JEN'S POV
"Ui Chi, kain na daw."
Nandito ako ngayon sa bahay nila. Pinapunta ako ni Kuya Clarence para naman daw maging okay si Chi kahit papaano. Si Lala, on the way na. Hay. Naaawa na ko sa kaibigan ko. Bakit kailangan pa 'tong mangyari?
Hindi ba pwedeng lagi na lang siya masaya?
Bakit kailangang ganito pa? Sasaya tapos lulungkot, sasaya tapos lulungkot ulit.
Ang hirap ng kalagayan niya.
"Kuya Clars, aakyat lang po ako sa kwarto niya ah?"
"Sige Jen. Sana mapapayag mo na siyang kumain." Bakas din sa mukha niya ang lungkot dahil nakikita niyang nahihirapan na naman ang kapatid niya. Para na rin kasi siya ang tumatayong magulang para sa kanya kasi lagi namang wala ang magulang nila.
--
*knock knock*
"Chi?"
Walang sumasagot. *knock knock*
"Bes papasok na ko ah."
Binuksan ko na ang pinto.
Nadatnan ko siyang nasa isang sulok. Nakapatong ang ulo niya sa dalawa niyang tuhod.
Lumapit ako at naupo din sa gilid niya. Naririnig ko siyang nagsasalita.
"Joseph."
"Joseph. Bakit mo ko iniwan?"
"Bakit sumama ka sa kanila?"
"Akala ko ba mahal mo ko?"
"Akala ko di mo na ko iiwan?"
Tapos umiyak siya. Niyakap ko siya kahit ganoon ang posisyon niya. "Chi huwag ka ng umiyak. May dahilan si Joseph kaya niya yun nagawa."
"Ano? Anong dahilan niya Jen? Ano?" This time umayos siya ng upo at yumakap na din sa akin.
"Malay mo ayaw ka niyang nasasaktan kaya niya yun nagawa."
"Pero. . *huk* mas lalo akong nasasaktan kapag wala siya sa akin. Mas lalo kong hindi kaya ang lumaban. *huk*"
"Tandaan mo 'to. Alam kong mahal ka niya. Hindi ka niya babalikan kung wala na siyang paki sayo. Alam kong matatag siyang tao at mas nanaisin pa niyang siya na lang ang masaktan at malayo sayo huwag lang ikaw."
"Pero. . ."
"Isipin na lang natin na ginawa niya yun sa ikabubuti ng lahat. Para sa ikabubuti ng sitwasyon diba?"
Napatigil na siya sa pag iyak. Isang buwan na din ang lumipas magmula ng araw na yun. Kinwento sa akin ni Carl ang nangyari. Lahat kami nag aalala talaga sa kanya.
--
"Cheer up na Chinna. Nandito lang kami." Todo cheer 'tong si Lala ngayon sa dining table. Kumakain na kasi kami at dumating na siya. Napapangiti naman kahit kaunti si Chi.
Sana magtuloy tuloy na 'to.
"Jen, pwede niyo bang samahan si Chi sa mall? Para naman malibang libang na siya. Ang dami ko na kasing absent sa office."
Oo, madalas mag absent yang si Kuya Clars para mabantayan niya ang kapatid niya. "Oo naman kuya. No prob." :)
"Tama! Gusto ko na din magshopping e. Hihihi."
Si Lala talaga! Hay.
--
Sa mall.
Si Chi, bumili ng isang notebook. Kabit kabit na heart ang design. Parang journal notebook ba.
"Bes, aanhin mo yan?"
"Wala lang. ^_^"
"Ayieee! Siguro diary noh?"
"Hehe. Parang ganun na nga Lala."
Ngayon ko lang nalaman na nagdadiary pala siya?
Well mabuti na lang din yun.
Para doon niya naibubuhos yung mga gusto niyang sabihin pag wala kami.
:)
Kung saan saan kami pumunta. Feeling ko sumasaya naman na siya.
Habang naglalakad kami di ko maiwasang hindi magtanong. Si Lala kasi pumunta sa Dairy Queen. Maliban kasi sa Starbucks yun ang isa pa naming paborito.
"Um, Bes? Pwedeng magtanong?"
"Oo naman. Ano yun?"
"Bakit sumasaya ka na? I mean, hindi ko naman gustong hindi ka maging masaya pero nagtataka lang ako. Hehe."
". . . . ."
Silence? Wrong question yata ako. =.=
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
^_________^ "Hindi kasi ako nawawalan ng pag asa, Jen. Alam kong ngayon maaaring wala si Joseph sa tabi ko.
Pero malay natin? Bukas, sa makalawa, next week, next month, next year bumalik na siya uli sa akin. ^_____^
Maghihintay ako Bes. :) Hihintayin ko siya. Alam kong babalik siya. Hindi niya ko iiwan."
Nagulat ako sa sinabi niya but at the same time, humahanga ako. Humahanga ako kasi kaya niyang maghintay. Hindi siya nawawalan ng pag asa.
Bilib ako dahil ang tatag ng loob niya.
Sana nga ay makaya niya ang lahat.
Well naniniwala din naman ako e. Babalik si Joseph para sa kanya. Hindi siya basta basta susuko ng ganun ganun lang. I trust him. Kailangan ko din kasing maging matatag para sa Bestfriend ko.
--
Nakauwi na kami. Hinatid muna namin si Chi pauwi sa kanila.
--
CHI'S POV
Nagiging masaya na din ako kahit papaano. Hehe. Basta't alam kong kailangan ko lang magtiwala.
Pinapangako ko na pupunuin ko 'tong diary na 'to ng lahat ng mga alaala na gusto kong malaman ni Joseph habang wala siya sa tabi ko.
Ibibigay ko 'to sa kanya pag handa na akong BUMITAW para hindi ko naman siya maiiwanang mag isa.
--
Note: Hiii! Vote comment and be a fan. :D

BINABASA MO ANG
Willing to Wait
Novela JuvenilTungkol sa babaeng matagal ng naghihintay sa boyfriend niyang bigla biglang nagdisappear ng hindi niya man lang alam ang tunay na dahilan. Eh ang kaso, hanggang saan ang kaya niya para maghintay? Is she willing to wait for her love?