CHAPTER 24

371 13 0
                                    

Chapter 24



Umuwe na ako mula sa pag bisita ko sa bahay namin. Lahat nga ng topic ay napagkwentuhan na namin ni itay, about sa politics, about sa pag sugpo ng krimen at druga sa bansa. Maging ang buhay ni Bonifacio at Aguinaldo ay napag diskosyunan naming dalawa. Mahilig kase kami ni itay sa mga history at politics. Inuugnay namin ang kaso ni Aguinaldo at Bonifacio sa panahon ngayon, pero etchus lang.

Yung tipong nag flashed backs na ako sa utak ko, madami na kaming napag-usapan ni itay at naubos na namin ang hinain nyang merienda pero si inay Maring ay hindi parin nagigising mula sa kanyang pagkahimatay kanina. Sinabihan ko pa nga si itay na baka natuluyan na at dalhin na sa ospital, pero turan ni itay, ganun daw talaga kung himatayin si inay Maring, isang oras o mahigit pa bago bumalik ang kanyang diwa. Anya ay nangangapit bahay pa daw ang kaluluwa ni inay, bago iyon bumalik sa kanyang katawan. Dahil sa ayaw kong gabihin sa kalsada o baka mapasabak ako sa traffic ay hindi ko na hinintay pang magising si inay Maring, kaya gura na si ako pauwe ng VBL. Pero bago ako lumarga pabalik ay pinaalalahanan ako ni itay na lagi daw akong mag-ingat, lalo na sa balak ko. alam nya na din kase ang balak ko about kay Charmel. Sinabi ko sa kanya ang nalalaman ko, at pinakita ko pa sa kanya ang picture na nakuha ko sa folder na binigay nya sa CEO ng The Manuscript. Gusto pa nga sana ni itay na tumulong sa pag lutas ng kaso na yun pero hindi ako pumayag, dahil gusto kong ako lang ang magtatapos nang sinimulang gulo ni Charmel. Sabi ko sa itay ko manuod nalang sya sa isang sulok sa aking gagawing pag-iimbistiga kay Charmel, at ipinangako ko din sa kanya na mababayaran ni Charmel ang lahat ng kanyang kasalanang nagawa sa amin ng itay ko, sa mga taong ginawan nya ng akosasyon, at lalo na sa kompanyang kanyang tinatraidor.

Umalis na ako sa bahay namin bitbit ang pangako ko sa itay ko na bago ako bumalik ng Korea ay tatapusin ko ang mga gulong iniwanan ko dito no'n.

--




Mga bes, dito ako ngayon sa Uber car. Nag Uber nalang ako dahil hindi maaarte ang mga driver, kahit malayo o ma-traffic ay naghahatid sila ng pasahero. Kinikilig nga ako sa driver ko dahil ang hot nya, macho chinito, ehihihi. Parang ang sarap ngang mag hubad sa harap nya, ehihihi!

Habang binabagtas namin ang daan patungo sa tagumpay, este sa hotel pala ay panay ang kwento ko kay kuyang driver, nahihiya pa nga sya sa akin dahil anya ay di sya makapaniwala na isang sikat na model ang kanyang pasahero.

Mga bes, nagpakilala ako sa kanya na ako si April Costova, para naman mas lalo syang ganahan sa pag-drive at i-care nya ako. Todo papuri pa nga sya sa akin, anya ang subrang ganda ko daw, lalo na sa personal. Sabi nya pa ay pagbubutihan nya ang pagda-drive, at dadahan-dahanin nya daw ang pagmamaneho dahil baka kapag binilisan nya ay madisgrasya kami at masugatan daw ang ganda ko. turan ko naman sa kanya, paano kung hindi pala ako maganda, ehh bibilisan nya ang pagmamaneho, at bahala na kung masugatan ako ganern. Pero paliwanag nya sa akin, hindi daw naman sa ganun, iba din talaga kapag magandang tao ang pasahero, extra ingat daw. Gusto ko pa nga sanang makipag talo sa kanya pero napag-isip ko na wala namang patutunguhan tong pinaglalaban ko, gayong maganda na naman ako, chars.

Nang nakarating na ako sa TDhotel ay nakipag selfie muna si kuyang yummie driver sa akin, syempre ako itong atat sa gwapo ay nagpa-picture na din, etchus!!.

After ng pag pi-picture naming dalawa ng driver ay pumasok na ako sa TDhotel at tumungo sa room namin. Pagbukas ko ng pinto ay syang pag welcome sa akin ni sir Peter ng kanyang lentanya. Anya ay saan naman daw ako galing, ba't hindi na naman ako nag paalam, bakit iniwan ko na naman ang phone ko.

Ang Saya Maging Maganda (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon