Chapter twenty one

54 4 0
                                    

Dear Joseph,

Hiii! Alam mo ba kagigising ko lang ngayon. Hehe. Eto agad ang inatupag ko. Kamusta ka na kaya? Text mo naman ako o kaya tawag man lang. Namimiss na kita e. I love you, Jo. :)

- Chi

--

Umaga na pala. Nakatulog na din ako kagabi. Etong pagsusulat agad ang inatupag ko. I promise na pupunuin ko 'to para sa kanya.

Sana matuwa siya kapag nabasa niya ang mga sinulat ko dito.

Sana bago ko maisulat ang huli kong gustong sabihin sa kanya dito sa diary e nandito na siya. Gusto kong makita niya akong malakas sa tuwing nagsusulat ako. Ayokong makita niya ang kahinaan ko dahil wala siya sa tabi ko. I need to stay strong for him. Kailangan ko siyang hintayin. Magsasama pa kami hanggang sa huli.

*knock knock* "Chi? Kain na."

"Opo manang. Bababa na po."

Tinago ko muna sa drawer yung diary ko. Naligo muna ako at nag ayos tapos bumaba na din at kumain.

Wala na agad si Kuya Clars? Psh. Hardworking talaga yun.

-___-

Wala akong ginawa buong maghapon kundi kumain, computer, tulog, sulat sa diary at soundtrip.

May pinuntahan kasi si Lalalove kasama daw ang kanyang mother dear. Si Jen naman may date daw. Wala tuloy akong kasama dito o kaya sa mall man lang. Pero okay lang din naman.

Si Miguel tinext ako na pupunta daw siya dito pero sabi ko huwag na lang. Bakit? Ewan ko din e. Gusto ko muna ay sila Jen ang makakwentuhan ko. Baka naman kasi hindi makarelate si Miguel pag puro kay Joseph ang kinwento ko. I mean, mas okay kasi kapag girls ang pinagsasabihan ng mga ganung problema.

--

Gabi na ngayon.

I decided na kumanta. We have magic sing naman e. So ayun, ang napili ko ay, hmmm. . .

Thousand Years.

I don't know why pero trip ko siyang kantahin. Buti nga at mayroon nito dito e. Favorite ko din kasi 'to.

Kanta ko ng kanta.

"I have died everyday waiting for you, darling don't be afraid I have loved you for a THOUSAND YEARS,

Love you for a THOUSAND MORE."

Suddenly, I felt my tears.

I'm crying.

Nagulat ako. Masyado ko na yatang dinamdam ang pagkanta. Siguro dahil may nararamdaman din ako.

Tapos may humawak sa ulo ko, yung isang kamay ba.

"Tahan na 'tol. Sabi naman sayo nung bumalik siya uli sayo, hindi ako boto. Pero dahil alam kong yun ang ikasasaya mo, pinagbigyan kita. Pero ano? Nasaan na naman siya? Iniwan ka na naman? Hanggang kailan niya uulit uliting gawin yan sayo 'tol? HANGGANG KAILAN KAY IIYAK? He doesn't deserve your tears."

"Kuya?"

Napalingon kasi ako sa kanya. "Huwag ka na ngang umiyak. Hindi siya karapat dapat iyakan. Akala ko pa naman tunay siyang lalaki, hindi pala. Look for someone who's willing to love you FOREVER 'tol. Tumahan ka na at matulog na. Inaantok na ako ah? Goodnight."

Mahal naman niya ko e.

I know he loves me.

Hindi siya tumitigil gawin yun. And ganun din ako. I will love him, FOREVER.

Pero. . .

FOREVER din niya kayang gagawin sa akin yun? O di kaya, dumating na yung araw na tumigil na siya?

Eto na ba yun?

Talaga bang wala ng pag asa?

T_____T

--

Hiii,

Tama kaya yung kuya ko? Hindi mo na ko mahal? Tumigil ka na? Pero. . . Bakit ngayon pa? Bakit hindi mo na kaya na pang habang buhay? I didn't stop waiting for you and I won't. Basta't alam kong nandyan ka pa, maghihintay ako. I know this may sound martyr but I just love you. Sana nga hindi magkatotoo yung mga pinagsasabi ng kuya ko kanina. Sige Seph, tutulog na ako. Hehe.

- Chi

#ILOVEYOUFORATHOUSANDYEARS

--

JOSEPH'S POV

Nalulungkot ako. Sariwa pa din sa akin ang lahat ng mga kagaguhang ginawa ko sayo.

Sana hindi ka sumuko.

Sana maramdaman mong nandito pa din ako.

Oo, lagi kitang pinaghihintay so I wanna say sorry.

Gusto ko lang na maging tahimik na ang buhay mo kaya ko 'to ginawa.

I hope you understand me.

I love you so much, Chi. I love you.

And I'll love you, FOREVER.

--

Note: Ang next chapter ay about pa din sa POV ni Joseph. Nagpumilit lang ako mag update dahil gusto ko kaya ganito lang. Babawi ako. Thanks!

Willing to WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon