CHAPTER 25 ( WORD WAR TWO )

343 9 0
                                    



CHAPTER 25


Nakaupo lang ako sa pwesto naming dalawa ni sir Peter habang nanunood sa mga taong nag pe-perform. May nagsasayawan, may nagkakantahan at madami pa. Ni hindi ako nanunuod sa kanilang ginagawa dahil sa beast mode ako this night. Pakiwari ko ay ininjectionan ako ng stress at hatred sa aking katawan. Buset na buset talaga ako sa Trishia na yun, kung di lang ako nahihiya sa magulang ni Terrence at sa mga tao sa loob ng mansion ay sinabunutan ko na sya hanggang sa walang ni isang buhok na matira sa kanyang ulo.

Natapos ang pag pe-perfom nang lahat na di ko namamalayan, busy kase ang mata ko sa pagtitig sa bukol ng mga lalake na nakatayo sa tabi ng pool. Yung tipong binabandera talaga nala sa mata ko ang nakaumbok na betlog nila, hays kay sarap dakmain, charot!

Bumalik ang aking atensyon at napaharap sa ibabaw ng maliit na stage. Si Mr. Arnaldo, nag speech, anya ay nagpapasalamat sya sa mga dumalo sa party ng kanyang anak. Lalo na daw ako, dahil ako lang naman daw ang isa sa bigating bisita nila this night. Anya ay kahit busy ako sa ay naglaan daw ako ng oras para pumunta sa kanilang paanyaya. Tumayo naman ako buhat sa aking kinauupuan at nag wave sa lahat ng tao. At nang tumama ang mata ko kay Trishia ay mas lalong dinamihan ko nang pag wave, at nginitian sya ng nakakainsultong pag ngiti. Tignan natin kung di pa sya maasara sa ginagawa ko sa kanya.

Isang palakpakan lang naman ang aking narinig sa madlang tao at mga nagkikislapang flash ng kanilang kamera ang tumatama sa aking mukha. Umupo na akong muli sa aking upuan at nag pan dekwatrong pwesto na labas ang aking legs, at pinapatama ko din yun sa mga lalake na naka swimming trunk n nakatayo sa aking harap. Ewan ko lang kung di kayo matigasang lahat dyan.

After ni Mr. Arnaldo mag speech ay si Terrence na naman ang nagsalita, ginaya nya lang ang sinabi ng kanyang ama, charot! Turan nya ay enjoy lang daw kami sa party dahil hanggang umaga daw to, wag daw mag sawa sa inumin, maging sa pagkain. At kung gusto daw ng mga boys na maka bingwit ng mga chicks ay pwede daw, at kaming mga girls naman kung gusto namin maka date ng isa sa mga naka swimming trunk na lalake ay pwede daw, anya ay may nakalaan na kwarto sa loob ng bahay nila if may want mag palipas oras, pero joke nya lang yun. akala ko totoo na dahil i-ta-take out ko lahat ng lalake na nakabalandra sa mata ko. sarap nga nyang kaltukan sa pagbibiro nya dahil asang-asa naman ako. hmmff!

"sa may mga baon na bikini, pwede na magpalit dahil I formally open the pool party!" turan nya at syang angat nya hawak nyang wine glass sabay sabing "cheers"

Tumayo na ako sa aking upuan para magpalit ng aking bikini, syempre ang manager ko ay todo pigil sa akin na wag daw ako magpalit dahil baka madaming mag-interes sa akin. Dahil ang skin ko daw akitin din lang talaga at iniiwasan nya lang na baka magdulot ng gulo sa mga lalake ang pag bikini ko.

Kinurot ko naman sya ng palihim sabay turan ko na ano pa ang silbi ng pinunta namin dito kung di ako mag papakita ng makinis kong bilat, este balat! Kahit labag sa kalooban nya ang aking gagawin ay di ko sya sinunod, di naman sa matigas ang ulo ko o nagyayabang kundi, gusto ko lang makipag kompetensya kay Trishia this night! Gusto kong makita ang na stress nyang mukha kapag nakita nyang naaakit na sa akin ang kanyang nobyo!



Umalis na ako sa kinuupuan ko at pumunta sa madilim na parte ng bahay para do'n magpalit. Masyado kaseng masikip sa nilaang dressing room na nakatayo sa labas ng bahay, maging sa loob ng mansion ay madami ding tao kaya I chose na dito nalang sa likod bahay mag palit.

Hinubad ko na ang dress ko at hayan, naka bikini na ako, ahahaha! Di naman ako ready ano po? Nasuot ko na kase ang bikini ko bago ang dress ko.

Niligpit ko na ang hinubad kong dress at nilagay yun sa loob ng shoulder bag ko. nilabas ko naman ang bath robe kong inipit ko sa loob ng aking shoulder bag at syang suklob ko no'n sa aking katawan sabay tali.

Ang Saya Maging Maganda (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon