CHAPTER 32 ( ANG HIRAP MAGPANGGAP)

355 11 3
                                    



CHAPTER 32




Pagdating ko sa hotel ay may inabot si sir Peter sa akin na envelople, anya ay basahin ko daw 'yun. agad ko namang tinanggap ang subre at binuksan. Isang liham paanyaya mula kay Terrence. May party daw kase this night sa VBL.

"ayaw kong pumunta" balik ko ng letter kay sir Peter. Agad naman syang lumapit sa akin para tanungin ako kung ano ang nakain ko at first time kong nang ignore ng invitation lalo na't kay Terrence pa.

"sabi ko na nga ba may something sa inyong dalawa ehh, LQ ba kayo?"

"napaka malisyuso mo talaga kahit kailan sir" pag kurot ko sa kanyang puson. "pag nagpa oo ako sa invitation nya sasabihin mo sa akin, atat ako, ngayong ayaw kong pumunta sasabihin mong may something wrong sa aming dalawa. Di ko na alam kung saan ko ba ilulugar ang sarili ko."

He laughed so loud at sinabihan nya pa ako na nagpapapilit lang, madami pa daw akong arte ehh ang ending din naman ay pupunta lang din naman ako.

"oo na" singhal ko sa kanya. "pupunta na... ano masaya ka naaaaa?" pag dilat ko ng aking mata sa kanya. Pero ang nyemas pinukpok sa akin ang hawak nyang subre, sabi nya nakakatakot daw ako pag nag pa bilog ng mata, para daw akong zombie. Dagdag nya pa mabuti at gumanda ako if not, baka magmukha akong maligno sa pag dilat ko ng aking mata.

Umalis na ako sa harap ni sir Peter at tumungo sa cabinet ko para maghanap ng damit na susuutin ko mamaya. Nang nakakita na ako ay nilabas ko yun at syang lagay ko sa ibabaw ng kama ko. it's a simple dress, hindi yung kita ang kaluluwa ko, hindi din sya off shoulder tulad ng karaniwan kong sinusuot, gusto kong kahit ngayon araw lang ay mag mumukha akong babaeng conservative, chars! At ayaw ko na ding mag suot ng mga dress na pang pageant para lang akitin si Terrence dahil sawa na ako sa pang aakit ko, chars lang. Ayaw ko nang dagdagan ang kasalanan ko mga bes sa mundong ibabaw, baka kapag na tsugi ako ay sa dagat-dagatang apoy ako mapunta.

--





The night has come, at ready na ako sa pagpunta sa VBL. Inukray pa nga ako ni sir Peter, aniya ay kanina pa ayaw-ayaw ko pa pero ang suot ko daw ngayon parang hindi pinaghandaan. May napuna pa nga sya sa akin, bakit daw parang nag iba na nag taste ko sa pananamit, dati naman daw ay kung mag dress ako kulang nalang ipakita ko pati singit ko, but now ay nakatago lahat ang balat ko.

"people change, so you need to adjust" turan ko sa kanya. Hinimas-himas pa ni sir Peter ang leeg ko to check kung may lagnat ba ako.

"nagbago ka na?" anya.

"may mga bagay talaga na nagbabago para sa sariling kapakanan."

Hindi na sya umimik pa kundi inalok nya ang kanyang palad sa akin para sabay kaming lumabas ng hotel at tumungo sa kanyang kotse sa parking area ng TD hotel. Nang nasa parking area na kami ay sumakay na kaming dalawa ni sir Peter sa kanyang kotse at syang pag maneho nya para pumunta sa VBL.

Itong mga nagdaang linggo ay hindi na kami gaano pinapatawag para sa photoshoot, sabi kase ni Mr. Masangsang, ang contract namin sa billboard ay tapos na and after this month ay sasabak ulit kami sa photoshoot to promote the new edition of TDMagazine. Kaya ako itong tambay sa hotel, walang mapuntahan. Gusto ko mang magliwaliw ay hindi ko magawa dahil kapag lalabas ako kailangang may security akong kasama. Hindi tulad noon na kahit saan ako mapadpad ay okay lang, walang dudumog sa akin, walang kukurot sa akin, walang tatakbo palapit sa akin. Pero ngayong kapag nakita palang nila ako sa malayo ay takbuhan na sila sabay selfie. Ang iba pa nga ay kinukurot ako para suriin kong tunay ba talaga ako. Dati no'ng chaka pa ako kapag nakikita ako ng mga tao ay parang nasa panganib ang buhay nila, pero ngayon sa subrang kagandahan ko, pati buhay ko nanganganib na din, chars!

Ang Saya Maging Maganda (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon