CHAPTER 20 (PAYO ni ITAY)

358 9 2
                                    


CHAPTER 20

TERRENCE POV



Di ako nakatuloy ng uwi sa bahay kagabi. I received a text message from Ivan na nagyaya na na mag unwind sa bar na kanyang pinag ta trabahuhan. Agad din naman akong pumunta sa bar na iyon, at pag dating ko do'n ay kompleto ang buong barkada ko when I was college. Mga lasing na nga ang iba, ang iba naman ay nasa sarili pa nilang katinuan. Turan nila ay kanina pa daw nila ako hinhintay, ni hindi manlang daw ako sumasagot sa text. Paano nga ba ako makakasagot ng kanilang text kung busy ako sa pakikipag landian kay April.

Umupo ako sa kanilang tabi at syang bigay ni Roice sa akin ng isang bote ng beer, at syang tanggap ko naman don. Agad kong sinunggaban ang malamig na beer na iyon na syang nagpawala sa aking pagod buhat sa pagsuong sa traffic. Kelan kaya masusulosyunan ang traffic na yan, nasaan na ang pangako na tatlong buwan ay malulutas na nya daw ang traffic. Puro salita, wala naman palang binatbat! Walang pinagkaiba sa dating administrasyon na puro salita, wala sa gawa.

Isa-isang nag ku kwentuhan ang mga kaibigan ko, at isa-isa silang nag tanong about sa life ko. Mga tanong na pang lasing at wala sa kanilang wisyo. Nakakatawa sila, bumabalik ang kanilang mga itsura no'ng college pa kami, kung titignan mo sila ngayon ay parang walang abogado, walang dentist, walang private invistigator.

"ilang babae na ang natira mo bro?" tanong sa akin ni Karl, isa syang private invistigator sa NBI.

"kunti palang, ikaw siguro madami na dahil matinik ka sa chiks ehh" turan ko.

"naku bro, nag bagong buhay na ako!! ahahaha. Balita ko sikat ka na ngayon ahh, model ka ng magazine. At ang ganda ng katandem mo..."

"oo bro, ang ganda nya subra" ngiti ko.

"so... paano ba yan, mag the moves ka na, baka unahan ka ng iba..." si Karl ulit.

Tila napikon ako sa kanyang sinabi pero di ko nalang pinahalata. Ako itong dapat mag adjust sa kanila, dahil sa ako itong sa tamang pag-iisip. Imbis na patulan ko ang kanyang tirada sa akin ay iniba ko nalang ang topic, binalik ko ang kalukuhan namin no'ng college pa kami. Ang mga tambayan namin, mga pinag bu-bully, mga pinag ti-tripan, at mga mapadamihan ng ex bawat semester. Yeah, ganun kami katindi no'ng college kami. Sa isang semester ay nakaka dalawang ex ako, minsang tatlo pa dahil sa pinagsasabay ko sila. Pero no'ng college pa ako no'n, but now tumino na ako at nag stick to one. Pero... makaka stick to one kaya ako dahil sa nararamdaman ko kay April?



Sa kalagitnaan ng aming pag uusap na magkakaibigan ay biglang tumawag si Trishia at kaagad ko naman sinagot iyun. Napaurong kaagad ang kamay ko para alisin ang telepono ko sa aking tenga, bigla kasing tumaas ang boses nya na animoy nagalit.

"nasaan ka?" turan nya sa akin nang binalik ko ang phone ko sa aking tenga.

"nasa.. nasa..."

"naku Terrence wag mo kong niluluko ahh, sabi mo kanina sa text ay matutulog ka, pero nag post ng picture ang kabarkada mo sa fb nandon ka, nag che-cheers pa.."

"huh?"

"wag mo kong ma huh! huh!" galaitin nya. "ang ayaw ko sa lahat Terrence ay nagsisinungaling, di naman kita pagbabawalan kung makiinuman ka man! Ano ba naman na magsabi ng totoo di ba?"

"pero babe, kwan kase..." pag paliwanag ko pero kaagad syang nagsalita, sabi nya ay umuwe na daw ako dahil dis oras na ng gabi. Baka matukhang pa ako at pagkamalaan ng pulis.

Ang Saya Maging Maganda (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon