CHAPTER 36 ( I CAUGHT YOU)

317 9 0
                                    



CHAPTER 36

APRIL POV

Hindi ko sinasagot ang tawag ni itay sa akin, maging si sir Peter ay hindi ko na rin pinapansin na kanina pang katok ng katok sa labas ng room.

Mas mabuti pang makulong at mag isa kaysa lumabas ako at makipagsalamuha sa iba, gayong ang nakalipas ko ang kanilang naalala.Ang sakit, hindi dahil sa hindi ko manlang naipalawang ng tama kung ano ang nasa panig ko, kundi masakit dahil sa galit at poot parin ang namayani sa puso ni Terrence.

Kanina pagkatapos kong ipakilala sa kanya ang totoong ako ay agad akong umalis sa labas ng hospital at sumakay ng kotse. Gusto kong tumungo sa lugar na hindi ako nakikita nino man, sa lugar na hindi ako nakikilala nino man, at sa lugar na kung saan hindi ko maririnig ang kanilang pang huhusga laban sa akin.

All of the sudden I'd never expect this could and would be happen to me. Ni hindi sumagi sa utak ko na mararanasan ko ang gantong eksena. Ni hindi ko inisip na paano nalang kaya kapag nalaman ni Terrence ang tunay na ako.

--





Nakahiga lang ako sa kama ko ngayon at panay ang katok ng pinto at kasabay no'n ay syang walang humpay na pag tawag sa akin ni itay at maging ng manager kong si sir Peter. Hindi ko iyun sinasagot bagkos patuloy lang ako sa aking pagtangis. Tila mala lawa na marahil ang luhang lumabas sa aking mata, at pakiwari ko'y mugtong-mugto na ang aking mata. Kay bigat sa pakiramdam na tila bang may nakadagang laksa-laksang bato sa aking dibdib na animo'y hindi ako makahinga. Naghihinagpis ang aking puso dahil sa nangyare, pighihinagpis na kung saan ay dulot din ng aking ginawa.

Ngayong alam na ni Terrence ang tunay kong pagkatao marahil diring-diri sya sa akin. marahil kinasusuklaman na nya ako ngayon at nasusuka sya dahil sa ang babaeng kanyang iniibig ay parte ng kanyang nakaraan, ang isang nakaraan na kung saan ay ako na kanyang tinatakwil, hinahamak at hindi matanggap. Siguro pinagsisisihan nya na nagkakilala pa kaming dalawa, nagsisisi sya dahil sa nagkagusto sya sa akin at nasira ang relasyon nila ni Trishia dahil sa akin. marahil pinagtatawanan nya ako, iniinsulto at minamaliit. Hays, ang hirap, subrang hirap. Parang gusto ko nalang magpakain sa lupa o di kaya ay mahulog sa hukay. Iniisip ko na rin na sana, nananaginip lang ako at hindi totoo ang lahat ng ito. pero mga bes, nangyare na 'yun ehh, at hindi ko na yun maibabalik pa sa dati, at hindi ko na pwede pang ibalik ang nangyare kanina para lang pagtakpan ang kanilang nalaman. Si itay kase masyado madaldal, ni hindi manlang ako in-inform or in-briefing eh di sana nakapag practice ako ng alibi ko.

Hindi ko makalimutan ang kanyang sinabi sa akin sa phone call. Tumawag kase ako sa kanya kanina to make paliwanag pero sya itong pabebe at galit na galit sa akin.

"minsang mo nang winasak ang tiwala ko, pero naulit in the second time. Alam mo ba para akong baliw at gago dahil sa ginawa mo? Nakakatawa lang Victorina dahil nag kagusto ako sa isang impostor."

Hindi ako makapagsalita dahil sa kanyang sinabi sa akin, para akong naubusan ng boses.

"minsan mo na akong niluko at winasak ang tiwala ko, alam mo ba Victorina ang tiwala ay parang papel, na kapag nilukot mo yun ay hindi na ganu'n katibay. You make a big bomb onmy face"

I turn the phone off and I cried while I'am driving. Parang gusto ko na nga ibangga ang kotse o di kaya ay makipagbasag ulo sa traffic enforser, o di kaya ay ihulog sa bangin ang kotse ko.





Ang Saya Maging Maganda (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon