CHAPTER 40 ( MYSTERIOUS GIRL )

359 14 0
                                    



chapter 40


Terrence POV



Bigo kaming makita ang drum na kung saan inilagay si Victorina. Bigo kaming makita sya at nagdulot ito ng kalungkutan sa pamilya nila ng kinikilala nyang si itay Juancho, at nagbigay kalungkutan maging sa kinikilala kong daddy na si daddy Arnaldo.

Three days mula nang nangyare ang trahedyang iyun ay bakas parin sa aking utak ang mga sandali kung saan ay huli kong nakita si April o si Victorina. Kahit may galit ako sa kanya noon pero agad itong nawala at napalitan ng awa nang nakita ko syang walang malay, duguan na nasa loob ng drum. Sayang nga lang at hindi ko nasabi sa kanya ng personal na pinapatawad ko na sya at handa akong tanggapin sya kahit ano man ang pagkatao nya. Minsan talaga may mga bagay tayong pinagsisisihan lalo na't huli na ang lahat.

Sa garden loob ng mansion namin ay naglatag ng tulda si daddy, at sa ilalim ng tulda na iyun ay nakalagay ang isang maliit na altar na may larawan ni April. MAy nakalagay ring mga bulaklak at mga mensahe mula sa mga taong nagmamahal sa kanya. Halos hindi naman umalis ang kanyang manager na si Mr. Peter Lim sa tabi ng altar na iyun. Balisa sya na animoy tulala na wala sa kanyang ulirat. Maya't maya ang kanyang pag buntong hininga at pag tingala sa itaas na tila bang pinipigilan nya na bumagsak ang kanyang luha sa kanyang pisnge.

Marami ring dumating na mga bisita sa mansion namin, mga fans ni April, ang mga nakatrabaho nya sa TDM. Maging si Mr. Masangsang na syang may ari ng TDmagazine at si ang maniniyot namin ay present din. Lahat ng masasayang pangyayare na buhay pa si April ay kanilang sinasariwa at kinukwento.

Ibinalita naman sa buong mundo ang trahedyang nangyare kay April at lahat ng fans nya world wide ay nakidalamhati. Hindi nga makapaniwala ang kompanyang pinanggalingan nya sa Korea na wala na si April. nag-paabot din sila ng kanilang pakikiramay at pangako nila ay tutulong sila sa pag-imbistiga sa pagkamatay ni April. marami ring mga nakisimpatya sa kanya at nag prayer vigil na pinagdadasal ang katarungan sa kanyang kamatayan.

Si Charmel naman na syang puno't dulo ng lahat ng gulong ito ay nasa kulungan na at lilitisin na sya sa susunod na linggo. Patong-patong na kaso ang inihain sa kanya. Pagnanakaw ng pera ng kompanya, kidnapping, murder, copyright infrignment at may iba pang kasong paparating. Kumuha na rin kami ng magaling na abogado para ipantapat sa kanya. Batid naming may kamag anak syang abogado na halos walang itinalong kaso, kaya mas pinabuti naming makipag isa, at kumuha nang mas magaling na abogado.

After ng tatlong araw na iyun ay inalis na ang tulda sa garden namin at nagpagawa ng lapida si daddy at nilagay iyun sa musuleo de Vicente. Kami-kami lang ang naglibing hindi ang bangkay ni April o Victorina kundi ang kanyang mga masalimoot na karanasan sa mundong ito. Mawala man sya sa tabi at panginin namin batid namin na ang kanyang mga ala-ala ay kailan ma'y hindi mawawala at kukupas sa aming diwa.

Pagkatapos ng libing ay nag-usap kami nila itay Juancho at ni inay Maring, inimbitahan ko sila na kung maari ay sa bahay na muna sila mamalagi upang magbigay ng kaginhawaan sa kanila ang pagkawala ni April. Pumayag naman si dad sa na doon sila manatili pero si itay Juancho itong ayaw, dahil gusto nyang bumalik ng bahay nila upang sariwain ang mga ala-ala ni April.

Sa araw ring iyun ay lumabas ang result ng DNA examination namin. Positive ang resulta, ibig sabihin ay mga magulang kong tunay sina itay Juancho at inay Maring, at mga magulang naman ni April o Victorina si dad Arnaldo at mom Nenita.

Nagbigay na rin ng pabuya si itay sa paligid ng VBL kung sino ang makapag bibigay pa ng ebedensya laban kay Charmel, naghanap din kami ng iba pang tetestigo laban sa kanya. Hinahanapan din namin ng sapat at matibay na ebedensya ang kaso ni Charmel na pagpapakalat ng projects ng VBL sa labas, at isa na do'n ay ang The Manuscript Company, pero hindi sapat ang ebedensya na aming nakalap. Talagang palihim at si Charmel lang talaga ang nakaalam ng sabwatan nila ng The Manuscript.

Ang Saya Maging Maganda (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon