Chapter three

92 4 1
                                    

"Ahaaaaay! Goodmorning to myself!"

Naglakad ako papunta sa aking mahiwagang salamin, "Oh ano? Nabanggit ko ba yung pangalan ng bwisit na nilalang na yun? HINDI NOH! Yeeeeeees!"

Masayang masaya kong bumababa ng hagdan, at isang napakalapad na ngiti ang binigay sakin ni kuya.

^_______________^

"Congrats 'tol!"

What? Matagal naman na kong graduated e. Bakit ngayon nila ko kino-congrats?

"Hindi mo nabanggit. Inaabangan nga kita kanina e. Haha."

"Talaga kuya? Hihihihi!"

"Pagpatuloy mo yan."

"Naman!"

Naupo na ko at kumain na kami ni kuya habang nagkukwentuhan sa kabaliwan naming ginawa kagabi. . Hahaha. Nakakatawa talaga siya, promise. Parang yung mga tambay lang sa kanto e.

"My My My, Delilah!" 

"Hahaha! Bugok, MY WAY DA BEST!"

"Che! Bed of roses kaya!" Kinanta ko din kasi yun kagabi. Ahahaha. Panglasing talaga e.

"Top of the world kaya! Hahaha!"

"Hahaha. Hindi! Yung mga kinanta ko pa din ang dabest noh!"

--

Natapos kaming kumain na nagtatalo ng ganun. Haha. San ka pa? Ganun talaga ang mag utol relationship. 

Umakyat na ko at humilata na naman habang nagtetext kasi wala si kuya. Busy magtrabaho. Psh. Pero pag may time yun sakin, gumagala kami sa mall. ^^

*too toot too toot*

1 new message: Lala

Chi, gala tayo nila Jen.

*End of message

To: Lala

Tinatamad ako e. Sa ibang araw na lang. 

1 new message: Lala

Ehhhh. Cge na, pleaaase?

To: Lala

Ocge na. Kita na lang sa mall.

1 new message: Lala

Thanks girl! Gegeh.

--

Ayun, nandito na kami. Waaaah. Tama din pala na sumama ako, di ako nabobored. ^^

Nag starbucks kami. Well syempre si Lala na may lovelife. Di talaga nababago yung pinapalagay niyang pangalan e. 

LALALOVE

May lovelife kasi yang bruha na yan kaya ganyan. Haha. Infairness ang tagal na din nila ni Luis. Hehe. 

Kami ni Jen, simpleng name lang namin.

Ayan, picture picture lang kami. Punta sa department store, sa National, at kung saan saan pa hanggang sa nagdecide na din kami umuwi.

--

7PM ako nakauwi samin at feeling ko pagod na pagod ako kahit hindi naman masyado kaya dire diretso ako sa sofa at nahiga.

Tapos nakatulog na din pala ako dun kasi nagising akong nandyan na ang sunshine! 

Haaay. Sana magtuloy tuloy na ang tahimik kong buhay ngayon. Yung tipong wala na akong iniindang sakit sa tuwing magigising at nag iisa ako.

Fight Chi! :D Huwag ka mag alala, isang araw magigising ka din na may mga ngiti sa labi mo dahil may BAGO NG NAGPAPASAYA SAYO. :) 

Willing to WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon