CHAPTER 3 ( ANG PAGBABAGO )

574 18 0
                                    



CHAPTER

Nagsimula na ang bagong yugto ng buhay ko sa kompanya na aking pinag tatrabahuhan sa Korea. Ito na ang bagong simula ng pangarap ko, heto na ang simula ang pagbangon ko mula sa paglubog ng aking puso, at ito ang magiging daan para makalimutan ko na lahat-lahat ng aking pinagdaanan sa aking pinanggalingan. Ayaw ko ng balikan ang masalimoot kong nakaraan, ayaw ko ng balikan ang multo ng aking nakalipas, ayaw ko ng balikan yung panahon kung paano nila ako kutyain, paano nila ako husgahan ng basta-basta nalang, kung paano nila ako pag tulakan ng ganern ganern nalang, at higit sa lahat kung paano nila ako talikuran. Tama nga ang sabi nila na kapag panget ka, kawawa ka, kapag magadan at gwapo ka, bida ka sa paningin nila. Kelan kaya magbabago ang pagtingin ng mga tao sa kagaya namin ni otor na panget, este sa kagaya kong panget. Yung hinahanap yung presence mo, yung hinahanap ka kahit ilang minuto ka lang nawala, yung pinapahalagahan ka kahit hindi ka naman mukhang kayamanan. Yung tipong kahit walang kwentang post lang sa facebook ay dadagsain ka na ng likes at puso, yung oras-oras may mag cha-chat sayo at magpapaalala sa yo, yung feeling na may ten thousand followers ka sa facebook, instagram at twitter, charot! Naaawa nga ako minsan sa wall ko dahil tatlong tao lang palagi ang nag la-like. Kung hindi si itay ay yung dalawang friends ko noong kinder pa ako. Sa panahon kase ngayon, mukha na ang basehan ng lahat, katawan na ang magsasabi kung kaibig-ibig ka ba sa kanila. Hirap maging panget mga bes no? mabuti kayo at hindi nyo naranasan ang maging katulad ko! kung may choice nga lang ako mga bes ehh, nung binubuo palang ako ng itay sa ovary ng inay ko edi sana, nagbigti na ako sa habang sperm palang si ako, charot!

Mga beshie move on na tayo, erase na natin yung bad side ng life ko dahil hindi naman yun nakakatulong sa pag unlad ng buhay ko, charot! Tungo na tayo sa life ko here in Korea.

Maliit lang na printing agency ang aking pinag ta-trabahuhan mga beshie pero de kaledad ang mga gawa nila dito. It's a small building pero wag nyong ismolin tong kompanyang 'to dahil limousine lang namang ang ginagawang service nila sa lahat ng mga empleyado, at may free meals pa, san ka pa di ba? Ayun kay sir Peter ay last year ay pumatok ang kanilang travel magazine about sa mga bansa sa Africa, at sa bansang Korea. Dagdag pa ni sir Peter sa akin ay hamon sa kanila ngayon ang maglabas ng bagong travel magazine about sa asia region kaya nag hire sila ng Filipino writter para maging bahagi ng kanilang kompanya. Sinabi ko nga kay sir Peter na bakit hindi nalang sya ang mag sulat gayong Pinoy naman sya, pero he said naisip nya din yun noon pa, but hindi na nya alam kung ano ang mga sikat na destination sa Pilipinas at this moment. Dagdag nya pa sa akin, ay hindi lang about sa beautiful sceneries sa Pinas ang isusulat sa nagazine kundi sa Filipino culture, history and traits. Dahil sa ginalingan ko daw masyado sa pag sagot sa online interview ay ako kaagad ang napili nila.

Pinakilala na rin ni sir Peter sa akin ang kanyang asawa at anak. Maganda ang kanyang asawa at muntikan ko ng mapagkamalang artista dahil sa kay kinis ng bilat este ng balat pala at kay puti ang kanyang kutis na kasing puti ng uling, este nyebe. At ang mga anak nya naman ay kay cu-cute, ang sarap nga nilang iuwe sa apartment at talian, charot lang.

Mabait naman ang asawa ni sir Peter sa akin, marunong din naman syang mag tagalog pero pang Korea ang kanyang punto. May sense of humor din sya pero masama syang patawanin mga bes, nang hahampas kase, kaya nong minsang nagtatawanan kaming dalawa ay hinampas nya ako sa aking braso, dahil sa inis ko mga bes hinampas ko din sya sa kanyang mukha, chos lang!

Sa unang araw ko sa work ko ay nanibago pa ako ng kaunti dahil puro Korean letters ang nakikita ko sa monitor at maging sa key board. Dahil sa nag request ako kay sir Peter na kung pwede english nalang ang font ng computer na gagamitin ko ay ginawa nya naman yun, alphabetical pa nga ang mga letters sa keyboard ehh, charot lang.

Ang Saya Maging Maganda (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon