Chapter four

105 4 4
                                    

Walang bago sa buhay. Ay wait, may bago pala. Di ko na daw nasasambit ang pangalan ng bwisit na yon sabi ni kuya at ni manang. Kasi every morning e, pumupunta sa kwarto ko para bantayan kung sinasabi ko pa din yun. Maliban kasi kila Jen at Lala, sila ang nakakaalam ng PAST love story namin ni Joseph. At botong boto din sila para mag move on na ako.

FLASHBACK 3 YRS AGO.

Umuwi ako ng bahay namin na umiiyak, walang kabuhay buhay ang itsura. Feeling ko nga mababaliw ako nun. Anniversary namin ng araw na yun, pero yun din yung araw na hindi niya ko sinipot. Naghintay ako. Umulan na't lahat walang Joseph na lumantad sa harap ko. Walang text, walang tawag, WALA LAHAT. Hindi ko alam nun ang gagawin ko. Araw araw bumabalik ako sa lugar na yun nagbabaka sakaling nandun siya, baka nalate lang o di kaya busy. 

"CHI! BAKIT BASANG BASA KA NG ULAN? ANONG NANGYARI SAYO?"

"Wala 'to kuya. Papahinga na ko."

"CHI! SABIHIN MO NGA SAKIN, NASAAN YUNG JOSEPH NA YUN HA? NASAN?" Galit na galit na ang tono ng kuya ko. Mangiyak ngiyak na ko ng mga oras na yun. "CHI SABI--"

"HINDI NIYA KO SINIPOT! INIWAN NIYA NA KO! HINDI KO ALAM KUNG NASAN SIYA, DI KO ALAM KUNG SAN SIYA PUMUNTA, DI NIYA RIN MAGAWANG MAGTEXT, TUMAWAG O KAHIT ANO PA. BAKA MAY IBA NA SIYA! KUYA. . ."

Naramdaman kong niyakap na lang ako ng kuya ko nun. Umiiyak na ko, hindi ko na kaya. "Chi, tahan na. Shhh. Shhh."

"Kuya, ano bang nagawa ko?" Utal utal pa ko nyan dahil sa pag iyak.

"Huwag mo ng kwestyunin ang sarili mo, siya ang may mali. Pabayaan mo na siya Chi. Huwag mo na lang siyang iisipin. Ibaling mo na lang ang atensyon mo sa mga bagay na magpapasaya sayo. Nandito lang ang kuya. . . Tahan na."

END FLASHBACK

Ganyan kasakit yung ginawa niya sakin. Haaay. Aaminin ko masakit pa din sakin pero medyo naghihilom na ang sugat. Lagi lang akong nag iisip ng mga magagandang bagay ngayon at naglilibang.

"Goodmorning manang! Si kuya po?"

"Ay Chi, umalis na kanina pa. Hindi ka na daw niya ginising at mukha daw kasing NANANAGINIP ka at hindi NABABANGUNGOT. Hehehe." ^________^

May pagkabitter pa din talaga yun hanggang ngayon e noh. Haha. Talagang bangungot ang term niya pag nasasabi ko yung pangalan niya. Pero kahit ganun yun, laking pasasalamat ko at naging kuya ko siya. Nakakatawa kaya makasama yun. Haha. 

Pagkatapos kong kumain ng almusal, naligo na ko, nag ayos at nagbihis. Tapos nagpaalam akong pupunta lang kila Jen. Pumayag naman si manang.

Naglalakad lakad ako tapos natatanaw ko sa gate nila Jen na may lalaki. Sino yun? Psh. Nevermind. Dire diretso lang ako hanggang sa katabi ko na yung lalaki sa gate.

"Umm. Hi kuyang matangkad. ^_____^"

"Hello."

SUPLADO! -____-

Pagkalabas ni Jen. . .

"HI BRUHA/JEN." Nagkasabay pa kami magsalita ha? Echos netong kuya na 'to, sino ba 'to? Nakikiepal. -______-

"CHIIIIII! ^_____^ Sino yang kasa--"

O________O 

"CARL?!"

Wait. . . CARL? CARL BA TALAGA KAMO? *titig kay kuyang matangkad mula ulo hanggang paa*

O________O SI CARL NGA!

Siya lang naman yung manlolokong nobyo NOON ni Jen. Psh. Bakit pa siya bumalik dito? Humarang na lang ako sa gitna nila dahil baka magulpit 'to ni bestfriend e.

Willing to WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon