CHAPTER 4 (Ang bagong Ako)

584 19 0
                                    



CHAPTER 4

Pagdilat ko ng aking mata ay tila kay gaan ng aking pakiramdam, pakiwari ko ay na erase lahat ng pain sa life ko, feeling ko parang ibang Victorina na ako.

"hai" pag wave sa akin ni doc Kim.

Napakunot naman ang noo ko at syang pag bangon ko. Naka higa parin ako sa isang kama at napapalibutan ako ng camera, charot lang, napapalibutan ako ng mga staff ng clinic at isa na don si sir Peter na halos tulaley sya sa kapangetan ko. Magsasalita sana ako kaso parang may pain akong na feel sa aking panga at sa aking leeg.

"don't speaking, just relaxing" pag inglis sa akin ni doc Kim.

Lumapit si sir Peter sa akin at syang pagturan nya na ang ganda ko na daw, parang ibang tao na daw ako, hindi na daw ako si Victorina na una nyang nakilala na mukhang mandurugas. Gusto ko nga sana syang bigwasan pero may pain akong nararamdaman sa katawan ko. Hindi ko din ma gets kung ba't madaming masakit sa katawan ko ngayon, hindi ko din alam kung ano ang ginawa nila sa akin after nila akong patulugin.

"you're so beautiful" pag intriga ni sir Peter sa akin. "I – I can't believe it Rina" pagkamangha nya sa mukha ko na akala mo ay nakakita ng dyosa "its look like a magic, I didn't know how doc Kim did it, it's perfectly done!" pag hawak nya sa fes ko.

Dahil sa gulong gulo na talaga ako sa sinasabi ni sir Peter ay kinuha ko ang isang prescription pad na nakasabit sa bulsa ng lab gown ni doc Kim at sinulat ang gusto kong sabihin sa kanya, sabi ko pakyu ka sir, ang manyak nyo po, pero joke lang.

Anong maganda ang sinasabi nyo? Hayun ang sinulat ko sa papel at syang pag basa ko kay sir Peter.

"ikaw nga ang maganda, perfect ang pagkagawa sa yo"

Dahil sa litong litong na talaga si ako sa kanyang pinag tatalak ay binigwasan ko sya pero joke lang, nagsulat akong muli sa papel at pinabasa iyon sa kanya.

gawa? Hahaha, nagpapatawa ka na naman, di kita magets.

Nang nabasa ni sir Peter ang sinulat ko ay kumuha sya ng isang salamin at ibinigay yon sa akin, at kaagad ko namang tinanggap saka tinignan ang sarili ko sa ibinigay nyang salamin. Halos mapasigaw nga ako na walang boses sa aking nakita, yung umatras ang pwet ko sa aking kinauupuan.

"ikaw yan Rina... yan ang bagong ikaw" turan nya. Nakakunot lang ang noo ko dahil hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Dahil sa gusto kong makasiguro na ako na talaga tong girl in the mirror ay tumingin akong muli sa salamin, at napahawak ako sa labi ko ala Pia Wutzbach [no'ng in-announce sya as winner sa miss Universe] dahil sa aking nakita na kay gandang mukha, ala beauty queen na pwede nang isabak sa international pageant. Magkahalong kaba at tuwa ang naramdaman ng aking puso nang nakita ko ang bagong ako sa salamin, ni hindi ko ma explain ang aking nararamdaman, di ako makapaniwala na gumanda ako sa isang iglap lang. Tunay nga ang sinabi ni sir Peter kanina, parang magic ang nangyare sa akin, gumanda sa isang hampas ng magic wand ni doc Kim. Yung tipong natulog ka na panget, ta's pag gising mo gumanda ka bigla, bongga mga beshie. Hindi na ako masasabihan na 'kung ang iba ay nagigising ng maganda ako ay nagising lang', at ngayong maganda na ako ay hindi na yan ang sasabihin nila sa akin, charot!

"okay ba sayo ang bago mong looks?" pag tanong sa akin ni sir Peter habang iniscan ko ang sarili ko sa salamin.

Nag thumbs up nalang ako at syang yakap ko sa kanya, gusto ko nga sanang umiyak kaso pinipigilan ko baka kase pag pinatakan ng luha ang mukha kong gumanda ay bumalik sa dati nyang hurma.

Humiwalay na si sir Peter sa kanyang pagyakap sa akin at syang turan nya na pahinga daw muna ako dahil maya-maya ay lalabas na kami ng clinic. Turan nya pa bawas daw sa sahod ko ang ginastos nya sa akin, gusto ko nga syang betlugan dahil sa sinabi nya. Sino ba kase ang nag sabi sa kanya na dalhin nya ako dito at ibahin ang mukha ko, tas ako itong babawasan nya ng sahod. Kung alam ko lang sana na ganto ang gagawin nya sa akin ay nag refuse na ako, hmpp!

Ang Saya Maging Maganda (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon