CHAPTER 39 ( APRIL IS DEAD )

266 10 0
                                    


chapter 39

TERRENCE POV



Binalita sa akin ni daddy ang about sa nangyayare kay April o Victorina at Trishia. Anya ay bihag sila ni Charmel. Dagdag pa ni dad, huMingi ng ransom si Charmel kapalit ng buhay ni Victorina. Batid na raw ni Charmel na si Victorina ang nawawalang anak ni dad. Humingi ng isang daang milyong peso si Charmel kapalit ng buhay ni April na syang pag payag naman ni dad. Nagtalo pa nga kami ni dad dahil kay laki ng perang hinihingi ni Charmel, at kapag binigay nya iyun ay wala na kaming pera.

"buhay ni Victorina iyun, Terrence, para mo na ring kapatid yun, isantabi mo muna ang galit mo sa iyong puso" si dad.

Sasakay na sana si dad sa kanyang kotse para ibigay ang pera sa sinabing lugar na Charmel ay pinigilan ko sya. Aniko ay ako na ang maghahatid ng pera kay Charmel, at ililigtas ko na rin si Victorina at Trishia. Dagdag pa ni dad ay wag na wag daw kami mag sumbong sa pulis or else hindi na daw nya maabutang buhay si Victorina.

"pero baka may gawing masama si Charmel sayo" si dad.

"no, dad, kaya kong proteksyunan ang sarili ko." turan ko na syang pag yakap sa akin ni dad sabay bigay nya sa akin ng perang nakalagay sa brief case. Pagtanggap ko no'n ay agad akong sumakay sa kotse.

Tama si dad, isantabi ko muna ang galit ko kay Victorina. Sa sitwasyong ito ay dapat magtulungan kami dahil sa hindi lang buhay nila Victorina at Trishia ang nakasasalay dito, kundi maging ang kompanya namin. Gusto kong makulong si Charmel at ilantad nya sa amin kung sino pa ang mga kasabwat nya sa pag bagsak ng VBL.

=




Habang nagmamaneho ako ay larawan ni April slash Victorina ang nasa gunita ko. Dapat pala palayain natin ang ating puso sa galit natin sa isang tao, dahil ang galit na yun ang syang magpapabagsak sa atin, at ang pagpapatawad ay syang magpapalaya sa atin.

Gigil na gigil ako habang nagmamaneho ako. kinuha ko ang phone ko at tumawag sa pulis at sinabi sa kanila ang tungkol sa nagaganap. Sinabi ko sa kanila ang lugar na kung saan ko dadalhin ang pera. Sabi ng pulis na nakausap ko ay pupunta sila at magdadala rin sila ng SWAT team para pam back-up. Binilinan ko rin sila na wag magpapakita kahit kanino man, dahil kapag nangyare yun ay mamamatay ang mga bihag, at hindi ko iyun mapapayagan.

"kapag naiabot ko na ang pera saka kayo sumugod" saad ko.

"masusunod mr. Terremce" turan ng pulis.

"salamat sir" ngiti ko,sabay patay ng telepono. Pinaharurot ko na ang kotse ko papunta sa lugar na sinasabi ni Charmel. Sa isang lumang pier sa city.

--

Nakarating na ako sa lugar na sinasabi ni Charmel. Bago pa man ako bumaba ay tumawag ako ulit sa mga pulis upang itanong kung nasaan sila at ipabatid na rin sa kanila na nasa pier na ako. Anila ay nasa paligid lang sila, naka civilian para hindi mahalatang pulis sila. Sabi pa sa akin ng pulis na nakausap ko ay nagkalat daw sila sa loob at labas ng lumang pier. Ang iba ay nag panggap na nangangalakal ang iba naman ay nag panggap na napadaan lang.

Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na ako ng kotse ko. May bitbit akong baril sa aking beywang na tinatakpan ng aking suot na white long sleves, at hawak –hawak ko naman sa aking kamay ang brief case na naglalaman ng pera. Habang naglalakad ako ay ginagala ko ang mata ko sa paligid. May mga tao akong nakikita na naka suot ng pag pulubi sabay senyas nila sa akin na syang pag thumbs up ko.

Ang Saya Maging Maganda (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon