CHAPTER 11

428 14 0
                                    


CHAPTER 11


After ng aming pagkikitang muli mi Terrence ay dumiritso ako ng room namin ni sir Peter. Ayaw kong makaharap si Terrence, dahil sa nawala ang adrinaline sa katawan ko, nawala ang excitement ko sa araw na to dahil sa nalaman kong sya pala ang makakasama ko sa projects ko sa TDM. I didn't expect that it could be happen, ni hindi sumagi sa utak ko na makaka trabaho ko syang muli.

Sa loob ng kwarto ay nagmuni-muni ako sa mga pwedeng maganap sa aming dalawa if ever. Paano ko kaya sya patutunguhan gayong muhing-muhi ako sa kanya sa una, pero kapag matagal na takam na takam, chars lang.

Kanina nang nakita ko sya ay bumalik ang isang pangyayare sa buhay ko, yung araw na kung saan nya ako pinaratangan ng isang kasalanan na hindi ko naman ginawa. Galit at pagkamuhi ang agad na pumasok sa utak ko next ang pag hanga ko sa kanyang kagwapuhan pero charot lang.

"isa kang spoiler, traidor"yan ang script na hinding hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko, na kahit sa kamatayan ko ay madadala ko.

"wag na wag kang aapak sa building na 'to"

Umaapoy na mata at galit na galit na mukha ang syang sumagi sa utak ko. naalala ko kung paano nya ako pagtabuyan at tapakan ang pagkatao ko.

"listen to your words Yna, hahaha, ano yang pinagsasabi mong mahal mo ako? na gusto mo ako? kung inaakala mo na magugustuhan kita pwes nagkakamali ka, dahil kahit kelan hinding hindi ako magkakagusto sa kagaya ng itsura mo"

At sa moment na this ay tumulo ang cute kong luha pababa sa aking magandang mukha.

Ang sakit no'n mga bes, subrang sakit. Ultimong para kang pinalantsa dahil sa sakit na kanyang binitawang salita sa akin no'n. yung parang sinaksak ako ng isang pulgadang kutsilyo dahil walang kasing hapdi ang kanyang sinabi sa akin na kailang man ay hindi sya magkakagusto sa panget na kagaya ko. Pero ngayon, hinding hindi na nya maapakan ang pagkatao ko, hindi na nya mapag ti-tripan at pagdidiskitahan ang kapangetan ko.

"luluhod ka din sa harap ko Terrence" turan ko sabay pahid ng luha ko. "iiyak ka din tulad ng pag-iyak ko dati.."

Maybe may dahilan ang lahat ng to kung bakit kami pinagsama sa iisang proyekto, baka ito na ang chance ko na makapag higanti sa kanya, ito na ang mabilis na paraan para malandi ko sya este matukhang ko sya.

--




Naputol nalang ang aking pagmumuni-muni nang may biglang kumatok sa pinto ng room ko. I stood up from my kama and I walk going to the door. I'd peer in the small hole in the door for me to see if who's outside of it. Then, I instantly open the door when I saw that guy who's knocking on it.

"kanina ka pa namin hinahanap sa labas, dito ka lang pala" turan ni sir Peter sabay pasok nya sa room naming dalawa.

"wala po akong ganang kumain" matipid kong sagot. Agad naman syang lumingon sa akin at syang pag kunot ng kanyang noo.

"bakit? May sakit ka ba?" pag-alala sa akin.

"nawalan lang ng gana sa pagkain, may sakit ka agad?" pag basag ko sa trip nya. "hindi ba pwedeng nawalan lang ako ng gana dahil sa isang mukha na aking nakita sa labas na syang kinamumuhian ko?"

"sino?"

"basta..." pag flip ko ng buhok ko at syang sarado ko ng pinto. Naglakad ako pabalik sa kama at syang upo ko sa ibabaw no'n.

Ang Saya Maging Maganda (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon