CHAPTER 37 ( The End is Near)

313 10 0
                                    


CHAPTER 37

CHARMEL POV

Ngayong batid na ni Terrence ang lahat tungkol sa akin, at sa gagawin ko pa ay minabuti kong gawin na ang plano ko, ang plano ko na kung saan ay paslangin kung sino man ang humadlang sa plano ko. Uunahin ko ang mga kahinaan ni Terrence, at ang mga taong mahal nya kung sa ganun ay doon ko sya matatalo. Bibihagin ko ang pamilya nya, ang tunay nyang mga magulang at si Trishia. At kay April naman alyas Victorina ay marahil for ransom nalang sya, ang kapalit ng buhay nya ay ang buong VBL , ahahaha!! At sa ganun ay magiging instant billionaire na ako.

Kanina pagkatapos kong betlugan si Terrence ay syang pag takbo naman ni Trishia. Pinaputukan ko sya para tumigil sya sa kanyang pag takbo pero ni hindi manlang sya natinag.

"kapag hindi ka tumigil sa pag takbo babarilin ko si Terrence" bulyaw ko sa kanya sabay lingon ko kay Terrence pero wala na sya sa kanyang kinaruruunan.

"bwesit, nakatakas na ang pwede ko sanang gawing bihag" pag galaitin ko kaya minabuti kong sundan si Trishia sa baba. Pagdating namin sa ibaba ay rinig ko ang pagsigaw ni Trishia na tulong mula sa mga securities, at ang mga securities naman ay syang pag panic nila para kumuha ng mga armas. Nang nasa parking area na ako ay kita kong paparating ang iba pang mga gwardya na syang may bitbit na baril kaya hindi pa man sila nakakarating sa akin ay binaril ko na ang dalawa sa kanilang balikat.

"Charmel?" pag kabigla ng isang guard sa akin. "a-anong ginagawa mo. ba-bakit ka nag-aamok?, hindi ka ba pinasahuran ng boss natin?"

"wag ka ng magtanong nang magtanong at kung ako sa iyo ibaba mo na yang baril mong nakatutok sa akin kundi ikaw ang uunahin kong ihatid sa infierno." Pag galaitin ko pero hindi pa nya tinatanggal ang kanyang baril na nakatutok sa akin. nag warning shot naman ako ng tatlong beses na syang pag kagulat nya at syang paghulog ng kanyang baril na hawak. Kaya dahil doon ay nakakuha ako ng oras para makatakas at sumakay sa aking sasakyan. Nang inaabnate ko na ang sasakyan ko ay kita ko ang paghabol sa akin ng sekyu, kaya inilabas ko ang aking kaliwang kamay na may hawak na baril saka sya pinaputukan.

Nang nakalabas na ako sa parking area ng VBL ay mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko para sundan si Trishia.

Alam kong iisang daan lang dinaanan nya palabas ng VBL, at alam ko rin na hindi sya makakalayo sa akin. mas binilisan ko pa ang pag patakbo ng sasakyan ko at panay ang pag linga ko ng aking ulo sa bawat sasakyan na aking nakakasabay. I knew what Trishia's car, and I knew what her plate number, kaya once na makita ko ang sasakyan nya ay hindi ako magdadalawang isip na i-shoot to kill sya.




Pagdating sa isang kanto ay nakita ko ang isang pamilyar na kulay ng sasakyan na syang pag ngiti ko like a devil. Ahahaha! Got ya Trishia!!!sorry nalang dahil ihahatid kita kay kamatayan, ahahaha!

Dali-dali kong inabante ang car ko hanggang sa nakarating ako sa lane kung saan ay nandon ang kotse ni Trishia. Nasa likuran ako ng kanyang kotse at kita ko mula sa side mirror ng kanyang sasakyan ang kanyang paglingon sa kanyang likuran. Alam kong hindi kilala ni Trishia ang kotse ko dahil hindi nya pa yun nakikita, at hindi nya rin alam na nasa likuran na nya si kamatayan na sinusundo na sya.

Nang lumiko ang kotse ni Trishia sa isang abandunadong building ay inabante ko ng todo ang sasakyan ko hanggang sa naunahan ko sya at na corner. Dali-daling bumaba si Trishia para tumakas kaya dali-dali rin akong lumabas ng sasakyan ko para habulin sya.

"hindi ka na makakatakas Trishia" turan ko habang nag wa-warning shot. "tumigil ka na sa pagtakbo mo dahil mapapasaan ba't mahahabol rin kita" pag warning shot ko ulit pero hindi manlang sya tumigil. "aba, pabebe ka talagang babae ka dahil walang makakapigil sayo ahhh"pag putok ko ng baril sa kanyang tinatakbuhan na syang pag tili nya at pag tigil sa pagtakbo. Dali-dali naman akong tumakbo sa kanya at syang hablot ko sa kanyng leeg at sinakal sya.

Ang Saya Maging Maganda (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon