CHAPTER 23 ( HAGIS sa LIKOD )

456 9 0
                                    



CHAPTER 23



APRIL POV

Mga bes, may i-tsi-tsismis ako sa inyo, about to kina itay Juancho at inay Maring. One week na daw silang LQ na dalawa as what itay Juancho said to me. Pinaghihinalaan lang naman ni inay Maring si itay Juancho na may kalaguyo sya kaya daw madalas ang pag lalabas nya, at kapag nakakabalik daw sya ng bahay ay madaming syang nauuwing pasalubong, minsan naman ay pera. Dagdag pa ni itayJuancho sa pag tsismis nya sa akin ay palaging bukam bibig ni inay Maring na hindi na sya mahal ni itay, nababahuan na daw si itay sa kanya, napapanghian at nababantutan kaya daw naghahanap ng bago si itay na medyo bata-bata. Gayang gaya pa nga ni itay Juancho ang mukha ni inay Maring maging ang tono ng kanyang boses nang ikinuwento nya sa akin ang tsismis na to.

"siguro may babae ka no?" pag kwento ni itay sa akin habang ini-imitate nya ang facial expression, gesture at intonation ni inay Maring. "palagi ka nalang may lakad, sa twing sasabi ako ako sayo na gusto kong sumama ay hindi mo ko pinapayagan, pinapagalitan mo pa nga ako"

Tawang tawa nga ako sa mukha ni itay Juancho, yung para syang si Mr. Bean sa kanyang pang gagaya kay inay Maring.

"baka naman tay meron kang kalaguyo, at ang perang binibigay ko sayo ay binibigay mo din don sa babae mo, sabihin mo tay kung may kalaguyo ka, para ako na mismo magbigay direkta sa kanya ng pera" turan ko.

"pati pa ba naman ikaw, pag dududahan ako?" pag irap ni itay Juancho sa akin, at syang balik nya din ng kanyang tingin sa aking kagandahan. "kung di lang sana kasalanan sa batas ng simbahan ang mangaliwa, ay no'n ko pa ginawa, kaso natatakot ako sa karma."

"alam mo anak, kung sa tutuusin ikaw ang pinagseselusan ni inay Maring mo ehh" si itay na syang pagtataka ko naman.


At bakit naman ako pagseselosan ng aking hilaw na mudra?


"and why she's getting jealous at me?"

"kase, ikaw lang naman ang palagi kong kinikita, at nakakausap. Maybe, may nakakita sa atin minsang nag-uusap tayo, at tsinismis sa inay Maring mo, kaya itong si inay Maring mo naman ay grabe maka bulalas ng kanyang hinanakit at sama ng loob. Nang narinig nga nya yung tsismis eh aba'y nag lasing. Naabutan ko sya sa bahay na may hawak na isang litrong empe light at tinutuma yun"

Napahawak pa nga ako sa bibig ko nang narinig ko ang sabi ni itay. Aba ehh si inay Maring ehh may pagka jeje na din. Nabalitaan pa lang nya, at wala pang proweba aba'y nag react na. Iba talaga ang powers at nagagawa ng mga tsimosa. Malakas ang loob ko na may dagdag sa story telling ng kung sino man na matabil na dila ang nag tsismis kay inay Maring.

"sige tay" saad ko sa fatherhood ko. "next time ay sa mamahaling lugar tayo magkikita para makipag kwentuhan, para walang maralitang tsismosa na makakita sa atin."

Nag thumbs up naman si itay sa sinabi ko. Dagdag nya pa ay kung kelan daw balak kong magpakita sa inay Maring ko. Sagot ko naman ay kapag trip ko nang magpakita sa kanya.



Naputol bigla ang aming pag-uusap na dalawa ni itay Juancho ko nang biglang pumasok sa loob ng hotel room si sir Peter. Inukray nya pa nga ako at pinag dudahan kung sino na naman ba daw ang lalaking kausap ko, at kung pwede daw ay maawa ako at wag ko syang utuin at paakitin sa huwad kong kagandahan.

Sininghalan ko naman sya na ang ama ko ang kausap ko. Nagdududa pa nga sya sa akin, kaya agad nyang sinilip ang laptop ko at nang na confirm nya na tunay ang sinasabi ko ay tila nabuhusan lang naman sya ng malamig na tubig sa kanyang kinatatayuan.

Ang Saya Maging Maganda (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon