CHAPTER 19 ( The Date )

406 10 0
                                    


Chapter 19


TERRENCE POV

Di ko alam kung sino ang kakampihan ko sa dalawa, di ko alam kung saan ako papanig kung kay April ba o kay Trishia.

I read a news about sa kanilang pag sasagupaang dalawa, ang kanilang word war. Actually di ko naman talaga alam na may away palang nabuo sa kanilang dalawa, dahil sa hindi naman sa akin sinabi ni Trishia. Nalaman ko lang ang tungkol sa away nilang dalawa ni April nang ipinakita sa akin ng bago kong secretary ang isang news paper, at headline ang pagtatalo nila April at Trishia.

--


Alas nueve ng umaga at kakaupo ko palang sa loob ng opisina ko nang pumasok ang bago kong secretary sa loob ng office ko. may bitbit syang dyaryo at binigay sa akin yun, anya ay basahin ko daw dahil nasa headline si Trishia, ang fiancee ko.

Tinanggap ko naman ang binigay na dyaryo na binigay sa akin ng secretary ko at syang basa ko do'n. nanlaki nga ang aking mata dahil sa aking nabasa.


TRISHIA AT APRIL NAGPALITAN NG MAANGHANG NA SALITA


"akin lang ang boyfriend ko" quoted by Trishia.

"hindi ko inaagaw ang boyfriend mo, hindi ako desperada para mang agaw ng boyfriend ng iba" April quoted.


Napa buntong hininga ako at syang gulo ko sa buhok ko sabay tayo sa aking kinauupuan. Umaga palang ay na stress na ako.

"lumabas ka muna" utos ko sa secretary ko at syang labas nya naman. Pagkalabas nya sa office ko ay syang pag sipa ko sa paanan ng lamesa ko. naiinis ako, naiinis ako dahil sa laman ng balita si Trishia. Ayaw na ayaw ko pa naman na nadadawit sya sa gulo at iskandalo. Ayaw na ayaw ko din na pinagkakaguluhan sya ng media dahil sa ayaw ko ng gulo.

I took my phone on my table at ni-dial ang number ni Trishia. Sa unang pag ring palang ay sinagot nya na yun kaagad at rinig ko ang kanyang naiiyak na boses.

"babe" iyak nya. "babe... I need your help"

"tungkol ba sa balita tungkol sa inyo ni April?" tanong ko.

"yes" pag tangis nya. "naguguluhan ako babe, puno ng pang ba-bash ang social media accounts ko. parang ayaw ko ng lumabas ng bahay, natatakot ako bak bigla nalang ako batuhin, or worse ay tukhangin ako ng mga galit na fans ni April."

"nasan ka at pupuntahan kita dyan?" tanong ko na syang pag sagot nya na nasa condo nya daw sya.

Sinabihan ko sya na pupuntahan ko sya, then we end our conversation. Mabilis akong lumabas ng office ko at tumungo sa parking area to drive my car.





Pagdating ko sa condo ni Trishia ay kaagad nya akong sinalubong ng yakap, at ako naman ay napahalik ako sa kanyang noo at syang yakap ko din sa kanya.

I asked her ano ang totoong nangyare bakit nagkainskandalo silang dalawa ni April, and she admit that she'd got to Sampaguita resort, where April stays at. Tinanong ko pa sya kung ano ang ginawa nya do'n and she admit na nabasa nya ang text ni April sa phone ko na magkikita kami sa Sampaguita Resort. Dagdag nya pa hindi nya sinabi sa akin ang about sa text, bagkos she erased it. Kaya pala nagmamadali syang lumabas kahapon dahil sa doon sya pupunta.

Ang Saya Maging Maganda (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon