Chapter 6: Partners Moment (1)

389 14 0
                                    

Chapter 6: Partners Moments 1

ZYRA'S POV

Ano ba naman yan buong weekend hindi ako makatulog eh kasi naman si Director pinair pa niya sa akin si Suho este yabang pala. Akalain niyo yung buong college life ko kapartner ko yung mayabang na ' yon. Ano ba naman 'yan hanggang ngayon kasi yun pa ang nasa isip ko. Pero nasaktan ko talaga siya sa mga sinabi ko nung friday buti nga napatawad pa nga niya ako eh.

"Anong iniisip mo? " may biglang sumulpot na lalaki.

"Ay Suho! " nabigla kong sabi.

"Teka bakit mo binigkas yung pangalan ko miss mo ako noh? " tanong niya sa akin.

"Oi ang yabang mo naman. Kasi nananakot ka eh. Nabigla lang ako kaya nasabi ko yun. At 'wag ka ngang mapangarap kasi hindi kita mamimiss kahit kailan noh." sabi ko sa kanya.

"Ouch. Okay Sige, bye. Akala ko kasi namiss mo ako kahit isang beses lang." malungkot niyang pagkasabi. Tapos umalis siya. Hala nagtampo ata yung partner ko. Hoi kung akala niyo palaging masama ang loob ko dito sa lalaking 'to nagkakamali kayo partner ko kaya yan kaya pagtitiyagaan ko na lang dito lang naman sa Academy ako nito sasamahan.

"Oi, wait lang Suho... na..na..namiss kita, buong weekend ikaw ang iniisip ko!. " sabi ko sa kanya. Hay napasobra ata yung sigaw ko halos lahat ng nakapaligid sa amin  nakatingin sa akin. Pero totoo yung sinabi ko na siya yung iniisip ko buong weekend.

"Talaga? " malungkot parin niyang tanong.

"Oo at saka 'wag ka nang malungkot kasi totoo ang sinabi ko na buong weekend ikaw ang nasa isip ko." sabi ko sa kanya. Sabay gulo ko sa buhok niya pero inayos ko din. Ang gulo ko noh?

"Okay" sabi niya tapos ngumiti lang siya pero parang malungkot parin siya. Kaya ang ginawa ko hinug ko na lang siya para sumaya naman siya tapos niyakap niya din ako. Kasi pag ako ang nag-cocomfort niyayakap ko yung taong yun. Kaya ko niyakap si yabang ay Suho na lang. Or yabang nalang kaya?. Eh wag na Suho nalang.

JAIRA'S POV

"Jai napansin mo ba na sa ating lahat sila Suho at Zyra lang ang may LQ? " tanong ni Baek sa akin. Oo baek nalang daw itawag ko sa kanya para maiba daw naman.

"Ah... LQ? " tanong ko sa kanya.

"Oo LQ." sabi niya.

"Pero hindi naman sila lovers ah." sabi ko sa kanya.

"Oo nga pero mafafall in love naman yung dalawang yun. Tulad natin." sabi niya. Namin? Ako at Siya?  Ewan ko.

"Hindi naman ata mangyayari yan sa atin? " tanong ko sa kanya.

"Hintayin mo na lang." sabi niya sabay akbay niya sa akin. Kaya napatingin ako sa kanya at tumingin din siya sa akin at nag- smile. Pero tinaggal ko yung tingin ko sa kanya agad. Mahirap na baka matunaw pa ako. At baka makita niya yung mukha kung nag-bablush.

REYNALYN'S POV

"Lyn, maya-maya na lang ipapakilala na yung mga groups natin. Excited na ako." sabi ni Xiumin sa akin. Lyn nalang daw itawag niya sa akin at Min nalang daw itawag ko sa kanya.

"Oo ako din." sabi ko sa kanya.

"Lyn pwede ba kitang makilala? " tanong niya sa akin.

Dream Academy ( EXO Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon