CHAPTER 33 (ANG UNANG SAGUPAAN)

350 14 0
                                    


CHAPTER 33



TERRENCE POV

Ang hirap sa ganitong kalagayan, yung tipong parang wala kang ganang kumilos, yung parang feeling mo may mabigat sa dibdib mo na hindi mo mawari, yung feeling na ang saya-saya ng mundo tapos ako itong parang walang kulay ang mundo, matamlay ang pakiramdam.

Nakatatak parin sa puso ko ang mga binitawang salita ni April sa akin no'ng anniversary ng kompanya namin. ang mga salita na kung paano nya ako pagtabuyan, at baliwalain ang aking nararamdaman sa kanya.

Masakit, dahil sa sya ang mundo ko, pero wala sa akin ang mundo nya. Nasa kanya ang puso ko, pero ang puso nya ay ipinagdadamot nya sa akin. Masakit dahil sa pakiwari ko'y ang hina-hina kong tao, unlike sa tunay kong personality na halos lahat nang gusto ko ay nakukuha ko sa madaling paraan. Ganito pala kasakit ang ma disappoint, yung feeling mo na binabaliwala ang effort mo. Yung mga ginagawa ko dati sa mga tauhan ko ay bumabalik na sa akin ngayon. Karma is real nga naman.

--




Kahapon nag patawag ng meeting ang TDM para sa next na plano namin para sa pictorial, at hindi ako nakapunta. Hindi dahil sa ayaw kong makita si April kundi gusto ko lang munang dumistansya sa kanya. Ayaw ko kase na sa twing magkikita at magkakasama kami ay nangingibabaw ang damdamin ko para sa kanya, mas okay na rin marahil na hindi muna kami magkikita sa ganun ay makapag muni-muni ako at mabawasan ang pagmamahal ko sa kanya.

Oo aaminin kong sa t'wing nagkikita kaming dalawa ay halos sumisigaw nag puso ko sa pagmamahal ko sa kanya, at hindi ko rin maitatanggi na gusto ko syang laging kausap at makita. Ang mga bagay na gusto ko para sa kanya noon, ay hindi ko na magagawa ngayon. marahil distance makes my love fade away.

Sa work ko sa VBL ay mas nag focus ako, ang mga bagay na napabayaan ko noon ay nabigyan ko na ng atensyon. Halos babad ako sa mga paper works ko, sa mga appointment, at madami pang iba. pero may napansin lang akong kakaiba sa company namin dahil tila bibihira na ang lumalapit na mga investors at minsan ay wala na rin talaga akong balita sa mga dati kong kasosyo. Nagpatawag na rin ako ng meeting about this things, and other said na madami na raw ang ka kompetensya namin, at mas magandang oppurtunity ang nabibigay nila sa mga investors. At sa meeting na iyon, ay doon ko nabalitaan na nagsillipatan na sa ibang companya ang ibang investors ko.

"maybe two years from now, kapag hindi natin na kontrol ang pagkawala ng investors natin ay baka mag cause ng company close ang VBL, at baka magkakaroon pa tayo ng utang" turan ng head of staff ko sa meeting namin.

"all of the impossible things ay ginagawa na namin Mr. Terrence, at pilit naming binabalik ang loyalty ng investors natin" dugtong nya.

"how this things was happened?" pagtanong ko sa kanya. At aniya ay hindi nya rin alam kung bakit bigla nalang hindi nagpatuloy ang ibang investors, at ang iba naman ay tinapos lang ang kontrata at saka lumipat sa iba. hindi din nila ma contact ang mga investors na nagsilipatan.

"it's a big problem boss" she said. "kapag hindi natin matutukan 'to sa ngayon, tiyak na malulugi ang kompanya, at kapag nangyare yun magbabayad po tayo ng malaking halaga sa mga perang na invest ng investors, at ang malupit pa po ay baka maibenta na tong VBL"

I thumped my fist on the table. I get mad for what I have heard. How these things happened in a short period of time.

Bago ko i-end ang meeting namin ay nagpautos ako sa lahat ng staff na do their job properly, at i-entertain ng mabuti ang mga paparating na investors sa ganun ay hindi kami mawalan ng trabaho lahat, lalo na itong kompanya.

Ang Saya Maging Maganda (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon