CHAPTER 30 ( EXCHANGE OF HEART)

358 16 0
                                    



CHAPTER 30

TRISHIA POV

Guho, ganyan ang buhay ko ngayon, guhong guho mula nang iniwan ako ni Terrence. He brokes me up, and leaves me with a pain in my heart. My heart is bleeding, my eyes is crying a tons of tears. Gusto ko mang hawakan pa sya pero sya na itong kusang bumitaw para sa aming dalawa. Di ko alam kung nagkulang pa ba ako sa pagmamahal o lumabis ako sa pag bibigay ng halaga sa kanya. I knew from the start na ayaw ni Terrence nang pabebeng babae, all he wanted is 'yong sinasakyan kung ano ang gusto nya, kung ano ang trip nya at ibigay ang nais nya. I gave all of those things that he likes, and I didn't do the things he never likes. Kahit minsang naiinis ako dahil ako nalang palagi ang gumagawa ng move still I understands him, dahil sa mahal ko sya.

Oo una sabi ko sa sarili ko ay i-bo boyfriend ko sya dahil gusto kong yumaman, gusto kong magkaroon ng magarang kotse, malaking bahay at ipaman nya sa akin ang kanyang negosyo. Lahat nang iyon ay inaasam ko, pero sa bawat araw na dumadaan ay napapamahal na ako sa kanya, hindi ko alam kung bakit ako napaibig sa kanya ng lubusan gayong palaging busy sya at minsan lang magkaroon ng oras sa akin. Sabi ko sa dati, bago man kami magkahiwalay ni Terrence ay dapat may na bingwit na ako sa kanya, kahit kotse malang o bahay, pero wala. Dahil tulad ng sabi nya sa akin noon, magbibigay lang sya kapag sa babaeng ikakasal para sa kanya. Niyaya ko nga sya magpakasal pero anya ay di pa sya ready dahil need pa sya ng daddy nya sa VBL. Kaya ginawa ko ay dumikit pa ako lalo sa kanya, gumawa ako ng hakbang na magpapahulog pa mismo ng loob nya sa akin, yung tipong matatakot syang mawala ako sa kanyang tabi. Una ay umubra ang ginawa ko pero di naglaon ay parang di na nya gusto ang aking ginagawang paglalambing sa kanya, sa pag punta sa kanyang office to make him surpise. Lahat ng yun ay nawala ng unti-unti dahil sa isang babae, si April Costova. Di ko alam kung naakit ba si Terrence sa kanya o sadyang inaakit nya si Terrence para lumayo ang loob ni Terrence sa akin. Days passed by ay di na ako kinakausap ni Terrence,para nga akong tau-tauhan na kakausapin nya lang pag trip nya, na kapag bored sya. hanggang sa di naglaon ay nawalan na ng gana sa akin si Terrence. Yung dating ngiti sa aking labi ay napalitan na ng lungkot. Ang umaapaw na saya sa aking mata ay napalitan ng luha. Ang makulay na mundo ko ay napalitan ng madilim na para bang hindi na sisikatan pa ng araw.

Kahit ganun pa man ang hangarin ko buhat nang naging kami ni Terrence, ay napamahal na sya sa akin. At ngayon, tila na karma ako sa aking ginagawa, nawala ang lahat. Maybe deserve ko to dahil sa humangad ako ng subra maliban sa pagmamahal na ibibigay ni Terrence sa akin. Pero ang di ko deserve? Ay yung iwanan nya ako ng ganun-ganun nalang, ng basta-basta nalang dahil sa may mahal na syang iba. May magagawa pa ba ako kung sya na ang bumitaw? Ano pa ba ang magagawa ko kung naakit na sya sa iba. kailangan ko pa bang ipaglaban to gayong sya na ang sumuko sa laban, dapat ko pa bang ipaglaban ang aking nadarama? Dapat ko pa bang pilitin ang sarili ko sa kanya? O dapat na akong bumitaw at tanggapin nalang ang nangayare.

Dahil sa subrang pagkabalisa ko ay napatawag ako ng di ko namamalayan kay April. Ginawa ko yun dahil gusto kong mag usap kami ng babae sa babae. Ayaw ko mang gawin to pero gusto kong magsumamo sa kanya at mag makaawa na ibalik nya si Terrence sa akin, na tigilan na nya si Terrence.

I dialled her phone and it rangs.

"hello" rinig kong turan nya sa phone. "who's this calling?"

I wiped my tears and put my self calm down.

I gulped.

"hello April" malumanay kong turan. "pwede ba tayo mag-usap"

"nag-uusap na nga tayo ehh" pag pilosopo nya sa akin na syang pag impit ng aking panga. Nakakaasar talaga sya kahit kailan. "teka sino pa to?"

Ang Saya Maging Maganda (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon