CHAPTER 28 (love me but don't own me)

328 12 1
                                    


CHAPTER 28

APRIL POV

Monday morning I decide to go to the church, dahil gusto kong magpatawad kay God sa lahat ng aking nagawang kasalanan, at sa gagawin pa. May mga simbahan kase na kahit Monday or hindi Sunday ay nag me-mesa.

Naka skinny ako na pants at simpling blouse lang ang sinuot ko. simpling make up lang ang nilagay ko sa aking mukha para hindi ako makilala ng mga tao, at kahit papano ay maganda parin ako, charot lang. Hindi ko na ginamit ang car ko dahil gusto ko mag commute, nakaka missed kase mag commute lalo na sa jeep. Yung tipong iniisa-isa mo ang mukha ng mga kasakay mo at pinagdidiskitahan sila back of your mind. Oh di ba ang sama ko? kaya nga ako magsisimba!

Nag abang na ako ng masasakyan kong jeep, at sa pila palang ay lahat nang tao ay nakatingin na sa akin. di ko nga din ba alam sa kanila ba't sila tingin nang tingin na akala mo ay may kulangot na nakadungaw sa ilong ko. Nag try nga akong magsalamin using my phone's screen na baka kung may duming kumalat sa mukha ko, hanggang sa nagpatanto ko na kaya pala sila tingin nang tingin sa akin dahil sa aking kagandahan, chars!

I know na hindi nila ako makikilala dahil sa nag suot ako ng sunglass sa aking mata at iniba ko rin ang ayos ng aking buhok, yung hindi sa literal na ayos like April. I used to fix my hair in a casual way, dahil simbahan ang pupuntahan ko at hindi party.

Nang may dumaan ng jeep ay sumakay na ako, malapit sa may pintuan ako umupo, para pag may nanghold-up ay baba kaagad si ako, chars lang. Umandar na ang jeep at isa-isa ng nag-abot ng bayad ang pasahero. Naalala ko tuloy noon ang aking karanasan sa jeep no'ng chaka pa ako. Kung makatingin sa akin ang mga pasahero noon ay akala nila isa akong terorista, lahat ng wallet at cellphone nila ay tinago nila sa kanilang bulsa at bag. Nakakapikon lang din talaga, yung tipong kapag ako ang katabi nila sa upuan sa jeep o sa bus ay napapatago sila ng gamit nila. Ni ayaw nga nila akong masagi noon. At ayaw nilang dumikit ang kahit anong parte ng katawan ko sa katawan nila.

Bumalik ako sa sarili kong ulirat dahil sa rinig ko ang pag tawag ni manong driver, at kita ko ang mga pasahero na nakatingin sa akin. Turan nya ay wag na raw ako mag bayad dahil sa maganda naman daw ako. Pero ako itong mapagpumilit na wag akong ilibre dahil lugi naman yung mga hindi maganda.

"hindi miss,okay na ang may sumakay lang na maganda sa jeep ko ay libre talaga yun." turan ng driver.

"paano kuya kung di ako maganda? Ibig sabihin ba nyan wala akong libre? Napaka unfair naman po yun, dapat di po tayo mag paka subjective sa lahat ng bagay, lalo na pagdating sa itusra. Be objective kuya, ma pa panget ma yan o maganda, dapat walang lamangan, walang special treatment!"

After ko sabihin ang script ko ay lahat ng tao ay nag si-palakpakan, at todo hiyawan pa. Ani nila ay the best daw yung lines ko lodi na raw nila si ako, chars. Agad naman humingi ng tawad si manong driver at siningil na ako na syang bayad ko naman, at hindi na kinuha ang sukli. Sabi nya di pa raw ako maganda, mabait pa raw ako. Sana raw lahat ng magagandang tulad ko ay may kabaitan ding taglay. Anya may mga magaganda kase na saksakan ng taray na parang akala mo ay hindi kumakain ng tuyo at kung umasta ay akala nila pag mamay-ari nila ang buong sansinukob.

Nag patuloy ang aming pag lalakbay este pag byahe. Biglang pumasok sa diwa ko si Terrence, yeah he was. Ewan ko ba at sa dinami daming pwedeng pumasok sa utak ko ay sya pa. Natatawa nalang ako sa likod ng aking isipan dahil sa kanyang sinabi sa akin kailan lang na mahal nya raw ako. Oo mahal nya ako dahil sa maganda na ako. Mahal nya ako dahil sa sexy ako. Napag isip ko kung paano kung panget ako? mamahalin nya pa kaya ako? hays, kung alam nya lang marahil na ako si Victorina baka mapatakbo sa takot ang gago. Sabi nya pa sa akin, kaya nyang iwanan si Trishia para sa akin. Ganun na ba ang mga lalake? Kapag may mas maganda sa paningin nila ay mang iiwan nalang ng iba at pipiliting pumunta sa bago nya? Mukha na ba talaga ang base-han sa pagmamahal?

Ang Saya Maging Maganda (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon