CHAPTER 22 ( CAUGHT IN THE ACT )

380 11 1
                                    



CHAPTER 22

One week after mula nang nalaman ko ang sekreto ni Charmel. Lahat ng mga bagay ay pinag-aralan ko at binusisi ng husto para mahuli ko mismo sa akto ang lahat ng bagay na pinag-gagawa nya, hanggang sa napag disisyunan kong pumunta sa The Manuscript at kunware ay makikipag kita sa CEO nila. siguro wala namang magagalit sa akin if ever na tumuntong ako don. Gusto ko lang naman mabatid ang mga transakyon ng dalawa, at by that ay madadagdagan ang mga information ko, at may ipapakita akong madaming ebidensya kapag nagkahulihan na.

Naghanap na din ako ng private invistigator para tulungan nya ako sa pagkalap ng ebedensya sa mga kawalang hiyaang pinag gagawa ni Charmel. Pinayuhan nya pa nga ako na lumapit daw ako sa aking kaaway nang hindi nila namamalayan, para sa ganyun ay madali akong makakuha ng mga information. Sabi nya pa ay kaibiganin ko daw ang CEO ng The Manuscript, tutal maganda naman ako at sure daw sya na mahuhulog sa bitag ko ang CEO ng The Manuscript.

--




Nag plano na ako na umalis saglit sa TDHotel at as usual hindi na ako mag pa-paalam kay sir Peter. Madami na namang tanong yun sa akin kapag pinaalam ko sa pa sa kanya na may lakad ako, at papasamahan nya din ako sa mga escorts. Maybe wala naman sigurong dudumog sa akin, or may mag tatangka sa akin kapag naglakad akong mag-isa.

Inayos ko na ang sarili ko at makapal na make up lang naman ang nilagay ko sa pisnge ko. naglagay din ako ng sun block cream para di matunaw ang mga plastic na nakasiksik sa mukha ko, pero chars lang.

Nang tapos na akong mag-ayos ay pa sekreto akong lumabas sa TDHotel. Nagtago din ako mula sa mga guards at sa lahat ng staffs ng hotel. Alam nyo naman mga sumbungera at sumbungero ang mga tao sa hotel na to. Bantay sarado ako mga bes, kahit sa garden lang ako pupunta ay may guard pa talagang nakabantay sa likuran ko, wala akong kalayaan. Minsan pala ay may kasamaang dulot din ang kagandahan eeh, bantay sarado overload. Naalala ko tuloy nung panget pa ako, ay malaya akong nakakagalaw, walang nagtatangka sa akin saan man ako magpunta, hays! Dapat doblehin ko pa ang pag adjust ko sa sarili ko para di ako mahirapan ng husto.

Nang nasa parking area na ako ay may nakita akong isang aquarium na subrang laki. Namangha nga ako dahil kahapon wala pa to, pero ngayon meron na? wow, instant. Napatigil ako ng ilang minuto sa harap ng aquarium na yun at isa-isang pinag titignan ang mga isda. Napahawak pa ako sa aking bibig dahil sa aking nakita, mga Piranha ang ang nasa loob ng aquarium, maybe nilagay nila ang isda don para walang magtangkang magnakaw sa loob ng hotel.

Umalis na ako sa harap ng acquarium at sumakay sa kotse ko, sa kabilang exit ako dumaan para di ako makita ng mga escorts ni Mr. Masangsang.

==



After ng mahaba-habang pag mamaneho ko ay nakarating na rin ako saThe Manuscript Company. Nakapasok ako kahit subrang higpit ng security sa loob. Syempre sino ba naman ang hindi magpapasok sa isang kagaya ko na maganda at sexy pa. at saka inuto ko ang mga guards, sabi ko ay isa akong business woman na gustong mag transact ng negosyo with their CEO. At hayun pinapasok nila ako.

Kung nagtataka kayo kung bakit di nila ako nakilala as April Costova, malamang sa malamang na nag disguise ako. yeah, iniba ko ang mukha tru make over. Mukha na nga akong intsek sa porma at itsura ko, muka nga akong pinagulong sa harina.

--


Naglalakad ako sa mahabang pasilyo ng building na 'to. Medyo okay din ang paligid at ambiance, pero mas the best ang building ng VBL.  Mas madami kasing gwapo at magaganda do'n., charz!!

Ang Saya Maging Maganda (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon