CHAPTER 29 (the Traitor Revealed)

444 9 0
                                    


Chapter 29

APRIL POV

Ito na yata ang isa sa pinaka nakakapagod na araw ko sa tanang buhay ko, dahil lang naman sa halos tatlong oras akong nakababad sa camera, sa ilaw at sa spotlight. Kinakabahan nga ako mga bes kase baka matunaw ang mga plastic at silicon na nakasiksik sa mukha ko, charot lang. Ilang palit din ng damit ang aking ginawa at ilang tapal ng make up ang nilagay sa mukha ko. I feel itchy na nga mga bes ehh, at kabado si ako kase alam nyo na, baka lumabas ang tunay na anyo ko kapag nasubrahan ng make up ang face ko.

Mag-isa lang akong nagpa-picture sa TDM, kase pinatalsik ko na si Terrence, pero charot lang. magazine kase ng TDM newly edition mga bes at ako lang naman ang cover. After nga ng shooting ay ngawit na ngawit ang paa ko, at masakit na ang panga ko sa ka-pouty lips, hays mga bes ang hirap talaga kumita ng pera. Pagkatapos ng shooting ko ay tumungo ako sa hotel room at doon ay humiga ng lubusan. Sinampa ko ang katawan ko sa aking kama habang dinadaing ang pain in my heart, este pain in my body. Panay nga ang reklamo ko kay sir Peter na ang sakit ng katawan ko. Tinuturo ko pa nga sa kanya kung saan ang parteng masakit. Sabi ko sa kanya, masakit ang dito ko, tas dito pa, dito, dito, pero tamaan man ako ng pain mag advil liquigel,charot. Yung tipong nagpaparinig na ako sa kanya na para akong na baldado at ngalay lahat ng katawan ko para naman i-massage nya ako pero wala mga bes, ang manhid nya, subra. Nang di ko na talaga kinaya ang sakit ng katawan ko ay umiyak na ako sa sakit, at ang nyeta tinawanan lang ako. ang arte-aret ko daw umiyak, pababeng iyak daw sabi ni sir Peter. Yung imbis na tulungan nya ako to ease the pain that I felt he used to laugh at me instead. At nakaka insultong tawa pa talaga, yung may kasama pang pag palakpak sabay turo sa mukha ko, at magbulalas ng tawa over load. Kung di lang nga masakit ang katawan ko, binetlugan ko na sya ahh.

Nang nagsawa na si sir Peter sa kakatawa sa akin ay nag patawag sya ng isang masahesta, at maya-maya pa ay dumating din. Nainis pa nga ako mga bes dahil babaeng masahesta ang kinuha nya, gusto ko kase ay lalake, yung mala Piolo Pascual ang datingan at katawan, para after ng masahe ay may o-offer sya ng extra service, charot lang.

--




The pain that I felt in my whole body was gone nang tapos na akong i-masahe ng barbero, ops ng masahesta pala. tinarayan ko pa nga ang masahesta kanina pag pasok nya, aba ehh kung ikaw ba naman siguro sa kalagayan ko mapapa P.I ka nalang sa likod ng iyong utak.

"mag papamasahe po ba ma'am?" tanong sa akin ng masahesta.

Nilingon ko nga sya at pinaikutan ng aking mata sabay sabing, "ay hindi, mag papa bugbog ako, kung trip mo baka gusto mo akong gupitan at linisin ang kuko ko."

Dahil sa pagtataray ko sa kanya ay binatukan ako ni sir Peter, at take note sa harap pa mismo nung babaeng masahesta. Humingi naman ng paumanhin si sir Peter sa babae, anya ay wag na daw ako pansinin dahil ganun daw talaga ako kapag pagod, nagmumukhang zombie na gutom.

-




Naka higa na ako sa kama ko now at nilalasap parin ang sarap ng hagod sa aking katawan. Nakasuot ako ng whote bath robe at panty at bra lang ang suot ko inside, yung panty ko pa ngang suot ay yung may butas sa gitna, chars lang.First time ko kase mag body massage, at ganun pala ka sarap sa pakiramdam kapag pinipisil ang bilat mo, esta ang balat pala. iniisip ko nga na sana si Terrence nalang ang nag mamasahe sa akin, charot lang.

Ang Saya Maging Maganda (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon