CHAPTER 42 (THE FIGHT SCENE)

396 10 0
                                    



Chapter 42



APRIL/ VICTORINA POV


Yes i'm back, the beautiful woman in the world is alive! Ahahaha. Nagbabalik ang nag-iisa at walang katulad na maganda sa buong san sinukob. Kung akala ni Charmel ay matsu-tsugi nya ako ng ganern ganern nalang pwes nagkakamali sya, dahil ang isang katuald ko ay kailanman ay hindi mapapataob nino man. Maybe its notmy time to die, and maybe those things that have been happened to me, is destined to be occur. May mga bagay talaga na hindi tayo pinapabayaan ni God, o hindi hinahayaan ni God na may mangyare sa atin dahil sa may misyon pa tayo na dapat tapusin.

Nagpakilala na ako kay Terence na ako si Shyna Abdulaman, akala ko nga mga bes ay magagalit ang lolomo dahil in the second time ay nag panggap na naman ako. pero I was shocked when he said he's mad at me no more. Dagdag nya pa ay suportado nya itong ginagawa kong pag papanggap para mas lalong kabahan si Charmel.

Sa muli naming pagkikita ni Terrence ay aking ibinahagi sa kanya ang kwento kung paano ako nabuhay at kung paano ako naging Shyna Abdulaman. Sinabi ko rin sa kanya ang mga plano ko, at ang paraan ko para matsugi si Charmel, not to let her die but to let her bulok to the bilangguan.

Sinabi ko rin kay Terrence na wag na wag nya munang babanggitin ang nalaman nya sa daddy Arnaldo ko at kay itay Juancho nya dahil for sure ay magkukumahog ang mga yun na puntahan ako para makita lang ako, at baka matunugan ni Charmel na buhay pa ako baka takasan nya lang ako at hindi ako nakaganti.

Well mga bes, hindi ako gaganti sa kanya dahil sa ginawa nya sa akin, kundi gagantihan ko sya dahil sa ginawa nya sa aming lahat. Ipaparanas ko sa kanya ang pait at hirap na pinadanas nya sa akin noon. Huh!!! lintik lang ang walang ganti. Kung matalino sya para paglaruan ako, pwes mas magaling ako para talunin sya. humanda sya sa muli naming pagtatapat dahil sisiguraduhin kong mababahag ang buntot nya.




Three days after ng pagkikita namin ni Terrence.



Nakibalita na rin ako kay Terrence about sa kaso ni Charmel, at anya ang isang kaso ni Charmel ay kanilang pinapaimbistigahan dahil sa parang may anomalya raw na nagaganap. Parang pinapanigan ng hukom ang panig ni Charmel. May mga nakalap na rin silang inpormasyon tungkol sa judge na nakikipag kita kay Santiago na CEO ng the Manuscript. Kumuha raw sya ng private investigtor para sundan ang judge, si Charmel at iba pang taong sangkot sa kaso, hanggang sa natuklasan nila ang pagkikita ng judge at ni Santiago. Pero hindi nagtagal ay nag sumbong sila sa NBI at sa mataas na hukoman. Humingi rin sila ng tulong sa bar council at sa Supreme Court para ipasuri ang kanilang nakalap na ebedensya laban sa pakikipag sabwatan ng judge sa kaso nyang hinahawakan. Nakaraang araw daw after the third hearing ay may intrapment operation na ginawa ang NBI at bar council. Hinuli nila ang judge at si Santiago na nakikipag abutan ng pera sa isang coffee shop. Nakuha rin ang iba't ibang klase ng papers, na ang nakasulat ay ang mga documents about sa hearing ng kaso. Agad naman daw na dinala ang judge sa kulungan at aga-agad na nag decide ang bar council at ang Supreme Court na i-dis bar ang husgadong iyun. Samantala si Santiago naman ay nakapag pyansa naman sa kasong kinakaharap nya, ang panunuhol. Hays, iba talaga ang power ng pera, money can make you supreme as a lord of you everlasting kingdom.


After that tragedy ay sunod naman na dininig ang kaso ni Charmel na kidnapping at sexual assault. Yeah may sexual assault na sinampa sa kanya ang kanyang isang tauhan dahil sa minsan daw syang pinagtangkaang galawin ni Charmel. Natawa pa nga ako dahil sa ang lakas ng loob ng tauhan nya na mag sampa ng kaso, lugi pa si kuya sa lagay na yun ah. But mga bes, may bad news ako about sa kaso nyang iyun dahil ba-se sa aking nakalap na information ay pinagbabaril daw ang police mobile na sinasakyan ng testigo laban sa kasong kidnapping at sexual assault at namatay ang mga testigong iyun. Sila sana ang susi at magbubunyag sa mga sekreto sa iba pang kaso na sinampa kay Charmel. Hinadlangan nya ang hustisya, talagang gagawa at gagawa sya ng paraan para lang hindi sya mabulok sa kulungan. Kahit sabihin pa ng mga pulis na NPA ang tumabang sa kabaro nila ay batid ko na si Charmel lamang ang may kagagawan no'n. ba't naman babarilin ng NPA ang police mobile at tanging mga testigo lang ang pinatay pero ang mga pulis ay sugatan lang dahil sa tumakbo daw ang mga police palayo sa mobile para sundan ang mga armadong lalake at testigo lang ang natira. Kaya dahil sa pangyayareng iyun ay nakakuha ng paraan ang mga nang tambang na pasabugin ang buong police mobile.

Ang Saya Maging Maganda (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon