CHAPTER 14 ( SHE'S TIPSY )

380 8 0
                                    



CHAPTER 14

TERRENCE POV

I was calling Trishia but her phone is out of coverage.

Its all my fault why it was happened. Di ko na pigil ang sarili ko at nadala ako sa aking emosyon at pagkamangha sa kagandahan ni April. Hindi ko na sana pa sinabi yun, at hindi sana humantong sa ganto ang lahat.

I heaved a sigh! And I dialled Trishia's phone again.

"shitttt" turan ko habang tinatawagan sa muling pagkakataon ang telepono ni Trishia, pero kagaya kanina, out of coverage parin. Nilagay ko ang phone ko sa aking bulsa at syang lakad ko papunta sa parking area.

Pupunta na sana ako sa kotse ko para habulin at sundan ang sinasakyang taxi ni Trishia ay narinig ko ang isang boses ng isang babae na nagmumula sa aking likuran.

"hey, anong nangyare at nag walk out kayong dalawa?" April said.

Humarap ako sa kanya at syang pag buga ko ng aking malalim na pag hinga. Sabi ko sa kanya ay nag walk out si Trishia dahil hindi nya nagustuhan ang idea ko na ma-ki sit sya sa amin.

"ganun lang pala, napakababaw na dahilan,bakit need pa mag walk out!" pag ngisi nya at syang pag lagay nya ng kanyang index finger sa kanyang labi. "madali lang naman akong kausap, kapag ayaw ehh di ayaw, kapag huwag, eh di huwag!" she said and she drew near to me. She rubbed her palm on my shoulder and next to my neck. Kakaibang haplos ang kanyang ginawad sa akin,tila bang may kakaibang enerhiyang dala ang pag hawak nya na iyon, parang nang init bigla ang buong katawan ko.

Napatitig ako sa kanyang kamay na nakapatong sa balikat ko at kanya naman iyon kinuha at syang ayos nya sa kanyang sarili.

"nasaan na sya?" tanong nya sa akin.

"sumakay sya ng taxi and I don't know where damn she's going" pagkairita ko.

Naiirita ako dahil ang ayaw ko sa lahat ay ang pinapahabol ako, at pinapatayan ako ng telepono.

"ehh di sundan mo sya...." utos nya sa akin. "if you love some one, ay susuyuin mo sya di ba? Baka kapag yan nagsawa at nakahanap ng iba ay magsisi ka" she smiles again.

Nagpaalam ako sa kanya na aalis muna ako para sundan si Trishia. She nodded her head, at ako naman ay mabilis na sumakay sa aking kotse at pinatakbo yun sa direksyon ni Trishia.

Bago pa man ako umalis sa parking area ay kinawayan ako ni April at ako naman ay nag salute lang sa kanya sabay bosena ng kotse ko.

--






Sinusuong ko ngayon ang traffic na kalsada. Wala akong ediya kung saan ko mahahanap si Trishia, at wala akong ideya kung anong lugar ang una kong pupuntahan. Nakailang beses na akong tumatawag sa kanyang telepono pero out of coverage parin. Nang-iinit na ang ulo ko at sinamahan pa ng bumper to bumper na traffic.

"if you love some one, ay susuyuin mo sya di ba? Baka kapag yan nagsawa at nakahanap ng iba ay magsisi ka" boses ni April na nag flash back sa utak ko.

Yeah its true. I love Trishia. She's the one that I love, I can't live with out her. Ilang buwan ko syang niligawan at sinuyo kaya hindi ko sasayangin ang mahabang panahon na yun para lang sa isang kamalian ko.

Oo aminado akong pabebe at matampuhin si Trishia pero yung sabi nya kaninang cool-off daw muna kami ay hindi ko yun matatanggap. I'm dying in love with her, kaya kahit labag sa kalooban ko ang habulin sya ay gagawin ko. I will take the risk para lang humingi ng patawad sa kanya.

Ang Saya Maging Maganda (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon