Kupido na may darating na sakuna kaya hinahayaan niya muna iyong mauna bago uli sumilip ang bahaghari sa buhay natin.
Ngayon, magfofocus na lamang ako sa mga kaibigan ko at patuloy pa rin siyang hihintayin.
Tapos ko na nga pala yung parang diary na naging scrapbook na dahil sa mga pinagdididikit ko. Gusto ko na sanang ibigay eh kaso wala naman siya sa tabi ko. :((
--
After 4 years. . . :>
--
"Goodmorning Maam Chinna."
"Hi, goodmorning." I answered with a smile.
"Goodmorning Maam! Kape po?"
"Sure. Thanks!"
Kung nagtataka kayo, hehe. Boss na ako sa dito sa kompanya namin ng mga Angeles. Sa uncle ko ito kaya naman pinamana niya na sa akin tutal angkop din naman daw dito ang course na natapos ko.

BINABASA MO ANG
Willing to Wait
Fiksi RemajaTungkol sa babaeng matagal ng naghihintay sa boyfriend niyang bigla biglang nagdisappear ng hindi niya man lang alam ang tunay na dahilan. Eh ang kaso, hanggang saan ang kaya niya para maghintay? Is she willing to wait for her love?